Kabanata 8

4 0 0
                                    


Kanina pa ako nakasimangot sa harap ng aking table. Hindi ko kasi matapos ang ginagawa kong project dahil hindi mawaglit waglit sa aking isipan ang halikan namin ni Kai. Dalawang araw na itong nakalipas pero sariwa pa din ito sa aking ala ala.

"Hoy! Julliana lunch na."

"Ay halikan mo ako!" gulat na saad ko sa pagtawag ni Candy. Katabi niya sina Theo at Jane,kasama ko din sa team at kapwa sila natatawa sa naging reaksyon ko.

"Kanino mo naman gusto mag pahalik, aber?" tanong ni Jane na may mapanudyong ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin na mas kinatawa niya.

"Tse! tara na nga at kumain. Dami niyong alam."

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nangyare iyon sa amin ni Kai at dalawang araw na din siyang hindi pumapasok. Nag aalala na din ako dahil hindi naman niya ako tinetxt at ganoon din ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanya o may dapat pa ba kaming linawin sa isa t isa. Wala naman nakakapagsabi kung bakit wala siya ,kahit ang kanyang sekretarya niya ay wala ding alam.

Isang linggo na ang lumipas ay wala pa din si Kai. Kaya naman sobra na akong nagaalala. Tinext ko naman siya noong nakaraan ngunit wala akong nakuhang sagot. Puntahan ko na kaya? Hindi ko naman alam ang bahay non eh. Bahala na nga.

"Liana, nasa lobby nga pala yong client mo at gusto ka niya makausap." Theo.

"Ay nako, bakit naman kaya?." kabit balikat niya akong sinagot. Dali dali akong bumaba. Nung nakaraan ay nagkaroon ulit kami ng meeting para sa mga additional design na gusto niya,nagustuhan naman niya ito,nga lang hindi ko alam kung bakit siya andito.

Naabutan ko siya sa lobby at prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine.

"Ma'am Choi, pinapatawag niyo daw po ako?"

"Hija!" tumayo at lumapit siya sa akin. "Pasensya kana kung pinatawag kita."

"Ok lang naman po Ma'am, ano po ba iyon?" Mukhang hindi siya mapakali.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy p-"

Kinakabahan na ako sa inaakto niya.

"Huwag niyo po sabihing iaatras niyo na ang project, nako Ma'am baka naman pwed--"

Natawa siya kaya medyo kumalma ako.

"Hija, gusto ko sanang papuntahin ka sa site para mas mapag aralan mo ang project na binigay ko sayo." napalabi ako at napaisip, mukha naman maganda ang ideya niya.   May inabot siya sa aking papel na naglalaman ng address kung saan ko matatagpuan ang ginagawa kong project. Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis siyang lumabas at sumakay na ng sasakyan.

Napakunot ako ng noo at maya maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

"Hope you enjoy, Ms.Moris. Thank you and keep safe.''

Kinabukasan, alas tres ng umaga ay nakagayak na ako. Kahapon pa lang ay inayos ko na ang aking mga gamit ,nakiusap si Ma'am Choi na magstay ako doon ng ilang araw. Siya na daw ang bahala magsabi sa boss ko na si Kai. Hindi pa din siya pumapasok at ni isang tuldok ay wala akong natatanggap sa kanya. Ano kayang problema niya ,galit ba siya sa kin? Napansin ko ang pakiramdam ng kawalan nitong nakalipas na araw at tanging si Kai ang aking hinahanap.

Hindi kaya gusto ko na din siya? Napailing na lamang ako at pinagpatuloy na ang aking ginagawa. Nakatanggap ako ng text mula sa client ko na nagsasabi na mag ingat ako. Para talagang may kakaiba sa kinikilos nitong si Ms.Choi. Muli akong napailing.

Dinala ko din ang aking laptop at iba pang art materials para sa project na ito. Malapit ko na itong matapos kaya siguro pinagbibigyan ko na lang si Ms.Choi.

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon