Chapter X

126 3 2
                                    

“Pero paano pagdumating na siya?”

“Well that depends upon you if you really want me out of your life. Pero mukhang matagal tagal pa naman siya dadating di ba? Who knows?” 

“I just don’t want to hurt you. Baka hindi kita mapili in the end,” she really sound worried.

“Let the future handle itself. At if hindi man ako ang piliin mo, maiintindihan kita. Just let me be your man for now?”

“Hindi ka nga nanliligaw,” asar niya dito. Gumanti na rin siya ng yakap. Ayaw man niyang pasalamatan ang bagyo dahil sa pananalanta nito, naguumapaw naman sa galak ang puso niya.

“Baka kasi mabasted ako agad without even trying. Lagi pa namang ang sungit mo sa akin. Tapos nilalayuan mo pa ako, how could I ever got the chance if you were busy pushing me away?” ekseheradong komento nito. Kinurot niya ito sa tagiliran.

“Drama!” sabay silang tumawa. Outside, the typhoon intensified itself with strong winds and heavy rains. Kitang kita nila sa taas na baha pa rin sa ibaba at maraming mga bahay ang walang kuryente. Puro tungkol din sa bagyo ang balita. According to the news, Typhoon Dindo will continue to devastate NCR for 24 hours.

“Ganito lagi pag may bagyo?” nakadungaw sila sa bintana.

“Yup, first bagyo mo nga pala ano?”

“Hindi naman, pero dati kasi sa lugar naman namin hindi nabaha. Nung bata ako marami na rin namang bagyo,” natatawa ito sa kaniya.

“Sabagay, but yup, ganito dito palagi. Kawawa nga yung mga bahay malapit sa creek, yung iba naman bahain talaga. Worst, nung mauso ang naglalakihang billboard, may dumating na bagyo tapos sa sobrang lakas ng bagyo natumba pati poste nung billboard sa mga bahay,”

“I think I watched that on CNN,”

“Yun nga siguro yun. Buti nga ngayon nagtatanggal na agad sila ng billboard malayo pa lang ang bagyo,” Parang lubog na sa chocolate drink ang nasa paligid nila. Gaano kaya kalalim ang baha. Kawawa naman sila….

“Kamusta kaya yung baby ni Manong Balut,” she could see concern in his eyes.

“Paano mo pala nakilala si Manong?”

“Last week ko lang siya nakilala, kasama niya yung asawa niya, She was about to give birth. Naaawa ako kaya nagvolunteer na akong dalhin yung Misis niya sa hospital. Muntikan pa ngang sa sasakyan ko si manang manganak. Buti nakarating kami agad. Tapos kinukuha nila akong ninong. Pero matagal pa naman daw ang binyag. Ang kyut kyut nung baby. Naalala ko nga yung baby na inalagaan ko dati,”

“May inalagaan kang baby sa America?”

“Wala. Pero may nakilala ako dati. Ang kyut kyut din nung baby,” he remembered when he first saw Aiah. She was six months old and he was six years.

“Ang bait mo naman at tinulungan mo sina manong,”

“Sabi ko naman sa’yo, maka-mommy ako. Naisip ko kung pano kung ang mommy ko yun tapos ako yung baby, kaya kailangan ko siyang tulungan. Moral obligation ba,” ngumiti ito sa kaniya. “Sayang gusto pa naman kita i-date. Hindi naman tayo makakaalis,”

“Saan mo naman ako balak i-date?”

“Dadalhin kita sa may beach tapos manonood tayo ng sunset,”

“Korni!”

“Korni ba? Pangarap ko pa naman yun. Gusto ko magpapicute tayo. Both of us watching the setting sun tapos nakatalikod tayo sa camera, my right hand on your waist tapos ikaw nakasandal sakin” Ang sweet ^__________^

Napangiti naman siya.

“Kinikilig ka na ano?”

“Tse!”

“Tayong dalawa lang dito magdedeny ka pa?” natatatawa ito sa kaniya. She’s very transparent. Hindi niya kayang itago ang mga ngiting abot tainga niya.

“Nagugutom na ako,” reklamo niya.

“Come, magluto tayo,” magkawak kamay silang pumunta sa kusina.

Dahil malakas pa rin ang bagyo, they busied their day cleaning the house. Seryoso ito sa paglalampaso at siya naman ay naging abala rin sa pag-aayos ng mga gamit. Pinanood rin nila ang favourite niyang movie ni John Cusack. Serendipity.

Amuse na amuse ito habang pinapanood ang reaction niya habang nanonood dahil panay ang pagkakilig niya sa pinapanood.

“Ilang beses mo na napanood yan?”

“Hundred times,” titig na titig pa rin siya sa pinapanood.

“Hundred times???”

“Oo, bakit?”

“Because the way you reacted parang ngayon lang,” tawa ito ng tawa.

“Tse! Ikaw kasi wala kang kasweetan sa katawan kaya hindi ka makarelate!” hinataw niya ito ng unan. Pinatay naman nito ang TV.

“Hoy bakit? Nanonood pa ako,” reklamo niya.

“Wala pala akong kasweetan sa katawan ha?” banta nito. In an instant, he managed to cross their gap. Nagrigudun na naman ang puso niya. He was again so close to her. He held her chin and lifted it. Their noses almost touching. Both of them could feel the warmth of each other’s breath. He then put his arm around her waist.  His eyes asking for a permission and what would her eyes reply? She closed her eyes, then slowly, he met her lips and kissed her gently. And when his lips touch her, it was magic.

It’s as if the universe zeroed in on them, and everything else had gone. It’s like being in another planet and the two of them only matter. His soft, warm lips tend to be the sweetest thing on Earth. The kissed lasted for couple of seconds pero para sa kaniya it’s been light years. She felt that what she’d been keeping for so long suddenly finds it way out. And it’s screaming its name. It is love.

He hugged her tight after the kiss. And she found herself clinging to him, never wanting to let him go.

“I love you,” he whispered. He held her hand and put it above his chest. Sobrang bilis ng tibok ng puso nito. Parang tumakbo ng ilang laps sa oval. ”Naririnig mo?”

“Alin?”

“My heart,” he paused and then smiled, “screaming your name,” Para itong teenager na lumilinya sa nililigawan. Napakamot ito sa ulo.

“Ang korni mo talaga,”

“Hala, pag pinapanood mo si John Cusack sweet, pag ako korni?”

“Korni mo naman talaga,” she gave her a peck on his cheek and ran away.

It was my first kiss. ^^

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon