Hindi pa din ako pumasok kinabukasan. Sa halip pumunta ako sa bahay namin sa Batangas. Umuwi muna ako dahil mahigit isang buwan na aakong hindi umuuwi."Mama?" tawag ko sa kanila dahil mukhang may tao sa kusina. Ala sais pa lang ng umaga ,biyernes. Dire diretso akong pumasok at napataas ang kilay ko nang si kuya pala ang tao sa kusina at nagluluto.
"Kuya." napatalon siya sa gulat at bahagya pang nabitawan ang sandok sa hinahalong sinangag.
"Oy! Julliana. Ikaw pala ang aga mo naman yata at hindi ka nagsabi na uuwi ka pala." lumapit ako sa kanya at binatawan naman niya ang sandok at niyakap ako.
"Uhmmm! Miss you kuya, ang aga mo din nagising. Asan sina Papa at Mama." hinalikan niya ako sa ulo bago tinuloy ang niluluto.
"Si Mama, maaga yon sa palengke kaya ginising ako para magluto. Si Papa baka tulog pa yon." tumango tango ako.
"Kamusta naman kayo dito?" Nilipat ni Kuya sa malaking plato ang nilutong sinangang.
"Maayos naman kami dito, yon nga lang hindi pa din maalis ng magulang natin ang pag aalala sayo dahil malayo ka nga sa amin." naalala ko tuloy ang pagkakaospital ko. Mabuti na lamang at hindi dito tumawag si Kai. Speaking of Kai, nagtext siya kanina. Hindi ko siya nireplyan dahil nasa biyahe ako non.
"Subukan ko huminge ng bakasyon sa Boss ko after ng ginagawa kong solo project." sunod naman niluto ni kuya ang paboritong ulam ni Papa, tuyo. Mabango ito at nanunuot ang amoy sa aking ilong.
"Gisingin mo na si Papa at paniguradong papadating na si Mama. Sabay sabay na tayo kumain."
Kamukhang kamukha ni Kuya Jullian si Papa, gwapo ito at matangkad din. May kasingkitan siya na namana niya kay Mama,dahil si mama ay half korean. Yon nga lang ay hindi kami kaputian dahil ang Mama ni Mama ay morena na siyang nagustuhan ni Lolo.
Tahimik pa din ang bahay at dahan dahan kong binabagtas ang daan papuntang master bedroom ng magulang ko sa gilid ng hagdan kung saan andon ang kwarto namin ni Kuya .
Hindi kalakihan ang bahay namin ngunit sapat na para sa aming apat. Pinagtulungan din namin ni Kuya ang renovation na ginawa si bahay. Pinalaki namin ang bahagi ng sala dahil gusto iyon ni Mama. Sa gitna ng sala ay ang pader na pinaglalagyan ng aming family portrait. Sa likod ng pader na iyon ay ang dining area.
Mapapansin mo din ang isang malaking
wooden fan sa taas ng kisame. Hindi tiles ang sahig namin kundi kahoy na pinasadya pa ni Papa sa kanyang malapit na kaibigan niya. Ganoon din ang iba pa namin gamit. Napakasimple ng aming bahay, yon nga lang kailangan ko lumayo para sa akin trabaho.Natigil ako sa pag muni muni nang makarating na ako sa tapat ng double door kung saan ang master bedroom. Kumatok ako at agad sumagot si Papa.
"Hi Papa." bati ko siya ng maabutan ko siyang nagaayos ng kama. Nabitawa niya ito sa gulat at tumakbo ako para yakapin siya.
"Ang aking Prinsesa." hinalikan niya ako sa noo. "Hindi ka nagsabi na uuwi ka pala."
"Sorpresa Pa." ngumiti ako sa kanya at ako na ang nagtuloy ng pagaayos ng kama nila.
"Nandiyan na ba ang Mama mo?" umiling ako at sabay na kaming pumunta sa dining area. Hindi pa tapos si kuya kaya naman pinagtimpla ko muna ng kape si Papa at binigay sa kanya ang nakuha kong dyaryo kanina sa salas.
"Namiss ko ang kape mo, anak."saad ni Papa.
"Jullian, andito ba si Julliana?" sigaw ni Mama mula sa sala at kalaunan ay pumunta sa amin."Nako! sinasabi ko na nga ba at andito ka.Bakit sa labas nakaparada ang kotse mo."
"Ayoko sana makagawa ng ingay Ma!" lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
Masaya kaming nagsalo salo agahan. Nag kamustahan na para bang isang taon kaming hindi nagkita. Iba talaga kapag nakakasama mo ang pamilya mo sa hapag. Lahat ng iniisip ko ay nawala saglit. Napag usapan din namin ang planong pagpapakasal nina Kuya at ng girlfriend niya since highschool, si ate Hannie. Sobrang bait nito at minsan lagi niya ako binibilhan ng mga pasalubong sa twing nagtatravel sila ni kuya. Si kuya ay isang Doctor sa lugar namin. Pinili niya dito dahil mas gusto niya uwian sina Mama at Papa.