Chapter IX

142 5 3
                                    

“Go, take a shower. Baka mababad ka magkakasakit ka,” sabi nito ng makarating na sila sa taas. “Maliligo muna rin ako,” tumalikdo na ito sa kaniya.

“Kristoff, thank you. Siguro kung hindi mo ako sinundo,  hindi ako makakauwi,”

“Don’t mention it,” yun lang at pareho na silang nag-shower.

 Lumabas siya ng kwarto pagkatapos. Nakita niya itong nagtitimpla sa kusina. Tapos na rin ito maligo. Ngumiti ito ng bahagya ng makita siya. “Here,” inabutan siya nito ng hot chocolate.

“Thanks,”

“Magluluto ba ako ng dinner? Baka busog ka pa,” may himig pagtatampo ang boses nito. So he did notice her actuations these past few days.

“Ako na ang magluluto, makabayad man lang ako sa’yo,” ngumiti siya dito. Wala naman itong naging reaksiyon. Pagkaubos ng kaniyang hot chocolate ay binuksan niya ang ref. Matagal tagal na rin pala siyang hindi nakakapagluto. Ni hindi niya alam kung anong laman ng ref. “Anong gusto mo?” baling niya dito. Nakaupo ito sa sink at pinagmamasdan siya.

“Ikaw,” he was again staring at her intently.

“A-ako?”

“Ikaw na ang bahala,” tumalikod na siya rito at naghanap ng pwedeng lutuin sa ref. Nagluto siya ulit ng sinigang. Kailangan nila ng mainit na sabaw.  Pareho silang tahimik habang kumakain. Inubos naman nito lahat ng niluto niya. Nagvolunteer ulit itong maghugas ng pinagkainan nila. Pagkatapos noon, binuksan nila ang TV at nanood ng balita. Signal number two na pala sa Metro Manila. Tinawagan na rin niya si Sam at ang Dad niya, informing them about their conditions. Tuwang tuwa pa ang mga ito ng sabihin niyang sinundo siya ni Kristoff.

“Aiah,” tawag nito sa kaniya habang nanonood sila ng TV. Nilingon niya ito.

“Bakit?”

“Anong nagawa ko?”

“Nagawa mo?”

“Para lumayo ka sakin. Galit ka pa rin ba dahil dun sa nangyari sa bar?” lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. “Sorry kung ano man ang nagawa ko, pero please, huwag ka naman lumayo,” nagsusumamo ang mga mata nito. Parang takot na takot na mawala siya. Para naman siyang maiiyak sa hitsura nito. Parang kinurot ang puso niya. She wanted to hug him and tell him that she can no longer stay away from him pero pinigil niya ang sarili.

“Wala, medyo busy lang talaga ako,”

“You’ve been trying to avoid me after the date. Hindi ako manhid para hindi mapansin yon. Ano ba talaga ang nagawa ko?”

“Wala nga,” she tried to avoid his eyes.

“Why can’t you look at me directly? What have I done for you to avoid me?” So, she had no other choice but to meet his gaze. And like before, her eyes speak for her.

“Hindi ako galit sa’yo. Wala ka ring kasalanan. Ako ang may kasalanan,” she admitted.

“Ano namang kasalanan mo? At bakit ako nadamay don?” he sounds hurt.

“Uhm, Kristoff, alam mo naman na may hinihintay ako di ba? And being near you, with all those sweet things you did and said to me, baka hindi ko na siya mahintay,” she started to cry. Sinubsob niya ang mukha sa mga kamay. Tumahimik naman ito sa sinabi niya, as if weighing everything.

“Huwag ka umiyak, tahan na.” Marahan nitong tinanggal ang mga kamay niyang tumatakip sa kaniyang mukha. “Shh... look at me,” hinawakan nito ang baba niya at itinunghay siya. His eyes are watery. “Sino ba yang hinihintay mo at napakaespesyal niya?” may himig pagtatampo at panibugho ang tinig nito.

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon