Chapter 12

94 7 0
                                        

[Unedited]

Yesha's POV

Nandito kami sa mall, pinasyal ko siya dito kasi 'di pa siya nakakapunta ni isang mall sa Pinas. Masyado raw kasing strikto 'yung manager niya.

Natawa naman ako. Parang 'di pa siya sanay ah.

"May gusto ka bang bilhin? I mean, do you want to buy something?" Ano ba 'to! Nakakanosebleed!

"Hmmm...nah! Let's just eat." Hinila niya ang isa kong kamay at patakbong pumunta sa food court. Pa'no niya nabuhat 'yung libro?!

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito---mga babae to be exact. Sarap dukutin ng mga mata nila eh tas ilaga sa mainit na tubig.

"May kamukha siya, bes!"

"Pansin ko rin eh."

"Ang gwapo din nun 'noh?"

"Kaya nga. Girlfriend niya kaya 'yun?"

Mga bubuyog nga naman...hindi tumitigil sa kahahanap ng HONEY. Hayyy.

Nakarating na kami sa food court at dali-daling humanap ng vacant seats. Buti na lang napansin niya na kanina paa ko nagugutom.

"What do you want to eat?"

"Hmm...Sisig, Adobo, Fruit Salad, sprite and coke...it should be in can. And then I want three cups of rice." Nakangiti ko sabi sa kaniya. Gusto ko eh!

"Hmm...okay." Tila nanghihinayang na sagot ni Ta-Eh. Weeehhh????!!! Ililibre niya ako?! For real?! Wow! 

Hinayaan kong lumpiad ang isipan ko sa ibang bansa. Tumagal din ng limang minuto ang pamuni-muni ko. 'Pag tingin ko kung saan siya pumila, napansin kong dumami ang mga tao---babae---dun.

Wait...ALA!

Dali-dali akong tumayo sabay buhat nung libro at bag ko papunta dun sa mga babae. Lagot! Nalaman ba nila?! Ma-e-expel na ba ako?! Takte!

Ikaw naman kasi, Yesha eh! Alam mo namang madaming tao ang nandito sa mall, hinayaan mo siyang bumili mag-isa. Bwisit!

"Excuse me...excuse me...excuse me po...makikiraan lang po...PUTEK! UMALIS NGA KAYO SA DINARAANAN KO!!" Sumasakit na ulo ko.

Sinabing excuse me na nga, ayaw pa nila akong padaanin. Mga amp!

"Tss. Papansin."

"Attention seeker."

Tang! Ako pa ang attention seeker! Eh sa hindi ako makadaan eh! Tsaka 'di naman ako humahanap ng atensyon.

Iba ang hinahanap ko.

"Sheesh! Kamukha niya talaga siiiis!"

"Sinabi mo paaa~"

"Ano kayang pangalan niya 'noh?"

"Kaya nga."

Pumunta ako sa kung saan naroon ang dalawang babaeng 'yun.

"Huy! Sino tinutukoy niyo?"

"Anak ng!" Napatakip na lang ang isa sa kanila ng bibig. OA.

"Doon po." Nag-po pa! Mas matanda nga itsura nila kaysa sa akin. Tsk!

Agad kong sinunod sa kung saan siya nakaturo. At ayun nga siya! Hawak-hawak ang isang tray at nahihirapang dumaan sa nagkukumpulang mga tao---babae.

"Uhmm...excuse me." Iniba niya rin ang boses niya para hindi siya mahalata. Berry gowd!

Binantayan ko lang siya kung papaano siya tumakas sa mga 'yun. Mabuti na lang at dumating na rin ang mga gwardiya ng mall na 'to at pinaalis ang mga taong 'yun.

The KPOP HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon