Chapter 19

86 6 1
                                        

[Unedited]

Yesha's POV

"Ugghhh! I hate you!" Sigaw niya at nag-walk out palabas ng classroom.

Napangisi na lang ako. Sige, magsumbong ka lang. Tignan na lang natin kung mapapahiya mo pa 'ko.

"Lumabas na ang dragon."

Sabi ni Jaizy, napatawa naman si Jiro.

Ibinigay ko na kay Jerome ang papel ko at bumalik sa upuan. Sumunod naman si Ta-Eh na umupo.

"Yiiee~" Sabi ni Rachxane sabay palo sa braso ko. Ayan nanaman. Binibigyan ng malisya ang maliit na bagay.

Salamat naman dahil na kina Jaizy at Jiro na ang atensyon ni Rachxane.

Kinuha ko ang libro ni Ta-Eh mula sa bag ko at inilagay sa tapat ni Ta-Eh. Naramdaman naman ni Ta-Eh na may inilagay ako sa harapan niya kaya napatingin siya sa 'kin

"Thanks." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

Kahit hindi ako diretsong nakatingin sa kaniya, nakita kong ngumiti siya.

"Your welcome." Shet. Ito nanaman. Anong ginagawa mo sa 'kin Ta-Eh?! Ba't ang bilis?!

Pasimple nanaman akong napahawak sa bandang puso ko. Kalma lang Yesha. Kalma!

Dahil sa pagpapakalma ko sa sarili ko, hindi ko na napansin ang oras. Tapos na lahat ng kaklase ko na magsagot sa test.

Pumunta na sa harapan ng klase si Rachxane kasama si Jerome.

"Ilagay niyo na sa gilid 'yung mga upuan. Continue na tayo sa ginagawa natin kahapon." Sinunod naman agad nila ang inuutos ni Rachxane kahit labag man sa loob nila.

"Di'ba ginrupo ko na kayo kahapon. Magsama-sama na kayo. Taehyung and Yesha, dun tayo sa bandang teacher's table. Hintayin niyo na lang muna ako." Sabi niya sabay punta sa mga gumagawa ng props

Pumunta naman kaming dalawa ni Ta-Eh sa sinasabi ni Rachxane. Teka nga, anong gagawin namin dito?

Umupo kami sa sahig dahil ang mga upuan ay nasa gilid na.

"Rachxane! Anong gagawin namin dito?!" Tanong ko.

"Ahy oo nga! HAHAHA! Nakalimutan ko." Pumunta siya kina Irish, isa sa mga scriptwriters namin, at may sinabi siyang hindi ko marinig.

After nun, may ibinigay siyang papel kat Rachxane. 'Yun na ata ang script namin. Grabe! Nakatapos siya ng script sa isang gabi lang.

"Oh ito. Memorize niyo na." Sabay abot sa 'min ng script.

"Fighting!" Huli niyang sabi bago umalis sa harapan namin.

Wow! Dalawang coupon bond, back to back 'to! What?! Imememorize namin 'to? Malamang, binigay sa inyo eh.

"Rach! Ito lang?!" Tanong ko. Humarap siya sa 'kin at umiling. Ibig sabihin meron pang darating na script.

"Wow! Pinaghandaan niyo talaga 'to ah!" Mukha namang narinig ni Irish 'yung sinabi ko dahil kumindat pa siya sa 'kin.

"Let's start." Sabi ko kay Ta-Eh pero nagbabasa na pala siya sa script.

Binasa ko ang nasa front page. Puro english! Pero sa bagay, hindi pa nakakainitindi ng Filipino words 'tong lalaking 'to.

Dumaan ang mga oras, ina-nalize lang namin 'yung mga scenes, 'yung mga facial expression na gagawin namin, at 'yung intonation na babagay sa mga linyang sasabihin namin.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon