[Unedited]
Yesha's POV
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nag-iisip ng plano kung paano ako magsosorry kay Yael.
Pabebe talaga 'yung si Yael! Kalalaking tao, nagtatampo agad! Psh!
Pero kahit na nag-aaway kami parati, hindi ako sanay na gan'to kami. Hindi nagpapansinan.
"Yesha! Kain na tayo! Call your brother!" Narinig kong sigaw ni mama. Kaya bumangon na ako at pumunta sa c.r. at nagtootobruah at hilamos.
Pumunta ako sa tapat ng pintuan ni Yael. Kakatukin ko sana ng bigla na lang siyang lumabas.
"I heard it." 'Yun lang sinabi niya bago isinarado ang kaniyang kwarto at nauna ng bumaba.
Ano ba naman! Ang arte arte niya!
Inis akong sumunod sa kaniya. Nakakainis naman 'tong lalaking 'to!
"Oh? Hindi ka pa naliligo Yesha? Akala ko pupunt ka sa public library?" Ahy! Shit! Nakalimutan ko nga palang may pupuntahan ako ngayon!
Ugghh! Nakakainis!
"Tsk! Ligo muna ako." Inis akong tumayo at dumiretso sa kwarto ko. Inihanda ko ang aking neans at supreme na kulay white bago pumasok sa c.r.
"Ma, alis na ako." Sagot ko habang inilalagay ang mga dadalhin ko sa aking jansport na bag.
"Sige. Ingat ka. Balik ka kaagad sa oras na tapos ka na ha?" Paalala ni mama.
"Opo!"
Tinignan ko ng saglit si Yael. Nakatingin lang siya sa screen ng kaniyang cellphone at nakaheadset HABANG kumakain.
"Good."
Ibinalik na niya ang atensyon sa librong binabasa niya. Mahilig si mama sa mga libro lalo na sa mga nobela.
Lumabas na ako sa main door ng bahay. Hindi na ako magpapahatid kay Manong kuya driver medyo malapit lang kasi ang public library dito sa bahay namin.
Hindi kasi ako makalabas ng bahay kasi parating may nakaabang.
"Yesha mylaaaaabs~!" At 'yan na nga ang sinasabi ko.
Binilisan ko ang paglakad ko errr...pagtakbo na pala para makatakas sa gagong 'to. Nga pala, ipinapakilala ko sa inyo si Ralph Dela Cruz. May crush daw siya sa akin.
"Uy! Ba't ko tumatakbooooo~?!" Sagot niya habang hinahabol ako.
Sabi ko nga dapat nagpahatid na lang ako kay manong kuya eh!
"Sandaliiii laaaang~!" Hinahabol pa rin niya ako hanggang ngayon. Isip Yesha! ISIP!
Nag-iisip pa sana ako sa pwede kong gawin ng biglang may humila sa akin papunta sa isang papasok.
"Hmmmmpp!" Tinatakpan pa rin niya ang bibig ko. Lord! Ba't ang malas ko ngayon?!
Nakita kong dumaan si Ralph. Buti na lang 'di na niya ako nakita. Problem number two is solved.
Inapakan ko 'yung paa niya para makawala ako sa kaniya.
"Ugh!" Daing niya habang hawak-hawak ang paang inapakan ko. Buti nga sa kaniya! Need to run!
Pero bago pa ako makaalis, may humapit na ng beywang ko. Tang!
"An---" Bago pa ako makasalita, cinover niya na ang bunganga ko! Kapal nito ah!
"Ssshhhh..." Narinig kong bulong niya sa akin. Kakagatin ko sana 'yung kamay niya ng bigla kong narinig 'yung boses ni Ralph.
"Asan na siya? Ba't bigla nawala ang mylabs ko?" Nagkamot pa siya ng ulo habang sinasabi niya ang mga 'yun. Pagkatapos niyang masiguradong wala na 'ko dito, tumuloy na siya paglalakad.
BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fanfiction✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...