Chapter 5

5 0 0
                                    

Drug's POV

Dito natulog si Akira kagabi at maaga namang sinundo ni Ashton para ihatid kung saan. Siguro ay may kung anong misyon na naman ang isang yun.

Kasalukuyan ko naman ni liligpit lahat ng gamit ko sa maleta na dala ko. Diko pa nasabi na may tatlo akong maleta na dala at isang back pack. Psh May iisang maleta na sobrang bigat. I wonder ano ang laman neto?

Tumayo ako mula sa kama at dinoble check ang mga sulok ng kwarto baka may naiwan ako.

Ng masiguro kong wala ay lumabas ako at pumunta sa main desk para i settle ang bayarin ko. Maingat kong ginawa yun, di natin alam baka ay may sugo si Lorcan dito at basta nalang akong mahuli. Nalintikan na!

"Thank you for staying here Ma'am. Our crew is ready to help you in terms of needs."

Nginitian ko ang casher at lumakad kasunod ko ang hotel crew. Magpapatulong lang ako para ibaba ang mga maleta ko.

"Eto po. Paki tulungan po ako."

"Sige Maam." sagot nya at hinila ang dalawang mabibigat na maleta. Sumunod naman ako sa kanya at ang magaan lang ang dala ko.

Maaga pa at kakapatak palang ng alas syete. Diko na patatagalin ang pag papalipas ko dito sa hotel nato gayung maybahay na naman na ako na matutuluyan. I am so thankful to Akira.

Maluwag ang loob ng elevator dahil maaga pa at wala pa masyadong nagamit dito. Pinindot na kaagad ng Crew ang ground floor button at mabilis naman nag sara ang elevator. Dahil walang naging sagabal ay mabilis naming naabot ang ibaba. Lumabas kami ng crew at hinatid nya ako sa labas mismo ng hotel.

"Kuya, salamat ho ah?" Dumukot ako sa bulsa ko ng limang daan at iniabot sa kanya iyon. "Iyo na po."

"Naku Maam. Hindi na ho kailangan. Gawain ho talaga namin ang tulungan ang aming client."

"No, tanggapin nyo na po. Isipin nyo na lang na hindi ako kliyente at isa akong anak mo." Medyo may katandaan na kasi itong si Kuyang Crew. "Tanggapin nyo na Tay."

Nahihiya nya naman iyong iinabot at iniabot ko naman ang callimg card ko. "Tawagan nyo po ako kung kailangan nyo ng trabaho." Saad ko at nginitian sya.

I could give him job. A regular job. Alam kong umiextra lang sya sa hotel na yun dahil sa narinig kong usapan kanina ng casher.

Hindi naman sa chismosa ako pero narinig ko lang talaga.

"Salamat po Maam. Pagpalain nawa kayo. Mauna na po ako. Mag iingat kayo."

"Salamat po Kuya."

Tumalikod sya sakin at mabilis na naglakad pabalik sa loob.

Saktong pag harap ko sa daan ay may humintong taxi.

"Miss, saan pa tayo?"

Iniabot ko sa kanya ang kapiraso ng papel na ibinigay ni Akira kagabi. "Dito po sa address nato."

Bumaba sya sa taxi at tinulungan akong ikarga ang mga dala ko. Mabilis naman akong sumakay pagkatapos at nagsimula na ring mag drive ang drive.

*Sigh*

Ano na kaya ang nangyayari sa bahay? Okay lang kaya si Briezl? Kahit kailan ay hindi ko maintindihan kong bakit laging nag aaway sina Lorcan. Nagsimula narin akong mag taka kung bakit hindi kami magkahawig ng mukha ni Klean. I mean, magkahawig kaming tatlo, Calix, Bullet and me. Pero si Klean ay para bang kay Lorcan lang nagmamana. Minsan ko na ring naisip na baka iba ang ama namin at hindi si Lorcan. May maraming mga tanong sa isip ko at wala akong ideya kung kailan ito masasagot lahat. Hindi ko man lang malaman ang bawat sagot sa maliliit na bagay na gusto kong malaman. Masyadong misteryoso para sakin ang pagkabuhay ko.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon