Chapter 7

114 7 0
                                        

[UNEDITED]

Yesha's POV

Nakakamangha pa rin ang laki ng mansion nina Jiro. Kahit ilang beses na akong nakapunta dito pero nagagandahan pa rin ako.

Modern designs na may halong ethnic tribes designs. May mga bahay kubo rin sa bandang garden nila para makarelax ang mga may-ari dito—Jiro and her family.

"Guysue!" Narinig namin ang isang tawag mula sa aming likuran.

"Waaaahh!!! Jiro!" Sigaw ni Rachxane sabay takbo papunta sa kaniya. "Namiss kita!" Niyakap ni Rachxane si Jito bg may pagkahigpit-higpit.

"Luh? Dalawang araw lang akong wala." Natatawang sabi ni Jiro. Binatukan naman ni Rachxane si Jiro matapos nitong kumalas sa kanilang yakap. "Loko ka! Isama mo 'yung Sabado't Linggong walang pasok!"

"Sadista ka pa rin!" Sabay himas sa parteng binatukan ni Rachxane.

"Sige, ako na OP." Napatingin naman kaming tatlo kay Jaizy na may dala-dalang marshmallow na may hotdog.

"Bakit? Absent ka ba?" Nakapamewang na tanong ni Rachxane.

"Tsk! Sama mo!"

"Di hwaw!"

"Rach-Rach, Esha? Kayo ba 'yan?" Isang boses ang aming narinig mula sa aming likuran.

"Kuya Jaime? KUYA JAIMEEEE!!!" Sigaw ni Rachxane. "Namiss kita, kuyaaaa!" Dagdag pa niya habang nakayakap kay kuya.

"HAHAHA!! Namiss ko rin kayo!" Sagot ni kuya, binalingan niya ako pagkatapos ay ngumiti. "Esha? Laki mo na ah! Payakap nga!" He extend his one arm to welcome me.

Sumunod naman ako at niyakap siya.

"Ehem. Kami?" Nakataas ang isang kilay ni Jaizy at Jiro.

"HAHAHAHA! Halina kayo sa akin!" At ayon! Nagyakapan kaming lima. Namiss ko si kuya!

"Osiya! Punta na tayo dun. Baka hinahanap na tayo." Sabi niya pagkatapos kumalas sa yakap namin.

Tumango na kaming lahat at sabay na pumunta sa garden nila. Malawak ang garden nila, mayaman kasi eh.

"Kamusta ang buhay niyo kuys?" Tanong ni Jaizy habang kinakain ang fries na iniwan nung bata sa mesa. Sama.

"Hmm...okay naman, gwapo pa rin", nagpogi sign si kuya na nagpatawa sa amin. "Totoo  naman ah! Gwapo ako! Ang dami ngang nagkakagusto sa akin sa Korea eh!" Huh? Korea?

"What do you mean?" I ask. Korea? Ba't ba puro Korea na lang? Hindi ba sila nagsasawang sabihin ang Korea Korea na 'yan!

"I see, hindi ka pa rin nagbabago." Napabuntong hininga si kuya.

"Hindi pa ata sinasabi ng magaling kong kapatid na isa akong artista dun." WHAT?

Laglag panga

Laki mata

"ANO?" Sabay sabay kaming tatlong tumingin kay Jiro na ngayon ay kampanteng nakaupo sa upuan.

"Chiiiill...sasabihin ko na sana nung absent ako kaso talagang busy kami sa paghahanda sa party." Ahhh....

"Pero ba't di mo sinabi sa amin noong una tayong nagkakakilala?" Tanong ni Rachxane.

"You see, I'm in a hard time to trust people. Kaya noong nagpakilala kayo sa akin, I hide the truth kasi 'pag sinabi ko 'yun baka magkaroon kayo ng plano na mapalapit si kuya sa inyo gamit ako. Ayaw ko naman nun. Gusto ko magkaroon ng totoong kaibigan na hindi si kuya o yaman namin ang habol niyo. 'Yung kaibigan na tanggap kung sino ako at ano ako." Agad ko siyang niyakap.

"I love you bestfriend!" Sabi ko. Nakiyakap na rin 'yung dalawa.

"Now I know! Tsaka 'wag ka mag-aalala. Hindi naman kami nagkaroon ng plano na gamitin ka eh. Kahit pa malaman namin na kuya mo ang sikat at napakagwapong artista, o dahil mayaman ka, hinding-hindi namin 'yun naisip. Love love ka namin eh!" Sani ni Jaizy.

"Thank you bessiieees..." Mahinang bulong niya na sakto lang para marinig naming tatlo.

"Nakakaselos kayong apat." Nakapout na sabi n ni kuya Jaime. "Tss." Rinig kong sabi ni Jiro.

"HAHAHA!" Tawa ni Jaizy at tsaka sinama si kuya Jaime sa aming yakapan. Nakakatuwa lang kasi ganito pa rin kami ka-close sa hinaba-haba ng panahong hindi kami nagkita.

"Andito lang pala kayo!" Isang matandang boses babae ang narinig ko sa aming tabi.

Kumalas kami sa aming yakapan at hinarap si manang Beching. Siya ang yaya/mamo nina Jiro at kuya Jaime. Siya kasi ang nag-alaga sa kanila noong mga bata pa lamang sila.

"Bakit po manang?" Tanong ni Jiro.

"May naghahanap sa kuya mo eh. Naroon siya oh!" Tinuro ni manang Beching ang isang pigura ng isang lalaki.

"Tae!" Masayang sambit ni kuya Jaime. Magkakilala sila?!

"Bo Gum hyung!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. 'Wag mong sabihing nandito rin si Ta-eh?!

"jal jinaess-eoyo?" [How are you?] Tanong ni Ta-Eh kay kuya Jaime. Tsaka HUH?

"Nan gwaenchanh-a. Let's go inside." Dumaan sa harap ko si Ta-Eh at nginisian ako.

Wth?! Lagot ka talaga sa akin Ta-Eh!

Rachxane's POV

"Uh-oh..." Rinig kong sabi ni Jaizy.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Jiro. Oo nga pala, hindi niya pala alam ang mga nangyari.

"Kamukha niya si V." Mahinang sabi ni Jiro.

Binatukan naman siya ni Jaizy. "Tangek! Si V talaga 'yan!" Bahagyang natigilan si Jiro sa sinagot ni Jaizy at dahan-dahang bumukas ang kaniyang bibig.

"A-Ano?! Si V-V 'yun?! As in, Kim Taehyung?!" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jiro. "Oo nga! Ang kulit nito!" Naiinis na sagot ni Jaizy.

Bigla namang humarap sa akin si Jiro. "Kurutin mo nga ako Rach!"

Hindi na ako nagdalawang-isip na kurutin siya sa braso, para tumigil na ang kakatanong niya.

"OUCH!"

Umalis na ako sa kanila at sinundan sina Yesha.

Magkakilala pala sila...Ahy! Oo nga! Diba Park Bo Gum 'yung Korean name ni kuya Jaime? Tapos diba si Taehyung-oppa close friend niya si kuya Jaime?

Yeeees! Ang swerte ko naman ngayon! Mas magiging close kami nina kuya Jaime at si Taehyung-oppa.

Waaaaah!! I can't believe thiiiis! Kinikilig na akoooo!

"Hooooy!! Hintayin mo kami!" Sigaw ni Jaizy habang papalapit sa akin.

"Oh? Tapos ka na ba niyang inter-viewin?" Tanong ko kay Jaizy na ngayon ay katabi ko ng naglalakad.

"Jusko! Ang hirap i-explain sa matandang 'yun!" Sinubo niya ulit ang huli niyang dalang pagkain.

"Dapat pala hindi na ako um-absent...hayyy." Nagulat na lang kami ng biglang sumingit si Jiro sa tabi ko. Kailan pa 'to nandito?!

Yesha's POV

Mabibigat na hakbang ang iginawad ko papunta sa loob ng mansyon nina Jiro. Nandoon kasi si kuya Jaime at ang asungot na 'yun.

"Yeshaaaa~!" Tawag sa akin nina Rachxane.

Hinihingal pa silang tumabi sa akin.

"A-Alam namin ang n-nasa isip m-mo! Ka-Kaya, 'wag m-mo nang itu-loy." Hinihingal na sabi sa akin ni Rachxane.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko. Plano?

"'Yung plano m-mo...tungkol 'y-yan kay Taehyung-o-oppa." Huh?

"Ha?"

Binatukan naman ako ni Jaizy.

"Huh, ka ng huh! Tsk!" Grabe naman 'to!

"Basta! 'Wag kang gumawa ng gulo dito! 'Wag mong gawin 'yung plano mo dito sa amin!" Sabat ni Jiro.

Ahh...'Wag kayong mag-alala. Hindi naman ngayon eh.

Pagtitiyagaan ko muna ang mukha niya.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon