Chapter 1: Third Time

23 2 0
                                    

(Her POV)

Hi -.- Im Heroine Blaze Loyola. He-ro-win Blazz. That's how are you going to pronuonce it. Im called DRUG by some of my friends at sa iba pang nakakakilala sa'kin. At HEROINE, HIME at BLAZE ako sa TATLONG LALAKI na malapit sa'kin. Makikilala nyo sila sa susunod. Tinatamad ako'ng dumaldal ngayon kasi boring yung teacher na nasa harapan. Kasing boring sya nung itinuturo nya.

Kakasimula palang ng lecture nya ngayong araw pero nawalan na ako ng gana.

Lol, lagi ka namang nawawalan ng gana kapag sya yung nagtuturo.

Psh. Sarili ko'ng isip ay kinakausap na ako. Ganun na ako kalala. Pasimple ko'ng kinuha ang notebook ko sa bag ko at ang gel pen ko. Dahil ayoko nama'ng makinig dahil wala rin naman ako'ng maintindihan sa pinagsasabi nya sa harap, iguguhit ko nalang sya. Tsk! Bakit ba pipilitin ang sarili na makinig sa kanya? Dahan-dahan ko'ng iginuhit si Sir Chavez sa harap. Mula sa strikto nya'ng mukha, sa noo nya'ng pwede'ng mag landing ang Choper ni Cadmus, sa kilay nya'ng parang magsusuntukan nya, sa mata nya'ng para'ng...no comment na nga lang, ilong nya'ng...ewan, nasubrahan ata sa tangos-oh laki, sa lips nya'ng laging parang nanggigigil, sa magulo nya'ng buhok na kasing gulo ng utak nya, sa mahaba nya'ng lieg, sa boring nya'ng damit-Lahat! Kinopya ko sya. Di naman ako nahirapan kasi marunong naman ako'ng gumuhit kahit paano.

*TIK!*

Wala na, finish na. Pinag masdan ko ang drawing ko at ng makontento ay isinara ko ang notebook ko at nag de quatro sa upuan ko. Kasabay naman nun ang pagkatapos ng diskusyon ni Sir Chavez.

"May natutunan ka naman ba, Loyola?" kung minamalas ka nga naman oh.

"Ehem!" tumikhim ako bago ako pa chill na umupo at inilagay ang kamay ko sa likod ng ulo ko. "Bakit naman po wala? Natural na may matutunan ako. Kasi nakinig ako."

"Natutuwa ako'ng marinig iyan mula sa'yo Loyola, kung tunay man yang sinasabi mo."

Heh! Mukha mo'ng bugnutin ka. Lagi nalang ako ang nakikita mo sa klase'ng to. Napanatag ako nung ialis nya sa'kin ang paningin nya, feeling ko kapag wala sa'kin ang paningin nya ay malaya ako. Tsk! Malala na nga ako.

"Sir, magaling po'ng gumuhit si Drug!"

That made me stiff. Nilingon ko si Cruz sa gilid ko.

"Opo!" tango nya pa. "Diba Drug?"

Sinamaan ko sya ng tingin at ibinaling ang tingin ko kay Sir. Inaasahan ko'ng nakakunot ang noo ni Sir ngayon, at dahil hindi paasa si Sir, ganun nga ang nakita ko.

Humanda ka sakin Cruz. Pinakialaman mo na naman ako.

"Ehem!" tikhim ko ulit.

"Hindi arts ang Subject ko Loyola!" ayan na! "Math ito!"

"Alam ko naman yun." Bulong ko pa.

"Sumasagot kana naman!" ow-shit! Narinig nya! Ibig sabihin, hindi pa sya bingi! Kelangan ko'ng mag ingat.

"Kahit kailan ay hindi kana nagbago! Ginuguhit mo parin ang mukha ng mga guro mo!" *BOG!* ibinagsak nya ang kamay nya sa lamesa nya. "Akin na ang notebook mo!"

"Aanhin mo?" Kukunin na naman nya. Tsk!

"Nag tatanong kapa! Akin na!"

"Malay ko ba kung ano ang gagawin mo sa notebook ko? Mamaya baka balak mo'ng ipa frame ang drawing ko. *smirk*"

Nagtawanana naman ang nga abnormal ko'ng ka klase. Ano kaya'ng nakakatawa don?

"AKIN NA!"

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon