Yesha's POV
Kunting minuto na lang uwian na!
"G-Guys! Bago kayo umalis may sasabihin pa ako!"
Ahy! Oo nga! Nakalimutan ko na!
"Listen everyone!" Pumunta nanaman sa spotlight ang mutual enemy ko. Tch! Pabida na nga, sipsip pa.
Agad namang umayos ng upo ang mga kaklase ko para makinig.
"This announcement is for the good of Mr. Kim. Kaya sana makinig kayong lahat." Nakikinig na nga kami eh. Pinapatagal pa! Jusqo.
"Gusto ng Dean at ng BigHit na manatiling sikreto ang pagpunta ni Mr. Kim dito. Dahil sa oras na malaman ng mga tao na nandito siya sa paaralan natin, may masamang mangyayari sa reputasyon ng ating eskwelahan. At sa mga estudyanteng magsasabi na nandito siya eskwelahan ay ma-e-expel. The teachers are already aware of this. Buong school ay binalaan na sa biglaang pagpasok ni Mr. Kim dito. That's all. You may go home now."
Nagsiuwian na ang iba kong mga kaklase. Nakakapagtaka dahil hindi sila tumili o sumigaw man lang ng kung ano-ano. Parang isang normal na araw lang 'to para sa kanila.
Act like a normal student.
Tinignan ko si Ta-Eh na ngayon ay nakatingin ng seryoso sa harap. What's his problem.
I'm not concern or whatever but...uhh...nothing.
"Don't look at me like that or I might assume that you also like me." Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
Nakakahiya!
"I-I'm not looking at—"
"Ahhh...so your staring at me? That's why." Tumango-tango pa ito na akala mo ay nakuha ang tamang sagot.
"Huh? Kapal mo!"
"Say whatever you want thinny." Isinukbit niya na ang kaniyang bag bago lumabas.
Huh? Ako? Thinny? At least sexy!
"Oh? Ba't ka nakasimangot?" Tanong ni Rachxane sa akin. Napansin niya ata.
"Wala, wala."
"Ba't ang tamlay mo Rax?" Tanong ko. "May sakit ka ba?"
Bigla namang sumulpot sa kung saan si Jaizy.
"Akala niya kasi buong BTS members ang mag-aaral dito. Ayun! Nag-assume na darating si Jungkook! Hahaha!"
Tss. 'Yun lang naman pala eh!
"Hahaha! Grabe 'yun lang pala ang dahilan Rax?" Hindi ko na rin napigilang tumawa. Sorry Rax.
Napanguso siya at mas tumamlay. "Really?"
"Bias niya kasi si Kookie." Kookie? Sino 'yun? Ayts! Ba't puro idols na ang pinag-uusapan namin? -__-
*Kriiing* *Kriiing*
Nakita ko cellphone ko sa bag ko. Akala ko kinuha ni mama 'yung cellphone ko? Nge?
"Akala ko ba kinuha cellphone mo?" Tanong ni Rachxane.
"Nakita ko nga lang din ngayon-ngayon lang eh. Hindi ko alam na dala-dala ko pala." Napakamot na lang ako ng batok bago sinagot ang tawag.
"Oh?"
"Ate, nasa parking lot na kami! Faster!" Pinatay niya agad ang tawag. Peste! Ako pa inutusan?! Pwede namang sunduin na lang nila ako sa harap ng gate para mas malapit.
"Alis na ako Rachxane, Jaizy! Text-text na lang." Paalam ko sa kanila. Tumango na lang sila at bumalik sa kani-kanilang mundo.
Kasama kasi sila sa isang club. 'Wag niyo na akong tanungin kung anong klaseng club 'yan dahil halata naman na. May meeting sila ngayon, sa classroom namin.

BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fanfiction✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...