Chapter 5

142 12 0
                                        

Unedited (asahan niyo ang mali-maling spelling/grammars. *'Wag seryosohin ang nakasaad. Just imagine..lol..)

Yesha's POV

"Ma! Malelate ako ng uwi mamaya." Nandito kami ngayon sa dining area at kumakain. Nagpapaalam ako ngayon kina mama at dad kasi may party na gaganapin sa bahay nina Jiro.

Kaya pala siya absent kahapon kasi naghahanda na sila para ngayon.

"Oh yes! I heard about it. Babalik na kasi ang kuya ni Jiro dito. You may attend but you should be here before 12 midnight, okay?"

"Yes, ma! Thanks dad!"

Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse. Naghihintay na dun si Yael at si Kuya driver.

Tahimik lang kami habang nagdadrive si kuya driver. Buti na lang hindi kami sinumbong kina mama at dad, kundi lagot kami.

"Andito na po tayo." Unang lumabas ay si Yael. Nakakapagtaka nga, dahil wala ang mga fangirls niya dito.

Wala pang katao-tao naman dito? Masyado ba akong maaga ngayon? Mas okay na 'yun! Wala pang tao! Masosolo ko ang classroom. Whahahaha!

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng classroom namin.

"What are you doing?"

"Anak ng Totoy!"

Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Sheyt! Tinakot ako niyong alien na 'to ah!

Hinarap ko siya na magkasalubong ang dalawa kong kilay pero agad din itong napawi ng bigla siyang mag-sorry.

"Ops! Sorry for scarying you. Mianhé." Nagbow siya sa akin at dumiretso sa loob ng classroom.

Nanatili akong gulat sa nangyari. Ugh! Get yourself together, Yesha! You hate him! Tama! I hate him!

Matapos kong kausapin ang aking sarili ay sumunod na rin ako sa kaniya dahil nga magkatabi kami sa seating arrangement.

Dahil wala pang masyadong estudyante sa campus at tinatamad akong lumibot-libot, isinalampak ko na lang ang headset ko at nagpapatugtog.

Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang kanta.

Ang ganda pakinggan lalo na kapag may problema ka. Wala naman akong problema sa ngayon, shineshare ko lang.

"~I was dying inside to hold you
Couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you~" Hindi ko alam na medyo napalakas ang pagjajamming ko sa kanta.

Nabigla na lang ako ng biglang may kumuha ng headset ko at inilagay niya sa kaniyang tenga.

"Hmmm...This was my favorite song." He said as he pat my head. What the?! No one could ever do this to me!

"Don't pat me like that! I'm not a dog!" Kumukulo na ang ulo ko dahil sa iritasyon.

He just smirk at me and left. Walang hiyang hampaslupa! Tang niya!

Umagang-umaga...

Buong araw akong galit, stress and irritated. Isama mo pa ang mga assignments, project at mga iba pang achuchuchuchu

"Badtrip ka nanaman?" Natatawang tanong ni Rachxane sa akin. Katatapos lang ng second to the last subject namin at susunod na si Miss Ravaro.

"Tsk." Asik ko. Naiinis ako sa alien na 'yun! Iniinis ako ng bwisit na alien na 'yun! Isama mo pa ang mga teachers. Hayy.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon