Tuloy lang ang buhay ko at tuluyan na din akong nawalan ng balita sa kanya. Ayoko na din naman, para saan pa yong nga kaibigan ko na laging andyan at pinaglalaaanan ako ng oras kung sasayangin ko lang sa kanya.
" Julls, tawag ka ni Boss." sabi ni Candy na kasama ko sa team. Isa nga pala akong interior designer sa isang firm sa Makati. Tumango ako at naglakad na patungo sa office.
Nadatnan ko siyang nakatalikod sa akin ar tahimik niyang tinitingnan ang labas mula sa kanyang glass window.
"Sir,pinapatawag niyo daw po ako?" Humarap siya sa akin. Matangkad siya at naka clean cut ang kanyang buhok. Makakapal ang kilay na binagayan ng kanyang maamong mata at maayos na nakadepina ang ilong sa hugis pusong labi niya. Ang gwapo, bakit ngayon ko lang napansin ito?. Kinurot ko ang daliri ko para maalis sa isipan ko si Sir.
"Have a seat Ms.Moris." naupo ako at ganoon din siya. May binaba siyang mga folder sa harap ko.
"Gusto ng client na ikaw ang gumawa ng project na ito. Go and see for yourself." kinuha ko ang folder at isa isa itong tiningnan. Isang itong layout ng resthouse na may dalawang palapag.
"Malaki ang resthouse na ito ,Sir. Malaking panahon ang kakainin nito lalo na kung nasimulan na pala ang bahay maaring limited lang ang oras mo kung ganoon." Tumango tango siya. Hindi siya umimik kaya pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa layout.
"Meron siyang sampong kwarto. Wow! parang gagawin niya itong hotel at the same time."
"Maybe, this is a solo project Ms.Moris." Nanlaki ang singkit kong mga mata sa sinabe niya. "And this client want you to rush it. Dont worry we made a contract for this."
Hindi pa din maproseso sa isipan ko ang mga sinabe niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong kabahan kasi maaring limited lang ang oras ko para dito sa project. Sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Ano Ms Moris? will you accept that offer? Well its a big project and its a good background and opportunity." Ngumiti siya at natulala ako doon. Ang gwapo niya pala talaga.
"I am willing to take a risk for this project, thank you for choosing me to do it, Sir. The pleasure is mine." Muli siyang ngumiti at kinamayan ako . Masyadong malaki ang kamay niya sa kamay ko pero ang lambot nito. Hindi agad nniya tinanggal ang pagkakaahwak namin ng kamay.
" Alam kong kaya mo at alam ko na bawat project mo ay ginagawa mo ang best mo. Goodluck Julliana." nagulat ako doon, ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko at kasabay non ay ang pagbitaw niya sa mga kamay namin. Nakaramdam ako ng parang kinikiliti sa katawan. Binalewala ko yon,muli akong nagpasalamat at umalis na.
Masaya kong tinawagan si Mandy at si Trisha para ibalita ang solo project na natanggap ko . Matapos ko silang tawagan nag-ayos na ako dahil iti-treat ko silang dalawa. Silang dalawa ang masasabi kong totoong kaibigan.
"Baka naman mahirapan ka diyan ng bongga Julls?" ani ni Trisha.
Ngumisi ako at umiling.
"Wala naman trabahong madali." Andito kami ngayon sa isang café sa Makati. Pinapanood ko ang isang lalaki na nag-mumural painting hindi kalayuan sa amin. Wala pa si Mandy dahil natraffic pa siya sa Ayala. Puro one way pa naman dito sa Makati kaya hirap din ipasok ang sasakyan.
"Sabagay tama ka naman pero masaya ako para sayo kasi atleast magkakaroon ka ng pagkakaabalahan kesa isipin si Hans." sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ko na nga siya masyadong iniisip ,ikaw naman tong banggit ng banggit."
Natawa siya at nagpeace sign. Maya maya pa ay dumating na si Mandy na tatlong paper bag na dala.
"Sorry, late ako." umupo siya sa tabi ni Trisha at tinabi sa akin ang tatlong paper bag.
"Ano yan dala mo Mandy?" tanong ni Trisha at tiningnan ko muli ang paper bag.
"Para sayo Julliana, masyado kasi akong natuwa sa binalita mo kaya binili kita ng gamit."sabi niya na halatang masayang masaya para sa akin at ganoon din si Trisha.
" Oy! nagabala ka pa Mandy, maraming salamat sa suporta niyong dalawa."
"Moral support na lang ibibigay ko Julls." sabay halakhak niya at natawa na din kami.
Matapos ang bonding naming tatlo ay umuwi na kami. Si Mandy ,ay nakilala ko sa isang kompanyang pinagtatrabahuan ko noon at pareho namin sinubukan pumunta ng Manila at pinalad naman kami. Kasama niya sa bahay sa Taguig ang long time boyfriend niya na ngayon ay nasa Chicago, nagiipon para sa kanilang kasal. At si Trisha naman ay nakilala ko sa isang artist community. Kaibigan siya ni Hans at doon nagsimula ang pagkakaibigan na din namin. Nagkasundo ang dalawa at nagkagaanan ng loob. Masaya ako dahil silang dalawa ang kaibigan ko at sila din ang nasasandalan ko sa twing may pinagdadaanan ako ,ganoon din naman sila.
Umaga ,kinabukasan wala akong pasok kaya nag-gym ako. Wala pang isang oras may pumasok na isang pamilyar sa akin at tainmtim niya akong tinitingnan habang papalapit sa akin. Bigla ako nakaramdam ng kaba ,hindi naman ako ganito noon sa kanya ngayon lang.
"Julliana"
"Si-sir" Shit, nauutal pa ako. Umayos ka nga.' Good Morning!"
"Morning, dito ka pala nag-gigym,bago ka lang ba?" Ibig sabihin,sadyang dito talaga siya? Tumango ako bilang sagot bago siya nginitian. Nag-paalam siya para mag-simula na.
Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa kanya. Ang lapad ng balikat niya na parang ang sarap sandalan. Kitang kita ko mula sa pwesto ko ang bawat patak ng pawis niya na minsan ay napapalunok ako. Nasapo ko ang aking noo sa ginawa ko kaya naman nagpasya na akong umuwi.
"Tapos kana ba?" bahagya akong nagulat pero hindi ko yon pinahalata. Jusmiyo Julliana ano bang nangyayare sayo?.
"Oo, Sir. Ikaw po ba?" kumunot ng kaunti ang kanyang noo at sa palagay ko eh mukhang tapos na din siya.
"Just call me in my first name kapag wala sa trabaho."
"O-okay Si-r I mean Kai." then he smirked. Kinalibutan ako.
"Mag-palit kana, aantayin kita sa labas. We will eat breakfast together.' so anong meron? Sa pagkatulala ko ,agad akong pumunta sa locker area para magpalit. Nag-ayos din ako ng kaunti at buti na lang maayos ang dala kong damit.
Nakita ko siyang nag-aantay sa labas ng gym katabi ang sasakyan niya. Bakit ganyan ka Boss? Don't expect Julliana baka nagmamabuting loob lang siya sayo.
Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanya. Naalarma siya kaya naman agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.
"Thank you!" umikot siya at dahan dahan niyanh pinaandar ang sasakyan niya. Ok! So ano ng gagawin ko? Ano ba pwedeng pagusapan? Oh my goodness!
"Where do you want to eat?" umikot ang paningin ko sa paligid ng BGC para maghanap ng pwedeng makakainan.
"uh! ikaw saan mo ba gusto?" tanong ko sa kanya na hindi pa din tumitingin sa kanya kahit randam ko ang mga pasimple niyang sulyap sa akin.
Hindi siya umimik kaya tiningnan ko siya na agad ko din binawi kasi nakatitig na pala siya sa akin. Bwiset! kahit morena ko feeling ko namula ako eh!. Ah Kai, ano bang ginagawa mo?