Kinagabihan nung araw na iyon pumunta si Kai sa aking condo. Humingi siya ng pasensya dahil sa mga sinabi ng kanyang kapatid. Sabi ko naman ay wala lamang yon baka dala lamang ng pagka ayaw niya sa akin.Maayos naman ang naging samahan namin ni Kai sa mga nagdaang araw. Mas nakilala ko pa siya sa ibang bagay at masaya ako dahil don. Nga lang agad napalitan ng kaba ang aking kasiyahan nang i email sa akin ni Aiko ang mga kailangan ko. Wala naman na siyang iba pang sinabi sa email.
Nasa office ako non at napagdesisyunan sa bahay na lamang iyon tingnan. Dahil ayokong malaman ni Kai yon at isipin na wala akong tiwala sa kanya.
Alam na ng buong firm ang tungkol sa amin ni Kai at masaya sila. Dahil noon pa man daw ay napapansin na nila na kakaiba ang mga tingin sa akin ni Kai,napangiti tuloy ako na agad napansin ni Theo.
"Sana all, pangiti ngiti na lang kahit tambak ang trabaho." sa halip mairita ay nagtawanan kami sa loob ng office.
"Sagutin mo na nga yan si Theo, Jane para pangiti ngiti na din." biro ko bago humalakhak ng tawa.
Kahit papano nawala ang kaba ko sa mga kasama ko. They are good friends after all.
Alam na ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Kai, masaya sila para sa amin. Nga lang, sina Trisha at Mandy ay medyo nagaalala dahil alam nilang sariwa pa sa akin ang nangyare sa amin ni Hans. Hindi naman ssa hindi sila palagay kay Kai.At the same time,masaya din naman sila para sa akin.
Nga lang, may mga bagay na bumabagabag sa akin at hindi ko to masabi sa kahit na sino.
Nasa kwarto ako ng tingnan ko ang email na sinend sa akin ni Aiko. Kabado at paminsang minsang nangangatal ang kamay.
Sa unang page ng e-mail,nakapaloob don ang mga basic information ni Kai. Sa Baguio pala talaga siya lumaki at nagkaisip. Lumipat lang siya ng Manila dahil andito ang business nilang pamilya na noon ay nasa Baguio din.
By this email, madami akong nalaman tungkol sa kanyang pamilya. Maliit lamang ang kanilang pamilya at panganay ang pareho niyang magulang. Dahil solong anak ang ina niya wala siyang pinsan. Samantala meron naman siyang tatlong pinsan sa side ng kanyang ama dahil may isang kapatid ito,babae. Sa amerika di umano nakatira ang mga ito.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ,nagring ang aking phone at kasabay non ay ang nagpatulala sa aking nabasa.
Matagal bago naproseso sa aking isipan ang kaunting impormasyon na yon. Nawala lamang ito nang pumasok sa kwarto ko si Kai at wala sa sariling sinarado ko ang aking laptop at sa gulat na din ay halos malaglag ito.
"Hey! are you okay?" balisa at hindi ko siya matingnan ng maayos.
"Hindi ka sumasagot kaya pumasok na ako." tangkang hahawakan niya ako pero nilayo ko ang aking sarili na kinagulat niya. Tuluyan ng nalaglag ang laptop ,sa kama. Naunahan niya akong kunin ito ngunit dahil sa takot pa din at pagkagulat,kinuha ko agad iyon sa kanya. Inayos ang sarili at hinarap siya.
"Gi-ginulat mo naman ako, pasensya na." bago ngumiti ngunit may pag aalinlangan pa din. Tinitigan niya lamang ako tila hindi naniniwala sa akin. Ngumiti ako at pilit inaayos ang sarili.
"Nanood kasi ako ng horror tapos bigla ka naman diyan nagpakita." paliwanag ko ,tumawa siya at doon ako nakahinga ng maluwag.
"Himala, kaya mo na manood ng horror movie ng mag isa." hinuhuli niya ako. Inayos ko ang laptop at nilagay sa side table tabi ng aking kama.
"Horror pero may katatawanan naman siya. Bakit ka nga pala nandito?" kumunot anh noo niya at tila hindi inaasahan ang aking tanong.
"Nalimutan mo na bang may dinner tayo ngayon dito?"
'Hay! kasalanan talaga to ng movie na yon." hinilot ko ang aking sintido kunway iniisip ang movie na sinasabi ko ngunit iba talaga ang nasa isip.
Maayos naman ang naging takbo ng dinner namin at hindi naman siya nangulit pa sa movie na pinanood ko kuno. Normal at wala ng bakas ng pangamba.
"Gusto mo bang mag vacation?" napatingin ako sa kanya habang inaayos ang aming pinagkainan. Oo nga pala, naipangako ko sa pamilya ko na mag lileave ako after ng project ko.
"Pwede naman, pero ang balak ko kasi after ng project ko sa Tita mo." sumandal siya sa upuan at bahagyang nag isip.
"Take a break." ngumiti ako bago tumango. Ilang buwan ko na din kasing ginagawa ang solo project ko at tama siya kailangan ko mag break, kahit kaunting araw lang.
"Saan mo balak?" I asked.
"You choose and if you want, isama mo ang pamilya mo ganon din sa akin. Para din sana pormal ko silang makilala." Buti na lamang nakatalikod ako sa kanya at hindi niya nakikita ang aking reaksyon. Mapait akong ngumiti dahil paniguradong sasama ang kanyang kapatid sa vacation na yon. For sure ,kuya will not allow this kind of situation, ayaw sa akin ng ate niya.
'Ill try to find a place." at tinapos ang pag aayos ng aming kinainan bago tuluyang humarap sa kanya. Tumayo siya at pumunta kami sa sala.
Halos wala akong gana makipag usap sa kanya hanggang sa umalis siya. Hindi naman niya ito napansin ngunit pag kaalis niya agad bumuhos ang aking luha. Bakit kung kailan masaya na kami saka naman magkakaganito ang lahat. Totoo ba iyon? Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi ng kanyang kapatid. Hindi niya ito maituloy tuloy pero lagi niya akong pinagkukumpara sa ibang babae.
Nasaan na yong babae? at ang mas mahalaga, nasaan ang anak nila. Bakit hindi niya ito nababanggit sa akin? Totoo ba ? Kailangan ko itong masigurado nang hindi niya nalalaman.
May anak si Kai at pakiramdam ko isa akong kabit. Mas lalo akong naiyak. Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?