Sa unang pag-tatagpo,
hindi pansin ang prinsensya mo
Tanging pinagtuunan aking
espesyal na araw
Sana nakilala
Sana naki-pagkilala
Natapos ang araw na hindi
ka man lang natanaw
SayangSa i-kalawa
Hindi pa din pansin ang bawat isa
Asan ka?
Bakit hindi tayo nagtatagpo?
Natapos ang araw na isang
sulyap ang nagawa sayo
Huli na ng maisip ang bawat tagpo
ngunit mga mata'y hindi
nagtatagpo
NakakapanglumoSa i-katlo
Nakilanlan kang muli
Lagpas lagpasan ang naging laro
Ngunit panahon ay naging
mapagbiro
Hindi inaasahang mag-katabi
Salamat sa lamok at ikay nakausap
Salamat sa dami ng sasakyan
at sa takot na tumawid
Kamay mo ay nahawakan
Mula noon araw araw na ang
palitan ng mensaheSa ika-apat
Huli ka man dumating natuwa
kumalabog aking puso
Nakakasigurong ikaw ang nais nito
Ako ay iyong niligtas sa
nangungulit na nakaraan
Nagkasama ng hindi inaasahan
Nagtagpo ating mga labi
O kay sarap balikan
Sana maulit muliSa ika-lima
Nalaman ang nais ng puso,
ikaw
Sinubukan hindi kausapin
Ngunit ako ay iyong nilapitan
Sumilay ang ngiting nangungubli
Napagkasunduan muling tapusin
ang gabi na magkasama
Yakap na hinanap hanap
Halik na kung saan naliligalig
aking kalamnan
Sana maramdaman muliSa puntong ito kay sarap
balikan ang pinag-samahan
Ngunit kay pait isipin tayo'y
walang pinatunguhan
Ako ba o ikaw
Masyadong napalagay ang sarili
nawala sa lugar
Hindi tayo walang tayo
Nadala sa bugso ng damdamin
Kaya akala'y ikaw at ako sa dulo
Ngunit hindi pala
Hindi pala sa atin ang bawat
tagpoTinanggap ang iyong desisyon
kaibigan lang
Mahal kita tanggap kahit ano o sino ka
Ngunit wala itong saysay kung ako
lang ang may nais
Salamat sa pansamantalang
kasiyahan
Salamat sa pagpaparamdam na
ako pala ay isang babae
Salamat sa mga tagpong namarkahan
ng pusoNgayoy muling nag-iisa
Iniaahon ang sarili sa nakaraang
tagpo na sana maulit muli
Subalit kailangan ng
Tapusin.
Wakasan.