[Unedited]
Yesha's POV
Break time na namin at papunta na kami sa caf. Dala-dala ko ngayon ang librong pinahiram sa 'kin ni Ta-Eh.
Nakakapagtaka kasi 'di sumama sa 'min si Ta-Eh. Hindi sa namimiss, pero nakakapanibago lang.
Nang makahanap na kami ng table namin, umupo ako kaagad at nagsimulang magbasa sa topic na itetest namin mamaya.
Kahit wala si Mrs. Ravaro ngayon, may iniwan daw siyang test kay Jerome at 'yun ang kailangan naming sagutan.
"Anong order niyo?" Dinig kong tanong ni Jiro.
"Pasta na lang sa 'kin."
"Burger, fries and ice tea."
Sagot nina Rachxane at Jaizy.
"Ikaw, Yesha?" Baling sa 'kin ni Jiro.
"Kahit ano, basta pagkain at masarap." Sabi ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa libro.
"Kinikilig ako kanina, peste!" Rachxane.
"Kasi nandun si Taehyung?" Bored na hula ni Jaizy.
"Hmm...tama ka pero may mas nakakakilig na nangyari kanina sa table namin."
"Ano nga 'yun, dali."
"Kasi kanina. Nanghiram sa 'kin si Yesha ng english textbook," Napatingin ako sa kanila ng marinig ko ang pangalan ko.
"Then, ibibigay ko sana kaso mas naunang ibinigay ni Tae-tae bebe ko 'yung english textbook niya kay Yesha." Kinikilig na kwento ni Rachxane.
Naalala ko nanaman kanina. As in sobrang init ng pisngi ko. I mean 'yung buong mukha ko sobrang init. Isama mo pa 'yung puso kong sobrang bilis ang tibok.
Hindi na nga ako makahinga kanina. Pinakalma ko pa ang sarili ko ng limang minuto bago simulan kung ano mang ginagawa ko kanina.
"As in 'yung sa kaniya? Akala ko kay Yesha 'yang textbook na 'to?" Sabay turo sa hawak-hawak kong textbook.
"Hindi! Hahaha! Grabe as in, nakakakilig! Pero ang epic ng reaksyon ni Yesha! I saw her blushed! Ang mas malala kay Tae-tae pa!" Tumatawang dagdag pa ni Rachxane.
"Wait, what? Pa'no si Ralph? Boto pa naman ako dun." Tila nanlulumong sabi ni Jaizy.
"Sa'yong-sa'yo na 'yun." Sabi ni Rachxane na nagpatawa sa 'kin.
"Ahy! Grabe ka sa 'kin!"
Napailing na lang ako sa kakulitan nila. Itinutok ko na ang atensyon ko mga topic na itetest namin mamaya.
After ng ilang mga minuto ay dumating na rin sa wakas si Jiro dala-dala ang isang tray. Nasa likod niya ang isa pang tray na dala-dala ng isang staff ng caf.
"Thanks po."
Ngumiti lang sa 'min 'yung staff at bumalik na sa loob.
"So~ Anong pinag-usapan niyo kanina? Rinig na rinig ang boses niyo dun sa may linya." Umupo sa tabi ko si Jiro. Bale nasa harapan naming dalawa sina Jaizy at Rachxane.
"Eh kasi, ganito 'yun..."
At kinwento uli nila ang nangyari kanina.
——**——
"May five minutes pa bago 'yung test. Go Yesha! Go Yesha! Go Yesha!"
"Kaya mo 'yan! Fighting!"
"Meron ka pang 4 minutes and 36 seconds."

BINABASA MO ANG
The KPOP Hater
Fiksi Penggemar✍ Isang babaeng ayaw na ayaw sa kpop. Sino bang hindi aayaw sa kpop kung araw-araw ay puro kanta na ng kpop ang naririnig niya, mapaumaga, mapahapon, at mapagabi. ✍ Pa'no na lang kung may lumipat na isang isang sikat na kpop idol sa paaralan kung sa...