Kabanata 9

3 0 0
                                    


Sa gitna ng nag aalab na halik ay mas lumalim pa ito ,parang walang katapusan. Napaluha ako at ng mapansin ito ni Kai ay huminto siya at bakas agad ang kanyang pag aalala.

"Shhh! why are you crying hmm?" he asked while wiping my tears , umiling ako.

" M-masaya lang ako." mahinang pag amin ko at dahil don, niyakap niya ako.

" I miss you so much Julliana. Walang araw na hindi kita iniisip. Im sorry of I did not tell you my situation. I am scared to know that you did not care about me." mas humigpit pa ang yakap niya sa akin matapos akong gumanti. Napakasama ko na siguro sa kanya kaya hindi ko siya masisisi kung ganoon ang tingin niya sa akin.

Mag sasalita pa sana ako ng makarinig kami ng katok mula sa labas. Agad akong tumayo para buksan ito. Inayos ko ang aking sarili bago tuluyan buksan ang pinto.

"Oras na po ng pagkain at pag inom ni Master." kinuha ko ang tray at nagpasalamat bago isara ang pinto.

"Kumain kana ba?" he asked, tumango ako at agad inayos ang kanyang pagkain.

Matapos siyang kumain at uminom ng gamot ay sinabi niya sa akin ang sakit niya at kung bakit tumatagal ito ng ilang araw. Allergy sa seafoods ang naging findings sa kanya ng doctor. Hindi niya daw kasi maiwasan dahil masasarap naman talaga ito. Mga piling seafoods lang ang pwede sa kanya pero hindi naman daw talaga siya kumakain,nga lang natakam siya.

Mamula mula na lang ang kanyang buong katawan at pawala na ang ibang pantal niya. Hindi naman daw ito nakakahawa at pinili niyang manatili dito sa Baguio dahil nagalit ang magulang niya sa nangyare. Ang tungkol naman kay Ms.Choi, minsan na daw niya kasi akong nabanggit sa kanya kaya siguro ganoon na lang ang pag aalala nito sa kanya kaya ako pinapunta dito. Solong anak ang mama niya kaya itong si Ms. Choi ang nag silbing tita niya.

Nasa beranda kami ng kwarto niya dahil inanyayahan ko siyang magpahangin. Lagi lang diyang nakahiga nitong nakaraang araw kaya naman masasakit ang kanyang mga katawan.

"Mananatili ako dito ng ilang araw." nakayakap siya sa akin mula sa likudan. Hindi pa din ako mapakali sa bilis ng tibok ng puso ko. " Siguro hanggang sa maging maayos ka.'

Hinalikan niya ang buhok ko at hinaplos ang magkabilag braso ko. Ang sarap sa pakiramdam pero handa na ba talaga ako?. Natatakot na ako sa pwedeng mangyare sa amin ni Kai. Ano kayang iniisip niya ngayon?

"I like that idea Julliana,hmm" ngumiti ako kahit alam kong hindi niya makikita. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko hindi ba? Magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya sadyang mabilis lang ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya,grabe yong epekto niya sa akin.

Hinarap niya ako sa kanya. Naka white sando at blue panjama lang siya.Kaya ang muscles niya ay kitang kita at pansin na pansin. Tumingin siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

"Kai." This time ay ako na ang humalik sa kanya nang sagutin niya ay sinabit ko na sa kanyang batok ang aking mga braso. Bahagya niya akong hinapit papalapit sa kanya at medyo umangat ako sa ere. May katangkaran din kasi si Kai. Dinama ko ang bawat halik at muling naramdaman ang matigas na bagay na iyon sa kanya.

"Stop, baka hindi na ako makapag pigil sayo. Masyadong nakakaakit ang mga halik mo. " natawa ako sa kanya at muling dinampian ang kanyang labi.

"Cute mo." puri ko sa kanya.

"I can wait Julliana until you want me in your life." seryoso niyang sabi.

"I want you in my life Kai. Narealized ko ito nung nawala ka at hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin. Lahat ng pinaramdam mo sa akin ay bago sa akin at lahat ng iyon ay nagustuhan ko. Sorry kung hindi ako naging mabuti sayo nung nasa amin ka. Nahaharang lamang ako non ng takot at pangamba. Thank you for saving me from hatred."

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon