[Unedited]
Yesha's POV
"Hoy! Ikaw, na naka-blonde na buhok!" Tinuro ni Rachxane si Megan na kasalukuyang nagchichikahan kasama ang mga kaibigan niya. "Kasama mo sina Peter, Martin, John Mark, Rhean, Gerald, Vick at si Jerome para sa props!" Tinuro ni Rachxane kung nasaan sina Peter, "Doon oh!"
"Oh? Anong pang hinihintay mo? Punta ka na dun!" Singit ni Bella the sipsip.
"At ikaw naman, dun ka sa gagawa ng script! Hindi ka supervisor para maglakad-lakad dito! Kapal mo! Dun ka!" Sigaw ni Rachxane kaya rinig na rinig sa buong room.
"Tsk!" Asik ni Bella sabay punta sa area ng mga scripwriters.
"Bwisit talaga 'yun." Bulong ni Rachxane pero rinig na rinig ko rin naman.
Si Rachxane kasi ang inutusan ni Pres para ibigay ang magiging role namin.
"Ako ey?" Bumaling siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Oppaaaa~!" Matinis na sigaw ni Rachxane at alam na namin kung sino ang tinutukoy niya.
Tinignan ko kung nasaan si Ta-Eh at ayun! Nakasandal siya sa may pintuan habang may hawak-hawak ni Minute Maid.
"Taehyung oppa~!" Tawag niya ulit kaya dali-daling pumunta sa amin si Ta-Eh.
"What is it?" Sabi niya habang iniinom ang juice.
"Well, as you can see, our scenario is all about a kpop idol love story. So what if kayong dalawa ang bida—"
"What?"
Amputek! Pa'no na lang ang mga fangirls/fanboys niya? Susugurin nila ako 'pag nagkataon!
"Bestfriend mo 'ko di'ba?"
"Oo."
"Ba't mo ako pinapahamak?" Masungit kong tanong.
"Pinapahamak? Ang OA mo naman! As I was saying, wala na kayong magagawa. Lalo ka na!" Turo niya sa'kin.
"Mga klasmeyt kong mga citsalp na wala pang gagawin, kayo ang magiging minor characters para sa dalawang 'to!" Tinuro niya kami. Lahat ng mga babae tumingin nanaman sa akin ng masama.
Dukutin ko kaya mga mata nila?
"Tsaka mga scriptwriters! Bilisan niyo ah? Gandahan natin 'to!" Baling niya kina Peter.
"Yes, ma'am!" Umirap lang sa'min si Megan bago bumalik sa ginagawa niya. Minsan talaga 'di ko maintindihan ang babaeng 'yan. Para namang may pake ako.
"At para may magawa naman kayo. Tulungan niyo na lang ang iba para sa paggawa ng props. May mga nakaready na na mga materials, at kung may kulang pa, sasabihin ko kaagad sa inyo." Nakita ko sina Cassandra, Riley, Clarice, Trove at ang iba ko pang mga classmate na gumagawa ng props.
"Okay. Okay."
***
"Sa wakaaaas!" Isa-isa nilang sigaw matapos mag-ring ang bell. Hudyat na tapos na ang araw namin sa eskwelahan.
"'Yung mga kalat. Linisin niyo na dali!" Sinunod naman namin agad. 'Yung iba ay kumuha ng walis. Ang mga iba naman ay kumuha ng mop sa stock room para malinis ang sahig.
Baka magalit si ma'am 'pag sobrang dumi nh classroom. Tatawagin pa kaming dugyot.
"Yesha." Tawag sa 'kin ni Jerome.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko habang nagpupulot ng mga pira-pirasong mga papel.
"Nag-chat sa 'kin si Mrs. Ravaro. Humingi siya ng pabor sa 'tin dahil wala siya sa susunod na mga araw." Nahihiyang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fanfiction✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...