We've been living in lies?
“But I really thought na ‘yun ang meaning ng sinabi sa akin ni daddy. You are my saviour, ikaw ang donor ko,”
“Itinanong ko na rin ‘yan sa daddy mo kung bakit ‘yun ang pinaniniwalaan mo. According to him, dahil patay na naman yung donor natin, at ako naman daw talaga ang naging dahilan ng pagkikita nating lahat, sa akin na niya ibinigay ang recognition,”
“Anong pangalan niya?”
“Hindi ko na rin naitanong, pero kung gusto mo maghire tayo ng investigator para malaman natin,”
“Huwag na. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ngsinungaling ka sa akin,”
“Kasi nga akala mo sa akin mo utang ang buhay mo, kaya inilaan mo na ang sarili mo sa akin to pay for it. Pero hindi nga ako ang saviour mo Aiah, you don’t owe me your life. Ayokong magpakilalang si Arhel dahil mamahalin mo lang ako dahil inlove ka sa idea na ako ang hero mo. Gusto kong mahalin mo ako for who I am Aiah, so I introduced myself as Kristoff, not a hero, but an ordinary guy capableof loving. Lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sa’yo ay totoo as Kristoff. Walang pretentions doon Aiah. How I hated mommy for using that word last night. I didn’t pretend. Ikaw rin mismo ang makakapagsabi na totoo ang mga ‘yon. Mahal na mahal kita. Hindi mo lang alam pero halos madurog ang puso ko tuwing mababangit mo si Arhel at ang utang na loob mo sa akin,” Mataman siya nitong tinititgan as if begging her to believe in every word that he said.
“Bakit hindi mo agad sinabi ang totoo? It took you three months. Baka nga kung hindi ko pa nakita ang picture mo sa mommy mo hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako,”
“I hate that word. Hindi kita niloko. Pero jeez, I lied. Admitted. I was really planning to tell everthing last night. Kaya lang hindi ako nainform nina mommy na may dinner pala sa bahay niyo. If you remember, I was begging you not to go,” huminga ito ng malalim at muling nagsalita “Sorry kung naduwag ako, ang totoo, nag-iipon ako ng pundasyon ng pagmamahal mo sa akin bilang ako si Kristoff kaya hindi ko sinabi agad. Tsaka sa sobrang saya ko kasi pag magkasama tayo, minsan nakakalimutan ko na rin talaga.” “Thanks for listening Aiah.” Tumayo na ito. “Ihahatid na kita sa resort bago ako umalis. Malapit na dumilim.” Hindi pa rin siya nagsasalita. She run out of words. Parang gripo ang mga luhang kanina pa naglalandas sa kaniyang mga pisngi. Hindi ito ang hero niya. Pero bakit parang araw pumayag ng puso niya?
Muli itong tumabi sa kaniya at pinahid ang mga luha niya. “For causing you all these, I’m really really sorry Aiah.” Then he started kissing her tears away. He dried every corner of her eyes and cheeks as well pero lalo lang siya napaiyak. She loved this man deeply. Niyakap siya nito ng mahigpit. Naramdaman niyang muli ang panginginig ng katawan nito. Parang ibinuhos ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman para sa sarili. Alam niyang umiiyak ito. She wanted to hug him back pero may kung ano sa lalamunan niya ang pumipigil sa kaniyang gawin iyon. Pero hindi rin niya natikis ang sarili. She found herself caressing his back, comforting him from the pain and the burden he carries. “I’ll be giving you time to weigh things and think about everything that I told you. I hope you’ll think about us too,” pinahid nito ang luha at pinasaya ang sarili. “Take care Aiah, mahal na mahal kita,” Inalalayan siya nitong makatayo at inihatid na siya sa cottage. Hindi na ito nagpakita kay Ross at Sam. Maya maya pa ay nakarinig na siya ng tunog ng speedboat. Umalis na siguro ito.
“Best kanina ka pa namin hinahanap. Pinag-alala mo ako,”
“Bes sumunod siya dito. Kinausap niya ako,” sinugod niya ng yakap ang kaibigan. Kung nakaisang balde na siya ng luha sa maghapon ay hindi niya alam. Ikinuwento niya rito ang lahat. Nagulat rin ito sa nalaman.
“So ano ng plano mo?”
“Hindi ko alam best,”
BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...