Chapter XV

124 4 2
                                    

Mag-a-alas nueve na ng dumating si Sam. Nasa garden siya at nagdidilig ng mga orchids.

“Best! Grabe ka nag-aalala ako sa’yo mukha ka namang okay,” nilapitan siya agad nito at niyakap.

“Sorry best hindi na kita natawagan kagabi,” niyaya niya ito maupo sa swing.

“Ok lang, naexplain na sakin ni Tito, ok ka na ba?”

“Ok na, pero ayoko na muna siyang makita,”

“Gusto mo ba ipabugbog natin sa tropa ni Enzo yun?”

“Huwag na best, ikaw talaga. Hayaan na muna natin siya. Sabi pala ni daddy yayain daw kita lumabas, san mo ba gusto gumala?”

“Ako pa talaga tinanong mo? We’ll nakapagdala ako ng two piece. Pwede ba tayo magswimming?”

“Sige, tawagan ko lang si Ninong para maipagreserve tayo ng room or house cottage,”

Mabilis silang nakarating na magkaibigan sa Anilao port. Pagdating nila roon ay nandoon na si Ross at ang speedboat ng resort nila. Naalala niya ang unang pagpunta nila dito ni Kristoff.

“Aiah, ako ang pinasundo ni daddy sa inyo. Biglaan ka naman kasi tumawag hindi ako nakapagprepare,” kinuha nito ang mga bitbit nila ni Sam.

“Ross, si Sam pala bestfriend ko, Sam siya naman ang kinakapatid ko,” pagpapakilala niya rito.

“Hi Ross,” inilahad nito ang kamay.

“Hello Sam, ang ganda mo naman, para kang model,” they shook hands.

“Thanks,”

Naguusap ang mga ito habang nasa dagat habang ang mga mata niya ay nakatingin sa kalawakan at ang isip niya ay  naglalayag at sinisiklot siklot ng mga alon. Hindi man lang siya tinext ni Kristoff, or prepare her breakfast , o magpakita man lang sa kaniya para humingi muli ng chance na makapag-usap sila. Hindi ba nito alam na ang gamot sa dalagang nagtatampo ay lambing ng binatang seryoso? Siguro dahil nga sinabi niyang ayaw nya na muna ito makausap, hindi siya nito kinukulit. Pero di ba dapat ipakita nitong desido talaga itong mabigyan ng pagkakataon kaya dapat kahit ilang beses pa niya itong ipagtabuyuan ay hindi ito dapat sumuko?

“Best andito na tayo,” untag sa kaniya ni Sam. Hindi na niya namalayan na nakarating na sila ng resort. Tahimik lang siyang bumaba ng speedboat at sumunod kay Ross. Kahit ang mga biro ni Ross na dati ay ikinapipikon niya ay hindi na rin niya napansin.

“Mukha kang byernes santo,” komento nito.

“Pagod lang,”

“Babalikan ko na lang kayo mamayang lunch, magpapahanda na muna ako, magpahinga na muna kayo. Nice meeting you Sam”  tipid na ngiti lang ang itinugon ni Sam. Iyon lang at umalis na rin ito sa kanilang cottage.

 “Best medyo kakaiba rin ‘yung kinakapatid mo na ‘yon no?”

“Paanong iba?”

“Magaling bumanat ng linya. Buti na lang at may Enzo na ako,”

“Sira ka talaga, mahilig lang talaga mambola yun pero mabait naman,”

“Hay, sarap ng buhay.,” humilata ang kaibigan niya sa kama. “Sana maging okay ka na best. Tama kasi si Ross, mukha kang byernes santo,” humagalpak na ito ng tawa. Her bestfriend is really trying her very best to cheer her up.

“Sira!” hinagis niya ito ng unan. Naghampasan sila nito ng unan hanggang sa mapagod sila sapagtili at pagtawa.

“Ssshh, baka kung anong isipin satin nung nasa ibang cottage, pareho pa naman tayong babae dito,” pag-awat  niya sa kaibigan.

“Mas kakaiba ang iisipin nila kung isa sa atin lalaki, tirik na tirik pa naman ang araw,” napabunghalit na naman sila ng tawa. Maya- maya pa’y nagshower na si Sam at ibinalandra na ang magandang hubog ng katawan wearing her floral two piece swim suit. Siya naman ay walang balak rumampa kaya pinatungan ang two piece niya ng shorts at cover up. Nagshades din siya just to hide her swollen eyes. Pagkatapos nilang mag-ayos ay narinig na nila ang tawag ni Ross.

“Ladies, lunch is ready. Tara na,” tawag nito. When they opened the  door, parang tumama ito sa loto sa luwang ng pagkakangiti nito. “Sobrang swerte ko ata ngayong araw, to be surrounded by two lovely ladies. Common, minsan lang ako swertehin,”

“Napakabolero mo talagang loko ka,” komento niya rito at sumunod na rin palabas ng house cottage. Puro sea foods ang ipinakain nito sa kanila ni Sam. Enjoy na enjoy ang bestfriend niya sa mga kalokohang alam ni Ross.Pinanood lang niya ang mga itong maligo at maghabulan sa dagat na parang mga bata. Kontento na siya sa lilim ng mga punong niyog at sa mga along parang pinapakalma ang kaniyang damdamin.

            Wala pa ring text or even a phone call from Kristoff. Mukhang wala rin talagang balak ang mokong na suyuin siya. Napabuntung-hininga siya. Parang may kumukurot sa puso niya tuwing hihinga siya ng ganoon. Her every breath reminds her that she’s too broken inside and nobody could’nt take away her pain. Hindi na naman niya namalayan ang paglalandas ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa buhanginang nilatagan niya ng blanket. Naglakad lakad siya palayo sa dalawa. Baka kasi mag-alala na naman ang mga ito pag nakita siyang umiyak. Hindi na niya namalayan na malayo layo nap ala ang narrating niya. Kakaunting guests na lang sa bandang iyon ang nakikita niya. Humanap muli siya ng lilim at naupo siyang muli sa buhangin. Malaya niyang iniiyak roon ang lahat. Three months. Paano nakayanan ni Kristoff na magsinungaling sa kaniya ng ganoon katagal? Hindi ba ito nakokonsensiya tuwing maiisip niyang niloloko niya si Arhel? Siguro tuwang tuwa pa itong paglaruan siya. Kaya siya pinaibig nito ng husto. Bakit ba hindi niya naisip na maaring ito si Arhel ng ipakilala ito sa kaniya ng daddy niya? Galing din kasi ito ng abroad at kaibigan ng daddy niya ang mga magulang nito.

“Aiah,” nasinghap siya ng marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa kaniyang likuran. Hindi niya kailangang lumingon para lang malaman kung sino ito. Kilala ng puso niya ang tinig na iyon.

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon