Kabanata 7

4 0 0
                                    


Balik trabaho ako at masama pa din ang loob sa akin ni Mama. Wala naman akong narinig mula kay Kuya pero alam ko sa loob loob niya ay gusto na niyang makialam. Actually ay siya ang naghatid sa akin sa Taguig dahil may meeting sila sa BGC.

Umalis ako sa bahay ng hindi kami nag kakaayos ni Mama. Mabigat sa pakiramdam pero alam ko naman lilipas din ito.

"Salamat sa paghatid kuya ,ingat ka pauwi mamaya." tumango lamang siya at niyakap ako.

"Julliana, alam ko masakit para sayo ang nangyare sa inyo ni Hans. I mean wala akong alam and Im sorry for that. Maybe he is not for you but its time to let go. I heard may girlfriend na siya. All I want is your happiness so please be happy. Let go and move on." Hindi siguro siya nakatiis.Muli niya akong niyakap at hindi ko naiwasan hindi mapaiyak sa sinabi niya. Mahal na mahal ako ni kuya, lagi niyang sinisigurado na safe ako. Hindi niya ako pinapabayaan.

"Salamat Kuya, salamat lagi mo akong inaalala. Ill promise to be happy."

Nag paalam na si Kuya at ako naman ay nag asikaso na para pumasok. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko si Kai. Tama lang ito,ayoko na din maging laman ng kahit anong issue. Nakakasira ito ng focus sa trabaho.

Pagpasok ko pa lang sa building ay binati na agad ako ng guard. Pagtungtong ko naman sa mismong floor kung saan nandon ang aming opisina ay agad nila akong napansin at tinanong kong ok lamang ako.

Maayos naman na ang aking pakiramdam at ready na ulit humarap sa trabaho. Pasimple naman akong binigyan ng team mates ko ng mga regalo. Hindi daw kasi sila nakadalaw sa akin. Sabi ko naman ay wala lang yon dahil simpleng lagnat yon.

Hindi din nakaiwas sa akin ang balitang si Kai ang nagdala sa akin sa ospital. Bakas daw ang sobrang pagaalala nito noong araw na iyon. Ngumiti lamang ako at sinabi sa kanila na nagpasalamat naman ako. Mabilis kong tinapos ang issue na yon kahit tinutukso nila ako sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay dumating na siya at sobra ang kaba na naramdaman ko. Hindi siya tumingin sa akin dire diretso lamang siya pagpasok sa kanyang opisina.

"Mukhang bad mood si Boss, Julls.! puna ni Candy. Kunwari ay wala akong narinig o nakita. Bahala ka, as if naman may paki ako. Talaga ba Julliana? eh kanina para pinoproblema mo kung paano mo siya haharapin.

Winaglit ko sa isipan ang issue na iyon at tinuon lamang ang buo kong atensyon sa trabaho. Kailangan ko na kasi mafinalize ang design ng sampong kwarto para sa aking project ngunit binabagabag ako ng aking konsensya sa ginawa ko kay Kai.

Napabuntong hininga ako at pumunta sa pantry para mag timpla ng kape. Tama lanh naman ang ginawa ko kay Kai diba? Wala naman akong sinabi na huwag na siya don kumain.

Laking gulat ko kung sino ang nasa loob ng pantry. Si Kai ,parang ayaw ko na mag kape. Babalik na sana ako sa office nang tawagin niya ako.

"Nagbago na ba ang isip mo mag kape dahil andito ako?" Hindi ako umimik kaya naman dumeretso na ako palabas ng pantry at sa cafeteria na lamang ako ng building nagkape. Umirap ako sa hangin nang maalala ang nangyare kanina.

"Nag bago mukha mo!"

Bumalik ako sa opisina ko ng may naabutan akong kape sa table malapit sa aking computer. Tumingin ako sa paligid bago kunin ang kape at itapon sa pantry.

Gabi na,ako at si Candy na lang ang natitira sa office. May project din kasi siyang ginagawa. Hindi niya daw kasi ito maasikaso sa bahay dahil umuwi ang pamangkin niya sa kanila at ang gugulo daw nila.

"Julls,parang nakita ko kanina ang kuya mo." banggit niya habang tutok pa din sa kanyang ginagawa.

"Oo, hinatid niya ako sa BGC. Sumabay na din siya dahil may meeting siya don." tumango tango siya bago kainin ang inorder naming pizza.

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon