. Paanong nangyari na si Arhel at Kristoff ay iisa?
“Bakit hija?” nagtaka ito sa ekspresyon ng mukha niya.
“Tita, kilala ko po ‘yan, paano po magiging si Arhel ‘yan eh si Kristoff po yan,” gulat na sagot niya rito.
“Kilala mo na pala siya hija, akala ko ba hindi mo pa siya nakikita?” nagtataka ring tanong nito.
“Tita pahiram po ako,” kinuha niya rito ang picture ni Arhel at lumapit sa daddy niya.
“Daddy pakiexplain po, di ba di Kristoff ito? Bakit sabi ni Tita Sheryl ito po si Arhel?” napaiyak na siya sa paglapit sa daddy niya. “Alam mo ba ito dad?” she felt cheated.
“Arhel Kristoff Fernando ang pangalan niya Aiah,” parang dumadagundong sa tainga niya ang mga salita ng Tito Rico niya. Lalo siyang napahagulgol sa pag-iyak.
“Bakit hija? Ano bang nangyayari?”
“Tito, this man introduced himself as Kristoff not as Arhel, and he’s with me for more than three months now. He lied to me,” lumapit siya sa daddy niya na tahimik na nakatingin sa kawalan. “You know the truth dad? Alam mo ba na siya si Arhel? Why did you introduce him as Kristoff? Bakit ka nakipagsabwatan sa kaniya daddy? What are you two planning?” may halong panunumbat ang tono niya.
“That’s what he wanted anak. I told him to tell you the truth and he had reasons for not doing so. Dapat kayo ang mag-usap. And for hurting you, I’m so sorry hija,” niyakap siya nito. Hindi naman niya kayang magalit sa daddy niya kaya umiyak na rin siya rito. Tahimik lang ang mga magulang ni Kristoff habang tinitimbang ang mga pangyayari. Maya-maya pa’y they heard a knock. Iniluwa ng pintuan nila si Kristoff
BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...