[Unedited]
Yesha's POV
"No gadgets ka ngayon Yael! May sakit ka!" Inis kong sabi sa kapatid ko na ngayon ay nakikipag-agawan sa kaniyang iPod.
"Hindi naman ako gagawa ng kahit anong makakasama sa 'kin ate eh. Sige na. 10 minutes---30 minutes lang."
"Hindi!" Matigas kong sabi.
"Yaeeel~" Isang sigaw ang narinig namin kasabay nun ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Yael.
"Yael, pare! Totoo pala ang balita na may sakit ka? Haha! Ang hina mo pala---achuu!" Bungad sa 'min ni Hugo.
"Ha! Kala mong lalaki ka! Mahina ka rin pala eh." Sagot ng kapatid ko kaya nakuha ko kaagad ang iPod niya.
"Atleast ako sipon lang. Ikaw? May lagnat na nga, may ubo pa!" Pang-aasar ni Hugo.
"Magsitigil na nga kayo! Ako ang mas malakas sa inyong dalawa! Walang sipon, walang ibo at walang lagnat! Kaya kayobg dalawa ang mahina. Tse! Bahala na kayo sa buhay niyo!" Naiinis akong pumunta sa kwarto ko.
Kauuwi ko lang kanina ng biglang tumawag si mama na baka gabihin siya pag-uwi.
Sabi niya na alagaan ko raw si Yael dahil masaming ginagawa si manang sa bahay. Pinatawag niya rin si Hugo at dito daw siya matutulog ngayong gabi para tulungan ako.
Pero parang mas dumagdag pa ang mga pasakit sa ulo ko.
Isama mo pa si mama at papa na parehong wala ngayon.
——**——
Kinagabihan, nandito ako sa kwarto ko habang tumitingin-tingin mula sa instagram. Next naman ay sa Facebook.
Katatapos ko lang mag-aral sa mga subjects except sa English. Ba't ko ba 'yun nakalimutan? Sa pagkatanda ko, hindi ko naman ata 'yun nilabas.
Tingin lang ng tingin sa mga post ng mga kaklase ko. Mga quotes na kunwaring nasasaktan kuno. Anong arte 'yan 'te?
Mga post ma wala namang binatbat.
"We're home!" Narinig ko mula sa baba ang boses ni papa.
Iniwan ko mula sa higaan ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto.
Sina Hugo at Yael ay kasabay kong bumaba.
"Ma, pa!"
Nagbless kami kina mama at hinalikan sa pisngi.
"San kayo pumunta, ma?" Tanong ko.
"Nagdate kami ng papa niyo." Halatang kinikilig na sabi ni mama.
Ngayon ko lang napansin ang kabuoan nila. Naka-red dress si mama tsaka naka-bun ang buhok. Nilagyan din ng light make-up ang mukha niya. Then si papa naman ay naka-maroon na tuxedo at pants.
May dala-dala ring bouquet ng red roses si mama.
"Kaya pala, umalis bigla si papa kanina." Dinig kong sabi no Yael.
"Sinurprise niyo si tita, tito?" Tumango si papa. Halata sa mga mata niya ang saya at pagmamahal na nararamdaman niya ngayon. Gayun din si mama.
"Kamusta ka na pala Yael? Kumain na ba kayo?" Inilapag ni mama ang kaniyang bouquet sa may lamesa sa sala.
"He's fine, ma. And yes, kumain na po kami kanina." Sagot ko.
Hinawakan ni mama ang noo at leeg ni Yael at sinuri ang mukha niya.
"May sinat ka pa." Tugon ni mama. "Mabuti pang matulog na kayo. Mapupuyat na kayo niyan." Tumango na lang kami at umalis sa harapan nila.
"Nga pala, Yael. Did you take your medicine?"

BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
أدب الهواة✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...