[Unedited]
Yesha's POV
~Really really really really
Oh wah
Really really really really, hey~What the fvck?! Ang ingay!
"YAEL! HINAAN MO ANG VOLUME NG KANTA! NAKAKARINDI ANG MGA BOSES!" Sigaw ko sa aking nakababatang kapatid na si Yael.
Pagkasabing-pagkasabi ko nun, ay nagtalukbong na ako sa aking kama. Hay salamat! Makakapahinga na—
~Ulgo shipji ana...~
"HUGO SHET KA SAKIN!" Bwisit! Kalalaking tao, mahilig sa kpop! Pwe! Mga bading! Kagaya nila ang mga hinahangaan nila. Si Hugo pala ang pinakaclose na pinsan namin. KUNTI NA LANG IISIPIN KO NG BAKLA KA!" Sigaw ko ulit sa LALAKING kapatid ko na si Yael. Umagang-umaga makakarinig ka na ng mga taong kumakanta ng mga alien words! Sinong matinong tao ang hindi maririndi dun?
"ATE NAMAN! WAKE UP! IT'S ALREADY 8 IN THE MORNING!"
"SO? SATURDAY NAMAN NA AH!"
"KA—"
"YESHA! YAEL! COME DOWN IN AN INSTANT! NOW!" Oh-oh.
Tumayo na ako kaagad at lumabas ng aking kwarto. Kasabay kong lumabas si Yael. Peste!
Tinignan ko siya ng masama, ganun din siya.
"Kasalanan mo 'to." Mahinang bulong ko habang bumababa sa hagdan.
"Ako pa ang may kasalanan, ate? Dafake?"
"Dafake mo mukha mo!"
Nauna na akong pumunta sa sala dahil naiinis ako sa pagmumukha ng kapatid ko.
"Yesha! Yael! Sit down!" Galit talaga si mama.
"Why are you shouting upstairs?! Huh?!" Galit na sabi ni mama. "Umagang-umaga, nagsisigawan kayo sa taas! Tell me, what is that all about?!"
"Si Yael kasi!/It's ate's fault!" Sabay na sabi namin ni Yael kaya tumingin ulit ako sa kaniya ng masama gayun din siya.
Hinilot ni mama ang kaniyang sentido bago magsalita.
"Tungkol ba sa kpop ang pinag-awayan niyo?" Seryosong tanong ni mama.
Shit! Lagot na!
"Silence means yes." Wag! "Give me all of your gadgets. The two of you."
"Hahaha." Narinig naming tumawa si Hugo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ooppss! Wala akong ginawa!" Nakatapat pa sa kaniyang harapan ang kaniyang dalawabg kamay.
"Ma! Pati rin si Hugo!" Sumbong ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay.
"Hugo! Give me your phone, now!"
"Tita naman! Wala nga akong ginawa sa kanila eh!"
"Just give me your phone." Tumingin siya sa akin at inirapan. Luh?! Bakla!
"Tss...bawi-bawi 'pag may time." Bulong ko na sakto lang para marinig ni Yael.
"Tsk."
"Go to you rooms. Makukuha niyo lang 'to sa Monday." At nag-walk out na si mama.
"This is your fault! 'Yan tuloy! Wala na akong pang-facebook!"
"Yuck! Makasalita kayo, daig niyo pa ang babaeng nagdadalang-tao! I bet tatanda kayong binata!" Pang-aasar ko sa kanila.
"Bata pa kami ate! Hindi kagaya mo..." Tumingin ang aking kapatid mula ulo hanggang paa at nagsalita "Ang tanda na nga, virigin pa." At nagtawanan ang dalawang ugok na 'to.
Kinuha ko ang unan sa sofa at binato sa kanila! Sakto sa makakapal nilang mukha!
"Mga manyakis! Mga bastos! Duh! I'm just 22. Naghahanap pa si Cupid ng papanain para sa akin." I confidently said.
"Haha! Naniwala ka naman sa mga 'yan, ate!" Sinamaan ko na lang sila ng tingin hanggang sa makapasok na sila sa kwarto ni Yael
Jeez. Mukhang sila ang magkakatuluyan sa huli ah.
***
Nakatingin lang ako sa mga bituin sa kalangitan. Nandito kasi ako ngayon sa balcony ng aking kwarto. Iniisip ang mga sinabi ni Yael kanina. Peste!
Sino kaya ang para sa akin?
Cupid naman! Bilisan mong panain ang para sa akin!
Naalala ko sa MMK! 'Yung ginampanan nina Nadine at James! Gumawa kasi ng mga signs si Nadine nun, para malaman niya kung silang dalawa ni James ang para sa isa't-isa.
Pano ba gawin 'yun?
Aish! Ako na nga lang bahala!
"Bigyan niyo po ako ng sign kung siya na ang para sa akin. I want a sign to prove that he is meant for me. 'Yung una kong maririnig na boses means siya na ang nakatadhana sa akin." Shit. Ang cliche ko!
~cheonnune neol araboge dwaesseo
seorol bulleowatteon geotcheoreom
nae hyeolgwan sok DNAga malhaejweo
naega chaja hemaedeon neoraneun geol~Napapikit ako at hinayaan kong mapaahon ang aking isipan.
Bwisit! Kita na ngang may ginagawa ang tao dito para 'di na ako maging virgin! Taena!
"Yesha! Kakain na!" I heard my mom. Wait...MOM?! S-Si mama ang makakatuluyan ko?!
Bakit ang bilis? Diba sa MMK, minsan bukas mangyayari 'yung sign na 'yun?
Pero kung si mama ang makakatuluyan ko, nah! Ayaw ko na! Mas mabuti na lang na maghintay kay Cupid kaysa maging panira sa sarili kong pamilya.
Ugh! I'm going insane!
"Yesha!"
"C-Coming up!" Inayos ko muna ang sarili ko bago isinara ang bintana mula aking sa balcony.
Lagot ako! Hindi ako nakapag-lotion! Sana lang hindi ako ma-dengue dito!
Nadatnan ko sina Yael, mama, papa ay si yaya sa dining table.
"Nasaan na si Hugo?" The asungot.
"Umuwi na. Sit down now." Ginawa ko naman ang utos ni mama. Katabi ko nanaman ang pinaka-asungot dito. Tss.
"I heard what happened, a while ago." Napatingin kami ni Yael kay dad pero seryoso siya sa kinakain niya.
Oh shit. Kinuha na nga ang mga gadgets ko eh!
"Parati na lang kayo nag-aaway dahil diyan sa...sa...sa...mga 'yan!" Muntik na akong matawa dahil hindi alam ni dad kung anong tawag dun. "Yael. I know you're a die hard fan of those shits," Nagpipigil na talaga ako ng tawa ngayon. Haha! Buti nga! "But you should know your limits lalo't hindi ka lang ang mag-isang nakatira dito sa bahay na 'to."
Napayuko na lang si Yael sa sinabi ni dad. Tsk! Buti nga!
"Sorry, dad."
"And Yesha," Lagot ito na! "You're the older sister of Yael. Don't act like a child. Well yeah, you're still a child afterall, no boyfriend, virg—" hinampas ni mama ang braso ni papa.
Napanguso na lang ako at tinignan ng masama si Yael na ngayon ay tumatawa-tawa na! Babawi ako sa'yo! Humanda ka!
"Ehem. As I was saying, act like a mature woman, Yesha."
"Yes, dad. I'm sorry." Tahimik lang kami habang kumakain.
Weird.
Ang alam ko kasi may parusa nanaman ako dahil sa ginawa ko ngayon eh.
Tsaka, act like a mature woman?! I am a mature woman! Wait. Am I?
—————
A/NThank you for reading this chapter...uwu
Sorry sa mga kadaldalan ni Yesha. Vote, comment and share if you like this chapter.

BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fanfiction✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...