Chapter 21

103 5 2
                                        

[Unedited]

Yesha's POV

"We'll talk." Kinabahan na 'ko. Dapat kasi 'di na 'ko pumayag sa alok ni Ta-Eh eh! Ayan tuloy, pati ako napahamak!

"Follow me." Seryosong sabi ni papa. Dumiretso si papa sa may sala kaya sumunod na kami. Umupo si papa sa kabilang side habang kami naman ni Ta-Eh ay nakaupo sa kabilang side. Bale, magkaharapan kaming tatlo ni papa.

"Mind to explain, Yesha?" Tanong ni papa kaya napalunok ako.

"U-Uhmm... Hinatid lang po ako ni Ta---Taehyung kasi iniwan po 'ko ni Yael sa school. Then sabi niya, siya na lang daw ang maghahatid sa 'kin."

"Ahh... That child." Rinig kong bulong ni papa. "Kaya pala ang aga-aga niya kaninang umuwi. 'Di ka pala niya hinintay."

Tumango na lang ako. Si Yael pala ang dahilan kung bakit ako nasa hotseat. Shocks!

"Well, thank you for bringing my daughter back home, Mr...?" Ang boses ni papa na kanina ay seryoso ngayon naman ay lumambot na.

Hoo! Buti na lang!

"I'm Taehyung Kim, Mr. Manoban." Tumayo si Ta-Eh sabay bow kay papa. Shocks! Bakit niya sinabinang totoong pangalan niya?! Hala! Madaldal pa naman sina papa, 'pag nalaman ng iba na nandito si Ta-Eh sa Pilipinas baka ma-expell ako

"Oh? You're a Korean? Nice meeting you." Tumayo si papa at nakipag-kamayan kay Ta-Eh. Wow! Ganun lang nakuha ni Ta-Eh ang loob no papa. At buti na lang, hindi kilala ni papa si Ta-Eh. 'Di siya katulad ni Yael na adik.

"Ne, Mr. Manoban. Nice to meet you too." Sabi ni Ta-Eh.

"Can you speak and understand Filipino, Taehyung?" Tanong ni papa sa kaniya.

"Uhh... I can understand and speak Filipino a little bit." Sagot niya.

"You're a foreigner, so that's normal. Are you my daughter's classmate, schoolmate or batchmate?" Tanong ulit ni papa sa kaniya.

"I'm her classmate sir." Sagot niya.

"Drop that 'sir' thing. Call me tito or paps." Feeling close na sabi ni papa. Tsaka hello?! Isa siyang sikat na kpop idol, malabong sundin ni Ta-Eh si papa.

"Okay po tito." Natawa naman si papa sa pagtatagalog ni Ta-Eh, ako naman ay napahinto. Teka? Pumayag siya?

"Hahaha! You're a very funny kid, Taehyung. Why are you wearing a cap and mask though?" Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Nagkatinginan kami ni Ta-Eh na parang nag-uusap.

"The food is ready!" Rinig kong sabi ni mama kaya hinila ko na si Ta-Eh papunta sa dining room.

"Pa! Kakain na!" Sigaw ko habang hinihila si Ta-Eh.

"Psst. Tell my father that you need to go." Bulong ko kay Ta-Eh.

Saktong pag-upo namin ay biglang bumaba si Yael mula sa kwarto niya. Lagot.

"Who's this red-hair guy, ate Yesha?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yael pagkaupo niya sa kanyang pwesto.

"Classmate ko lang siya." Sagot ko. Delikado na 'pag malaman niya na siya si Taehyung. Adik sa kpop eh. Imposibleng hindi niya mapansin na siya si Taehyung. At sana hindi 'yun mangyari.

"Why is he wearing a mask? Baliw ba siya o tanga?" Nakangising sabi ni Yael. What's his problem?

"Yael." Saway ko. Alam naman niyang isang bisita 'tong lalaking 'to.

Umirap na lang siya. Katapat niya si Ta-Eh na ngayon ay nakatingin kay Yael. Para silang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

"What's your name? At bakit alam mo ang bahay namin? Are you a criminal? With your looks, I guess you're a criminal." Diretsong sabi ni Yael. Hahaha! Sino ba naman kasing magmamask tas naka-cap sa loob ng bahay.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon