Chapter XVII

111 4 2
                                    

Hindi siya nagfile ng leave mula sa opisina dahil naisip niyang baka lalo lang siyang maloka pag mag-isa siya sa bahay o kahit sa condo nila ni Sam. Halos isang buwan na rin ang nakalipas at hindi pa rin nagpaparamdam sa kaniya si Kristoff. Palaging off ang cellphone nito at wala na rin ito  sa 14th floor. Umuwi na ito sa kanila sa bago nilang bahay sa Batangas. Nahihiya naman siyang hingin ang number ni Tito Sheryl o Tito Rico sa daddy niya. Wala talaga siyang paraan para makausap ito.

Napatawad na niya ito. Hindi niya alam kubg kalian pa pero ang tanging alam niya ay hindi na galit ang nasa puso niya kundi ang pangungulila dito. Hindi ba niya ako namimiss?

Napakasupportive naman sa kaniya ni Sam. Hindi siya pinababayaan nitong mag-isa o malungkot man. Kung saan saan niya nito dinadala at isinasama. Minsan tinatabihan pa siya nito sa pagtulog.

Pero madalas pa rin niyang maramdaman ang kirot mula sa kaniyang puso at ang bikig sa kaniyang lalamunan pag naiiwan siyang mag-isa at walang ginagawa. Marami kasing tumatakbo sa isipan niya. Mahal pa kaya siya nito o napikon at nainip na rin ito sa kaartehan niya kaya sumuko na lang. Wala rin siyang nababalitaan sa daddy niya mula rito. Since that day, hindi na nagkwento ang daddy niya tungkol kay Kristoff. Mukhang ayaw na nitong mulang madamay sa anumang desisyon ni Kristoff at niya tungkol sa kanilang buhay pag-ibig.

Asan ka na ba Kristoff?

Ang pagtunog ng kaniyang cellphone ang nakapagpabalik sa kaniyang gunita. Nakasalampak siyang nakaupo sa terasa ng condo nila at nakatingin sa kawalan ng marinig ang patuloy na pagri-ring nito.

Unregistered ang caller. She decided to answer anyway. Baka si Kristoff ito.

Yes, hello?

Aiah?

Yes, who is this? Boses ng babae ang narinig niya buhat sa kabilang linya.

This is Tita Sheryl. I need to talk to you hija, pwede ka ba tonight? Nandito ako sa Manila.

Yes po Tita. Nasaan po ba kayo?

Nasa Manila Hotel  kami ni Rico. HIhintayin ka naming dito hija.

Ok po tita.

Dali-dali  siyang nagbihis at nagpunta sa Manila Hotel. She was so worried habang nagda-drive siya. What happened to Kristoff? Ano kaya ang sasabihin ng parents nito sa kaniya. Pagdating niya ay sinalubong siya agad ng mag-asawa.

“Hello po tito, tita,” she kissed them and they kissed and hugged her back. “Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?” iginiya siya ng mga ito papunta sa isang coffe shop.

“Hija, pwede ka bang sumama sa amin? Hindi na kasi naming alam ang gagawin kay Kristoff,” bigla na lamang umiyak si Sheryl at niyakap siya. Siya naman ay nagulat at nataka.

“Ano po ba ang nangyari kay Kristoff?” she was worried.

“Hindi siya lumalabas ng bahay. Ni hindi ata siya kumakain. Puro alak lang ang nasa sistema no’n mula pa ng magkita kayo sa Anilao,” Tito Rico said with a heavy sigh.

“Hindi po ba ninyo siya kasama?”

“Hindi hija. Binili kasi niya ang luma naming bahay and started to restore and renovate it simula ng dumating kami. Palagi naming siyang pinupuntahan doon pero hindi niya kami nilalabas,”

“Mag-isa lang po ba siya doon?”

“Every other day pinapapunta niya roon si Mang Samuel para maglinis. Pero most of the time mag-isa lang siya. We’re sickly worried hija. Feeling namin he is punishing himself for what he did. Hindi na niya kami pinapakinggan. He said he wanted to be alone. Please hija, kausapin mo naman siya,”

“S-sige po tita,”

“Ihahatid ka na lang naming doon hija,”

“Hindi na po tito. I think it’s really about time na magusap na kami ni Kristoff. Ibigay nyo na lang po sa akin ang way papunta doon.”

“Thank you so much hija. Whatever our son inflicted on you, i hope napatawad mo na siya. You two deserve to be happy. Masyado nang matagal ang nasasayang ninyong panahon,” Sheryl hugged her again.

Ibinigay ng mag-asawa sa kaniya ang address ni Kristoff. Laiya, Batangas. Mahaba habang bihaye iyon compared sa bahay ng daddy niya. She decided na bumalik sa condo at magdala ng ilang mga damit at gamit. Baka gabihin na siya ng dating roon.

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon