[Unedited]
Yesha's POV
Pumunta ako sa harap dahil utos ni Jerome. Masyado kasi siyang mahiyain. Hayy.
"Mga hayop este tao, umupo muna kayo!" Sigaw ko sa kanila. Mahirap maging officer sa classroom, marami kang gagampanan.
"Ang nabunot ng section natin ay Role Playing. Ngayon, mag-recommend kayo ng scenario na pwede nating gamitin sa pag-ro-role play natin." Bawat section namin ay maglalaban-laban base sa nabunot ng bawat section.
Bakit kasi roleplay ang nabunot namin? Hayy. Pahirap talaga.
"What if..." Lahat kami ay nakatutok kay Higad number 1 sa sasabihin niya, "...May naka-one night stand ako na isang kpop idol in a hotel, and nabuntis niya ako and then we fall in love with each other." I gave her a disgusted look.
At putek! Nag-lip bite pa siya kay Ta-Eh. Luh?
"Yucks!~"
"Eeeewww!~"
"So kaderder~!"
Samo't-saring mga komento ng kaniyang mga co-higad abg aming narinig. Tss.
Napailing na lang ako, "Another?"
May nagtaas, si Higad number 2.
"What if, may naka-arrange marriage ako na isang kpop idol, sa umpisa ayaw nung kpop idol sa akin but as the days come, nahuhulog na siya sa akin, and I fell for him before we met. Happy ending!" Kumindat pa siya kay Ta-Eh.
"Lol. Masyado ng luma!"
"Ampangit, nyeta!"
"Noooo!"
Hayy.
Ba't ba puro kpop idol ang laman ng bawat recommendations nila sa akin? Nakakabanas.
"Tss. Another?"
Nagtaas si Higad number 3.
"Pa'no kung mahal ako nung kpop idol, kaso nga lang masyadong mapangahas ang mundo ng mga idols kaya namin tinago ang relasyon namin pero dahil nga hindi namin matiis ang isa't-isa, nagtanan kami. Ilang buwan nawala 'yung kpop idol, kaya napag-isipan niyang bumalik at nagpromise siya sakin na papakasalan niya ako pero before niya umalis, nakagawa agad kami ng baby...tas 'yun na."
Nakatitig lang siya kay Ta-Eh na nakaheadset habang nagkekwento.
Lol. Hahaha!
"Pwede rin!"
"Hindi! Ang pangit ng flow!"
"Edi palitan natin 'yung iba!"
Nagsisimula nanaman silang magdebate.
"Kalma muna!" Singhal ko sa kanila.
"Gusto niyo 'yun?" I asked para makasigurado.
"Yup!"
"Yeaaah!"
"Hindeee!"
"Puta! Kung papayag rin naman kayo diyan, hindi na ako sasali!"
"Miss secs...este miss secretary, ayaw namin 'yang idea niya."
Manyakis.
"Kaya nga!"
"Choosy kayo!"
"Eh sa ayaw nga namin!"
"Bahala kayo diyan! Majority na!"
"Landede!"
![](https://img.wattpad.com/cover/170182964-288-k372643.jpg)
BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fanfiction✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...