Chapter 6

121 9 0
                                    

[Unedited]

Yesha's POV

"Huy! Punta ka mamaya ah!" Paalala ni Rachxane.

"Oo nga! Ang kulit!" Irita kong sagot sa kanila. Nakakabwisit na ang paulit-ulit na tanong!

"HAHAHA! See yah later!"

Pagkatapos nilang magpaalam, pumunta muna ako sa library dahil may pinapakuha si Yael na isang libro about puberty.

Habang papunta ako dun ay nakita ko ang mga members ng Dance Group Company or DGC. Sila ang mga magagaling na dancers sa Pilipinas at nirerepresent ang Philippines sa mga dance competitions.

Nasa sampu hanggang labing-lima ang bilang nila. Minsan ko ng napanood ang performamce nila sa YouTube. Masasabi kong mas magaling pa sila kaysa sa mga bading at malalanding idols.

Nagpa-practice sila sa stage ng Quadrangle ng school. Madami-dami ring nanonood sa kanila sa stage. Magaling kasi.

Hindi pa ako nakakalampas ng stage nang biglang naghiyawan ang mga estudyante dito.

Pagtingin ko 0o0

Luh! Ba't nandiyan 'yang Ta-Ehng 'yan?! Mas papangit ang performance nila!

"BABY TAETAE!"

"AHHHH!~ TAEHYUNG OPPA!"

Samo't-saring sigawan at tilian ang mga naririnig ko. Wth?!

Tumakbo na lang ako papaalis sa Quadrangle at dumiretso sa library. Ba't kaya hindi pinipigilan ng mga teachers ang mga estudyanteng 'yun? Hindi naman sa bawal sumigaw, pero 'yung sigaw nila parang may nasusunog...nasusunog sa kagwapuhan. HAHAHA!

"Good afternoon, ma'am Hernan." Bati ko sa librarian ng school library namin.

"Oh, Yesha? Uwian niyo na di'ba? Ba't hindi ka pa umuuwi?" Nakangiting tanong sa aking ni ma'am Hernan.

"May pinapakuha lang sa'kin si Yael." Sagot ko habang nakangiti rin. Magaan ang loob ko kay ma'am Hernan. Siya parati ang nandiyan kapag kailangan ko ng karamay o hindi kaya't may problema ako about sa studies.

"Ahh...kaya pala. Nagulat nga ako kasi bigla kang dumating dito. Hindi ka naman mahilig magbasa ng libro. Magbabasa ka lang kung may exam na kayo." HAHAHA! Alam na alam ni ma'am Hernan!

"Hehehe...meron po ba kayong libro about sa puberty?" Kahit naiilang ako dahil sa pinapakuhang libro ni Yael, pinipilit kong maging seryoso at kalmado.

Si ma'am Hernan naman, parang nakakita ng patay na zombie dahil sa gulat.

After a minute, bigla siyang ngumiti...na may halong pang-aasar.

"Yiieee...may crush ka na 'noh? Ikaw talaga, Yesha hindi mo sinasabi sa akin. May crush ka na pala, huh? Yiiieee!" Ayan na.

"Mali kayo ng iniisip ma'am Hernan! 'Yung kapatid ko na si Yael ang nagpapakuha at nangangailangan ng librong ganun!" Natatarantang pag-e-explain ko. Na-misinterpret ni ma'am Hernan ang sinabi ko kanina.

"Ginamit mo pa 'yang kapatid mo sa pagrarason ah! Yiieee!~" Sinusundot-sundot ako ni ma'am Hernan sa bandang tiyan, pero wala akong kiliti.

"Ma'am." Napabuntong hininga na lang ako. "May research po kasi ang kapatid ko. Kailangan niya po 'yung librong 'yun." Sabi ko. Natigilan siya at ngumiti ng nakakaloko.

"Ahh...okay, kunware naniwala ako." Sabi niya at iniwanan ako sa may counter. Hayysst!

Matapos ang ilang mga minuto, bumalik si ma'am dala-dala ang MGA librong MAKAKAPAL na nakalagay sa cart.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon