Paalis na ako sa park ng matigil ako sa paglalakad. I saw him in front of me. Hindi ako makakilos, hindi ko alam kung hahakbang ba ako sa kanya palayo. Nakatingin siya sa akin ng walang kaemo-emosyon. Humakbang siya at doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob humakbang patalikod. Awtomatikong nalaglag ang mga luhang kanina pang mahbabadyang bumaba at kasabay nito ang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis.Sa loob ng dalawang buwan, ganito pa din ako sa kanya. Siya pa din sa kabila ng lahat.
"Ba-bakit ka nandito?" sa wakas naitanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paglapit sa akin pero patuloy ako sa paghakbang patalikod mula sa kanya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip kinain niya ang distansyang pumapagitna sa amin at agad akong niyakap na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Damn! I miss this man.
Please! bumitaw kana, huwag mo na ulit iparamdam sa akin na kailangan mo ako. Di ba sabi mo tumigil na ako at itigil na natin to.
Hindi ako nagpatalo sa pinaparamdan niya sa akin kaya naman lakas loob ko siyang tinulak mula sa pagkakayakap niya sa akin.
"Hans"
"Julls" lumingon ako kung saan nanggaling ang mga boses na tumawag sa akin.
"Mandy ,Trisha" dali dali silang pumunta sa akin at nilayo ako kay Hans.
"Hans, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Mandy na ngayon ay galit na galit na. Tumingin ako sa kanya ngunit wala pa din akong makuhang sagot.
"Matapos mong palayuin sayo si Julliana ,aarte ka ng ganito Hans?. Damn it,kahit kaibigan kita kahit kilala kita hinding hindi kita hahayaan na gawin to sa kaibigan ko. Umalis kana Hans bago ko pa makalimutan kaibigan kita."
Tumingin siya kay Trisha at sa akin. Ngumiti siya ng may pait bago kami tinalikuran. Napasapo naman sa noo si Trisha bago ako nilapitan. Niyakap nila ako pareho para aluin.
"Ok ka lang ba Julliana?"
" May ginawa ba siya sayo o sinabi?"
Sabay nilang tanong sa akin. Umiling lang ako at bahagyang nakaramdam ng pagod.
"Pagod na ako."
Pasimple kung tiningnan ang daan kung saan tumungo si Hans. Nakatayo lamang siya sa malayo at tahimik na nakatanaw. Ngumiti ako ng mapait at nagpatinanod kasama ang dalawang kaibigan patungo sa akin tirahan.
Isang buwan ang nakalipas matapos ang gabing yon. At mula noon ay hindi na muli siyang nagpakita pa.
Nagising ako isang umaga na ang bigat bigat ng aking pakiramdam. Hindi ako pwede magkasakit ,ngayon kasi ipepresent ang project ko . Hindi pa naman ito tapos but gusto nila makita ang mga nagawa ko. Nakausap ko na din ang mga pagkukunan ko ng mga furniture ,kaunting panahon pa at matatapos na ako.
Bumangon ako at bahagyang nahilo. Tsk! hindi ito pwede. Tumuloy ako sa kusina para kumain at makainom ng gamot. Ngunit agad akong nanlumo na wala pala akong ready to eat food.No choice kundi magpadeliver pa. Tumawag agad ako at sa halip umupo para hintayin ang order ko ay naligo na muna ako. Gumaan naman kahit papaano ang aking pakiramdam.
Maya maya pa ay dumating na ang aking order at agad itong kinain.
Randam ko ang hilo pagkadating ko sa office pero hindi ako nagpadala. Kailangan ko maipresent sa client ang project . Nireview ko ang bawat pahina ng akinh report mukhang maayos naman na to.
"Julls, ok ka lang ba? ang lamig lamig dito pero pinagpapawisan ka." hinipo ni Candy ang noo ko at agad naman niya itong nilayo na parang napaso.
"Oh God, may lagnat ka. Sasabihin ko kay Boss Kai na ipagpaliban mo muna ang presen- " hindi ko siya pinatapos .