Chapter XI

132 3 2
                                    

It was a whirlwind romance. It was a bliss. She never thought she could be that happy having someone who cares for her more than anything or anyone in the world.

Pagkatapos ng bagyo, they went to church and spent the whole day together, dating. Gusto nga sana nilang umuwi kaya lang mabibitin sila. They decided to visit her dad next week. He bought her a boquet of sunflowers and they watched a  movie.

Hapon na ng makarating sila sa unit. Nagulat pa sila ng makitang nanonood ito sa sala pagbukas nila ng pinto.

“You two!” 

“Hi best!”

“Best your face! I was so worried about you kaya umuwi ako agad, only to be alone here. And what did you bring? Flo-flowers? Oh my God, best someone gave you flowers?” lumapit ito sa kaniya at nagtatalon sa tuwa. “Best, may manlilligaw ka na?” tuwang tuwa ito at nakalimutan na ang inis kanina.

“I do, I am courting her,” he answered. Pareho pa silang napalingon dito. Then, nagpapalit palit ito ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi naman nila naitago ang pagngiti.

“Ni-nililigawan mo ang bestfriend ko?”

“Yup,” automatikko nitong sagot.

“Wow! Nako ang dami ko palang namiss dahil sa bagyo na yan. Nung isang lingo lang nag-iiwasan pa kayo. Pero I’m so happy for you best. Pag niloko ka niyan, sabihin mo agad sa akin,” she hugged her.

“Takot ko na lang sa inyong dalawa,”

“Teka, nakawin ko muna ang best ko at marami itong utang na kwento, tutal maghapon at magdamag na kayo magkasama,” hinila na siya nito papasok sa kwarto niya.

She had no other choice but to tell her everything, including her first kiss. Kilig na kilig ito sa kwento niya at dahil isa rin itong ekseheradang babae, wala na itong ginawa kundi tumili.

“I’m so happy for you best. Finally,”

“Natatakot pa rin ako Sam, paano kung biglang dumating si Arhel?”

“Like Kris said, you really have to choose. Sabi ko na at may motibo ang mga tingin sa’yo ng mokong na ‘yon. At nung last week, para yang sira palakad lakad sa sala. Iba talaga pag napana ka ni Kupido,” Sam could not control herself in giggling.

“Thanks Sam,” abot ang ngiti niya sa tainga sa kaligayahan.

“For?”

“For being my bestfriend,”

“My pleasure, so sweet dreams na, huwag mo yun papasukin sa kwarto mo ha?” pang-aasar pa nito.

“Sira!” then she left her.

Ang advantage ng may manliligaw? Well, you don’t have to drive for yourself to and from the office. Araw-araw siya nitong hinahatid at sinusundo at lagi itong on time.Kinikilig na rin pati boss niya pagdumadating ito na may bitbit para sa kaniya. With his looks, everyone in the office seems to envy her because of her luck.

“Hi,” bati nito sa kaniya paglabas niya ng bangko. She managed a smile, controlling her self to giggle. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at pinasakay siya. Ito na rin ang tagasuot niya ng seatbelt.

“Maaga pa naman, pwede bang may daanan muna tayo bago umuwi?” tanong nito sa kaniya habang nagda-drive.

“Saan?”

“Basta, surprise. Payag ka?”

“S-sige,” napangiti ito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang mga daan sa Metro Manila dahil mukhang sanay na sanay ito. He knows the shortcuts and the roads to avoid because of the heavy traffic. After thirty minutes, napansin niyang nasa may Roxas Boulevard na sila.

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon