Chapter 9

110 7 0
                                        

[Credits to the photo⬆⬆⬆⬆⬆⬆⬆⬆⬆⬆⬆)

[Unedited]

Yesha's POV

Katatapos na ngayon ng party na ginanap sa mansyon nina Jiro.

Pagod na pagod ako at gusto ko ng umuwi. Hinihintay ko pa si Yael na nakikipaglandian sa mga babae sa loob.

Sabi niya kasi...maghintay daw ako ng 10 minutes Eh nakalipas na ang 5 minutes, wala pa rin siya. Tagal! Malamok pa naman! Nilalamok na ang legs ko!

"You're not going home yet?" Isang boses lang ang alam kong nagmamay-ari nito.

"Hmm. Not yet. I'm waiting for my brother." I answered.

Ngumisi naman siya sa akin. "I'm just asking. No need for an explanation." Nang-aasar ang boses niya ng sinabi niya 'to sa akin. Arrggghhh! Nakakabanas na 'tong lalaking 'to ah! Kung hindi lang 'to sikat baka napatay ko na 'to!

Imbes na sumagot sa kaniya, umalis na lang ako sa pwesto ko kanina at lumipat sa iba. May masamang peste kasing nagpepeste sa akin dun.

Nang makalayo na ako, hinawakan ko 'yung makating parte ng legs ko. Kinagat ako ng lamok! Sana hindi ako ma-dengue dito!

Nagulat na lang ako ng biglang may pumatong na tela sa magkabila kong balikat. Pagkalingon ko, si Ta-Eh pala.

"What are you doing?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Uhm...helping you?" Alanganing sagot niya.

"Ha-Ha-Ha. No, thanks." Tatanggalin ko na sana 'yung coat niya na ipinatong niya sa balikat ko nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko na senyas para tumigil sa pag-alis ang coat niya.

"Look. I've been trying to be nice here...so just..." Tumingin siya sa akin with a meaningful eyes. Naintindihan ko naman siya.

But a part of me is...I don't...know.

"T-Thank you." Nakaiwas ang tingin ko habang nagpapasalamat sa kaniya. Nakakahiya!

He pat my hair, wtf?!

"I---" He cut me off!!

"I know...sorry." He said as he walk away from me. Seriously? What did just happened?

Nabalik na lamang ako sa wisyo ng biglang may makati sa bandang legs ko nanaman! Oh well, BA'T ANG TAGAL NI YAEL??!!

----

"May nanliligaw na sa'yo ate?" 'Yan ang unang salitang bungad sa akin kanina ni Yael noong nakalabas na siya sa mansyon nina Jiro imbes na mag-sorry siya sa akin.

Nakita niya kasi 'yung coat na ibinigay or let just say, hiniram ko kay Ta-Eh. Ayun nagbigay malisya itong magaling kong kapatid.

Hanggang ngayon, inaasar niya ako sa manliligaw ko kuno. Tss.

Andito na kami sa kotse at papauwi na. Today was fun pero nakakapagod. Lahat naman ata ng araw sa buhay ko nakakapagod eh.

"Ate! Tell meeeeee!" Nakakarindi na ang boses nitong lalaking 'to ah! Nakakabwisit na!

"Mr. Yael! Malapit lang ako sa'yo oh! And don't dare to shout at me!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya na ako pinansin.

Kinuha na lang niya ang kaniyang cellphone at nanood nanaman ng kpop!

Napabuntong hininga na lang ako. Jusqo! Nagtatampo na ang kapatid ko.

Nagtatampo kasi siya kapag may hindi ako sinabi sa kaniya. Talagang magtatampo 'yan! Hindi ka niya papansanin. Hindi ka niya kikibuin. Lahat hindi.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon