Chapter 11

112 6 0
                                        

[Unedited]

Yesha's POV

Lakwatsero pala si Ta-Eh eh. Nalaman kong tumakas siya sa kaniyang manager at nagpasyal dito sa bayan.

Buti na nga lang 'di siya nakilala. Ang pinagtataka ko lang pa'no siya nakapunta doon sa lugar kong saan niya ako hinila.

"Ba't ka nga pala dun napunta? In that place?" I asked nowhere.

"I'm looking for that ice cream guy a while ago. I want to taste the Filipino version of your ice cream." Nakakunot noong sabi niya.

"HAHAHAHA! 'Yun lang pala! There's a lot of people selling ice cream here. Let's go!" Pagyayaya ko sa kaniya.

Ewan ko kung anong sumapi sa akin. Masamang espiritu? Joke.

"Hmmm...if you want."

Nagcross arms ako at hinarap siya.

Talaga bang may pagka-slow siya? O sadyang pagong lang talaga siya? Ako na nga ang nagyayaya tapos tatanungin kung gusto kong sumama?

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo ng maayos.

"Let's go." Ako na ang unang naglakad kasi 'di rin namab niya alam kung saan ba dito ang nagtitinda ng ice cream.

Time check: 11:24 a.m.

Malapit ng mag-twelve. Nagugutom na rin ako. Hindi pa naman ako kumain ng breakfast.

Bwisit kasi na library! Hanggang 9:00 a.m. lang ang bukas nila ngayon kasi nga walang magbabantay dahil aalis ang librarian. Makikipag-date ata.

Bawal naman bukas kasi may pasok na...e'di wala ng oras.

"Hey. You okay?" Kinalabit ako nitong si Ta-Eh. Tsk! Bumalik nanaman ang inis ko. Nakakainis na library! Nakakainis na teacher! Putek!

"Ano sa tingin mo?" Hala! Ba't ko 'yun sinabi?

"Hey...mia---sorry." Hindi ko na pinansin at naghanap na lang ng mga nagtitinda ng ice cream hanggang sa mapadpad kami sa parke. Saktong katapat nito ay kung saan lulubog 'yung araw.

Maganda ang scenery dito lalo na kapag takip-silim na.

Sa 'di kalayuan, nakita ko si manong kuyang ice cream na nagtitinda ng ice cream.

Agad kong hinigit ang kanang kamay nj Ta-Eh kaso ang epek, nahulog 'yung libro! Naku jusqo! Masisira.

"Waaaah!! Hala! Masisira!" Hysterical kong sabi sabay pulot nung libro.

Thank you naman at hindi nasira.

"I'm sorry again." Rinig kong pagpapaumanhin ni Ta-Eh.

Grabe! Hindi ba siya nagsasawang mag-sorry ng mag-sorry? Kanina pa siya.

"Okay lang." At sorry din.

Ako na ang bumuhat dahil halata mong nangangawit na siya. Kawawa naman siya...WAHAHAHA! Kailan pa ako naawa?

"Ayun nga pala 'yung ice cream." Inginuso ko 'yung ice cream cart na dala-dala ni manong kuyang ice cream. Malapit lang siya sa amin.

"Oh yeah! He was the one I saw a while ago." Sabi niya.

Akala ko siya na ang mauunang maglalakad sa akin papunta doon pero mali pala ako.

"May I carry that book, Ms. Thinny?"

Hindi pa ako nakakasagot ng bigla na lang niyang kunin sa akin 'yung makapal na librong 'yun.

Hindi pa ba masakit 'yung nga braso niya? Kanina pa kaya siya nagbubuhat niyan.

"Treat me." Aba't! Makautos 'to, WAGAS!

"Marami kang pera di'ba?" I'm not sure kung maiintindihan niya 'yan. At tsaka sikat kaya siya di'ba? Ang dami-dami nga niyang pera kaysa akin eh!

"Pambayad." He said.

So, may babayaran pala ako? Dapat sinabi niya na sa akin kanina. Namumuro na ata 'tong lalaking 'to sa akin eh!

At para matigil na 'tong maliit na pag-aaway namin dahil lang sa paglilibre, ako na ang sumuko. Nasira na nga araw ko, DUDURUGIN niya pa.

"Kuya, dalawang lima nga pong ice cream. Sa cup po ha?" Sabi ko habang kumukuha ng barya sa backpack ko.

Hindi ko nilagay sa bag ko dahil baka maging lola na ako sa edad kong 'to. Liliit pa.

"Ito po, kuya oh." Iniligay ko sa ibabaw ang dalawang limang pisong buo kasabay nun, binigay na niya sa akin 'yung ice cream na hinawakan ko muna.

May hawak kasi si Ta-Eh eh.

Nang ibinigay niya sa akin 'yung last na ice cream, sinabi ko kay Ta-Eh na umupo dun sa malapit na bench.

"Ta---" Sheeesh! Muntikan na! "S-Six!" Narinig naman niya 'yun at nakangising lumapit siya sa akin.

"You called me by my 'first name'" So? What's the big deal? "But you know what, I heard you calling my name SEX."

Wtf? Agad kong cinoveran ang aking buong mukha gamit ang isa kong palad. Kaya ang resulta, nahulog 'yung kutsarang maliit na ginagamit ko.

Shet! Manyak na Ta-Eh!

Bwisit naman kasi! Kumakain 'yung tao dito tapos magsasalita siya ng ganiyang mga salita. Kadiri lang.

Si loko naman, tawa lang ng tawa.

"Oh c'mon! Don't pretend as an innocent one m'lady!" Oo na! May pagkaberde ako, at sobrang makulay na 'to. Means, sobrang lala na! Waaah! Pero hindi ako katulad ng iba diyan. I know my limits. ;D

"Tse! Kukuha lang ako ng kutsara! Peste!" Buti na lang talaga, malayo kami sa mga tao dito. Kung nagkataon na malapit kami sa mga 'yun baka sabihin nila na may karumal dumal nang nangyari.

"Kuya, pwede pahingi ng isa pang kutsara?" Tanong ko dun sa nagtitinda.

Habang kinukuha niya, hindi ko maiwasang tumingin sa pwesto kung nasaan si Ta-Eh. Nakatingin siya ngayon sa mga batang naglalaro ng Patintero.

"Alam niyo ma'am bagay kayo." Narinig kong sabi ng nagtitinda.

"H-Huh? Hehehe...classmate ko lang po 'yan kuya." Naiilang kong sabi. Putek! 'Di pa binibigay 'yung hinihingi kong kutsara!

"Ahy! Pero alam niyo may kamukha siya. Ewan ko na lang kung saan ko nakita, basta nakita ko na siya dati sa mga pinapanood ng mga anak ko." Ahy! Tsismoso pala 'tong si manong kuyang ice cream.

"A-Ahh...baka namamalikmata lang kayo, kuya." Kinakabahan kong usal. Ma-e-expel ako kapag nalaman nila.

"Hmm...siguro nga. Pero bagay talaga kayo." Hindi naman atang halatang kinikilig si manong kuyang ice cream di'ba?

"H-Hehehe...malabo po 'yun." Sagot ko.

"Kabataan nga naman ngayon! Masyadong nega. Osiya, alis na ako, para makahanap pa ako ng mga costumers ko." Salamat naman at sumuko na sa kakasalita si kuya.

"Pero hindi ka man maniwala o hindi ka man maniwala, may gusto sa 'yo 'yun." Kinindatan pa ako ni manong kuyang ice cream na nagpangilabot sa katawan ko. Creepy si kuya.

"Ba't ang tagal mo?" Natawa ako sa accent niya. Masyadong...wala. HAHAHA!

"Nothing." Nauna na akong bumalik. Tunaw na ang ice cream ko! Nagsayang lang ako ng oras sa kakadaldal kay kuya kanina!

"HAHAHA!" Tinignan ko na lang ng masama si Ta-Eh. Nakakainit ng ulo ah!

"Tsk! Amin na nga!" Kinuha ko 'yung libro at nagwalk out. Iniwan ko na rin sa bench 'yung ice cream. Sa mga bata na lang kung gusto nila. Wala pa naman akong laway doon eh.

"Going home already?" Tanong niya. "Uhmm...C-Could you please a-accompany me before this day e-ends."
-----
A/N

Thank you for reading! Love you! ꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon