Kabanata 11

1 0 0
                                    


Hindi kami kumain sa labas gaya ng kanyang gusto. Dumeretso kami sa bahay niya, sa Alabang. Hindi naman kalakihan pero sapat na para sa isang pamilya at sa isang kagaya niya.

Pag pasok namin sa loob, inobserbahan ko agad ang buong paligid. Sa kagaya niyang Architect, napakasimple ng ayos ng bahay mula loob hanggang labas. Pinaghalong cream and and dirty white ang kulay ng buong bahay na binagayan ng mga kahoy na gamit. Dalawanh palapag ang bahay niya at napaka simple talaga.

Samantala, nabanggit niya na sa kabilang kanto lang daw nakatira ang Papa niya at si Jai. Ngunit madalas daw nauwi si Jai sa condo niya sa may Taguig naman. Maliit ang mundo namin ni Jai ,nako.

"What do you want for dinner?" he asked while searching on his ref. Unang mapapansin mo sa kusina yong mga gamit niya sa pagbebake na maayos na nakapatas o nakapatong sa isang malaking kabinet.

"Uhmm! I want some pasta with garlic bread." napatingin siya sa akin.

" Ayaw mo ng meat?"

Napaisip ako.

"Lagyan mo na lang ng meat ang pastang gagawin mo."

Tumango siya at muling naghanap ng sangkap na gagamitin sa kanyang ref. Natutuwa akong pag masdan siya habang nagluluto. Hindi ko akalain na may gagawa nito para sa akin bukod sa pamilya ko.

Nag paalam ako sa kanya na maglilibot libot muna sa buong bahay niya, pumayag naman siya. Una kong nilapitan ang mga picture sa living area. Kagaya lamang iyon ng ilang pictures na nakita ko sa bahay nila sa Baguio.

May iilang magkasama sila ni Jai,parehong masaya sa larawan. Napangiti ako, mahuhuli ko din ang ngiti mong bruha ka.

Sunod kong tiningnan ang garden at pool sa labas ng bahay ni Kai. Maayos at lalong gumanda ang paligid dahil sa mga ilaw. Napatingin ako sa langit, full moon pala ngayon. Ngumiti ako at tinapat ang aking kamay sa buwan na para bang hawak hawak ko ito.

Beautiful.

"Beautiful" bahagya akong nagulat sa prisensya ni Kai, dahil halos sabay lang kaming nagsalita.

"Nakakagulat ka naman."

"Let's go inside. Baka kagatin ka pa ng lamok dito." Inabot niya ang kanyang kamay para alalayan ako papasok ng bahay. Pagpasok mo pa lang sa kusina ay amoy mo na ang niluto niya.

"Thank youuuuu! mukhang masarap to ah." kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin. Naglabas naman siya ng wine as our drink.

"Nag luto ako ng beef, baka lang magustuhan mo. I dont usually eat pasta, so."

Matapos namin kumain ,pumunta kami sa garden at don tinuloy ang paginom ng wine. Tama lang ang hangin at napakasarap nito sa pakiramdam.Samahan pa ng init na dulot ng alak.

"How much do you like me, Kai?." Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot.Hindi ko din siya matingnan. Bakit ko pa kasi tinanong yon?

" Honestly--"

"HUWAG!... Huwag mo ng sagutin." tumingin ako sa kanya at agad binawi.

Ngunit, napatili ako nang buhatin niya ako at ikandong sa kanya,nabasag ang wine glass na hawak ko. Agad akong nagpupumiglas matapos marealized ang eksena namin.

"Ka-Kai, ano ba, bi-bitawan mo nga ako." niyakap niya ako ,dahilan para hindi ako makagalaw.

"Mahalaga ba talaga sa isang tao kung gaano mo siya kagusto ,hmm?" madilim ang mga tingin niya sa akin. Hindi ko siya sinagot sa halip tumingin ako sa kanyang mga kamay na marahan ng nakayakap sa akin. Maya maya pa ay pinalandas niya ang kanyang kamay para hawakan nito ang aking kamay na nakalagay sa kanyang dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso ,pakiramdam ko kahit anong oras pwede itong sumabog.

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon