Hindi ako nag paabot ng umaga kakahanap sa katotohanan sa akinh natuklasan. Hindi naman ako nabigo at nalaman ko na buhay pa ang babae nga lang wala akong nahanap tungkol sa kanilang naging anak ni Kai.Kinabukasan, walang pasok. Nagtext ako kay Kai na makikipag kita ako sa kaibigan ko kaya naman hinayaan na niya ako. Taga Caloocan ang babae kaya hindi mahirap puntahan dahil hindi naman ito labas ng Maynila.
Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang binabagtas ang daan papuntang Caloocan. Ayon sa aking nabasa, kolehiyo nung naging sila. Apat silang magkakaibigan at siya ang nagiisang babae sa kanilang grupo. Hindi karangyaan ang kanilang buhay ,kaya naman pala itong si Jai ay sobra ang nagiging galit sa akin. Dahil base sa impormasyon, lumalabas na pineperahan niya lang daw si Kai at nung nalaman na buntis siya pinapakuha agad ni Luna, yong babae ,ang mana ni Kai para sa kanilang magiging anak. Walang nasabi si Kai tungkol don.
Pag dating ko sa isang eskenita agad kong pinag tanong kung nasaan si Luna Reyes. Ala syete pa lang umaga at abala na ang mga tao sa paligid. Mababakas ang buhay na kanilang tinatamasa. Maswerte pa din pala ako. Tinuro sa akin ng isang Ginang kung saan naroon ang hinahanap ko. Isang kontreto at may katamtamang laki ang kanilang bahay.
Ilang saglit bago ako tuluyang kumatok ay nakaramdam ako ng sobrang kaba. Paano kung totoo talagang may anak sila ni Kai? Paano kung yong bata ang humarap sa akin? Mahal ko si Kai ngunit hindi ko kayang ipagkait sa isang bata ang kalinga ng isang ama. Nangingilid ang luha ko pero agad ko itong pinalis.
Bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae, si Luna.
" Ma-magandang Umaga." bati ko sa kanya. Ngumiti siya na may halong pagtataka.
"Sayo din, sinong hanap nila?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tila inoobserbahan.
"Ikaw, may gusto lang sana akong itanong." ang ngiti niya ay agad nawala.
"Pasok ka." pumasok ako sa kanilang bahay. Maayos at kumpleto ang kanilang gamit. Umupo ako sa pang isaahang upuan. Pumunta siya sa kusina at bumalik na may kasama ng kape at mainit na tinapay.
"Mag kape ka muna, hindi iyan mamahalin at base sa nakikita ko sayo ay mukha kang mayaman."
Agad akong umiling.
"Na-nako hindi naman." tumango siya.
"Anong gusto mong malaman?" seryoso niyang tanong. I took a. deep breath at pasimpleng nilibot ng tingin ang bahay na walang kabakas bakas ng bata.
" Im here to know the truth between you and Kai Rafael Tuazon." Nanlaki ang mga mata niya. Maganda si Luna at mestisa hindi kagaya ko na morena.Maikli ang kanyang buhok noon pa man at base sa mga larawang nakita ko. Hindi siya katangkaran pero balingkinitan.
"Sino ka ba?"
"H-indi na importante yon. Just answer my question." ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Sa mga tingin niya ay mababakas mo ang pagdududa. Agad akong nakaisip ng paraan.
"Abogado niya ako. Gusto niya lang malaman kung ano na ang estado mo ngayon."
Im so sorry Kai, but I need to do this.
Lumambot ang kanyang mga tingin at sumimsim ng kape bago niya ako tiningnan.
"Maayos naman ako.Himala yata at pinapatingnan niya ang estado ko ngayon matapos ng nangyare. " biglang napalitan ng galit ang mga tingin niya sa akin na mas lalo pang nagpakaba sa akin.
Tumango tango na lamang ako upang mapakalma ang sarili. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Dahil hindi ko na kaya. Sa loob ng aking sasakyan doon bumuhos ang mga luhang kanina pang gustong lumabas. Bago ko pa man mapaandar ang aking sasakyan. Nagulat ako kung sino mismo ang nasa harap ng aking sasakyan.
Walang emosyon ang tinging pinupukol niya sa akin,hindi niya ito pinutol hanggang sa makasakay siya sa aking sasakyan.
"Ngayon alam mo na. Its not that I dont like you for my brother Julliana. And I guess, you dont know him after all." tulala ako habang pinapakinggan siya. Para bang hindi siya si Jai na kausap ko at laging kaaway nitong mga nakaraang buwan. Ibang iba siya ngayon.
"Start the car and I will tell you everything." para akong robot na sinunod siya.
Umalis kami sa lugar na yon na punung puno ng takot at pangamba. Alam kong kanina pa ako pinagmamasdan ni Jai pero hindi ko siya magawang lingunin. Maaring may alam siya dito sa pag iimbistiga ko at sa istorya behind Luna and Kai.
"Luna and Kai are schoolmates and they are in the same circle. Kai and Luna are very close. Isang araw ,nalasing si Luna after ng kanilang graduation ball. Sa sobrang lasing ni Luna ay pansamantala munang dinala ni Martin si Luna sa kanyang condo. Martin is one of the circle and he is inlove with Luna. Pero alam niya na mahal ni Luna si Kai."
Nakikinig lamang ako.
"Alam ni Martin kung gaano kamahal ni Luna si Kai at hindi siya masaya para don at dahil na din sa kalasingan ni Luna nagdedeliryo ito at inakala ni Luna na si Martin ay si Kai kaya naman nakagawa sila ng isang bagay na hindi dapat."
Agad akong napabaling sa kanya at sumilay ang isang malungkot na ngiti.
"H-indi .. I-I mean, paanong." hindi ko matuwid ang aking sasabihin kaya maman tinabi ko muna sa isang gasoline station ang aking sasakyan.
"Yes! Kai is not the father Julliana. Ngunit hindi yon ang alam ng iba. "
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nagising si Luna kinabukasan na si Kai na ang kanyang katabi. Martin set up Kai. After knowing this , nawalan na ako ng contact kay Martin. At ako lang ang nakakaalam non."
Buong akala ko may anak na si Kai, mali na hinusgahan ko siya agad. Kahit ang ate niya na gusto lang din na mas makilala ko pa si Kai at ganoon ang paraan niya. Halos ayawan niya ako para sa kapatid pero yon pala lahat ng pakikitungo na yon ay may dahilan.
"Kailan mo ito nalaman? Alam ba yon ni Kai?"
"Last year ko lang ito nalaman. Kai dint know about this because on that day ,he had a car accident. "My lips parted and look at her but didnt say anything."Hanggang ngayon hindi niya naaalala yon,its a rare amnesia. Kaya naman sa twing magkakasakit siya ay sa Baguio siya pinapatingnan nina Mama dahil na din sa kanyang history. Wala kaming nababanggit kay Kai dahil yon lang mismong eksena na yon ang nakalimutan niya. Before that happened ,hindi gusto ng kapatid ko ang nangyare kaya kabado at tuliro siyang umalis ng bahay ni Martin and car accident happened"
Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya tila ,umiikot sa aking isipan ito.
"Alam ba ni Luna na may amnesia si Kai hanggang ngayon?"
"Hindi niya ito alam, ang alam niya lang hindi siya pinanagutan ni Kai. My parents gave money for her to keep silent about that issue."
"Na-nasaan ang bata?"
"H-hindi ko alam Julliana."
Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa bata matapos kong malaman na hindi si Kai ang ama. Dapat ba akong mapanatag at tapusin na lang ang imbestigasyon na ito.
"Im sorry for making you feel that I dont like you for my brother. I just wanna protect my brother like how he did to me."
Tumango ako bago ko tumingin sa kanya. Tears are form in her eyes. Just like kuya,she always wanted my happiness.
"Im sorry too but now Ill understand you." ngumiti siya ng tipid bilang sagot.
I want to see you Kai.