"The Last Time"
(DRUG'S POV)
"Wag na wag mo'kong pag taasan ng boses! Anak lang kita!"
"Anak?!" tumawa ako. "WOW! Kelan pa? Bat diko dama?" tiningnan ko sya sa mata ng walang emosyon kahit gusto ko'ng umiyak na. "Ya'ng sobre'ng yan, galing yan sa magaling mo'ng Brother-in-law. Pinatawag na naman ako dahil na galit syang ginuhit ko sya. Kinuha na nga ang notebook ko, kinumpara pa ako. Nag kasagutan kami at yan...yan ang kinahahantungan. Pumunta nalang kayo don bukas nga marinig nyo ang iba nya pang mga pahaba---" *SLAP!* sa kabilang pisngi naman ngayon. Sure ako'g nagmumukhang siopao na ako nito dahil sa pamamaga ng pisngi ko, panigurado. Natahimik ata si Briezl?
"This is the third time this month na napatawag ka sa school dahil jan sa ugali mo!" Ugali ko na naman. "Last week napatawag ka dahil sinuntok mo ang anak ng Principal, tapos ngayon eto? And then what's Next?!"
"Makaksapak ako ng guro." sagot ko sa tanong nya.
"Don't talk back!" Abnormal talaga. Edi don't. "Bakit ba ganyan ang ugali mo?" Alam ko na kung saan papunta ang usapan nato. "Bakit ang layo ng ugali mo sa kapatid mo?!"
There...the main issue.
"Bakit hindi mo sya gayahin?""Sino?" tanong ko.
"Ang ka---"
"Si Ate Klean?" yan ang pangalan nya. "Si EXILE KLEAN LOYOLA na SALUTATORIAN nung elementary at highschool? Si EXILE KLEAN LOYOLA na LAGING 90% ang GENERAL AVERAGE nung nag aaral pa? Si EXILE KLEAN na may ISANG BOTIQUE na ngayon?" tumawa ako ng mapakla, "HAH, bakit hindi ko sya gayahin? Kasi may sarili akong pamamaraan na alam ko! Hindi ako naka dipende sa inyo! I am independent! I can go to graduations na wala kayo! Umaakyat sa stage mag isa dahil walang magulang na umi escort tuwing graduation! Tumatanggap ng award na walang moral support galing sa inyo! Nakikipag laban sa sports ng walang cheers galing sa inyo! Pumupunta sa school tuwing family day kahit wala kayo! Pero nagreklamo ba ako? Hindi." I breathe deeply. "Hindi ako nag reklamo kasi iniisip ko na baka busy lang kayo sa trabaho nyo. Kailangan nyong kumita ng malaki para mabigyan kami ng mga kagustuhan namin, na kailangan kayo ng kompanya. Yan ang iniisip ko noong bata palang ako! And as I have observed mula ng makaintindi na ako sa nangyayari sa paligid ko, na laman ko'ng hindi lang pala talaga ako ang priority nyo." Di ko malaman ang nasa dibdib ko, mabigat, gusto ko'ng ilabas, gusto kong umiyak pero hindi ko gagawin yun! "Wala kasi ako sa puso nyo ehh. Wala kami."
"Drug..." pinigilan ko si Briezl sa pag hakbang palapit sakin at umatras ako.
"Alam nyo kung bakit ko nasabi?" Tanong ko. "Ganto yun ehh," nag isip ako saglit. "isang hapon, umuwi ako ng bahay na dala ang papel ko sa Math, wala'ng check yun. Zero ako, in short, nung na uwi kayo galing trabaho, syempre, kasama nyo si Ate, sinusundo nyo ehh." pilit kong pinasaya ang boses ko. "Sinalubong kita," tinuro ko sya. "Lorcan, magpapabuhat sana ako sayo pero sabi mo, masakit katawan mo. Inintindi ko yun, pero ang hindi ko maintindihan ay, yung binuhat mo Si Ate papunta sa kwarto nya." napakunot noo naman si Lorcan sa narinig nya. "Hinayaan ko na kasi baka mapagalitan moko sa kakulitan ko. Nung maka labas ka ng kwarto ni Ate, sinalubong uli kita, sabi ko sayo, mag papaturo ako sa Math. Alam mo ano'ng sinabi mo nun?" timanong ko ulit sya, at namintana ang mga luha sa mata ko. "Sabi mo, 'Gawin mo'ng mag isa yan! Marami pa ako'ng gagawin, wag ka'ng istorbo at itututor ko pa ang Ate sa Lectures nya.' yan, yan yung sinabi mo." tumikhim ako para mawala ang luha sa mata ko. Hindi ko pinatulo yun. "Mula nun, dina kita kinulit, kayo. Hinayaan ko na kayo, at dun ako natuto paano tumayo sa sariling paa ko. Sa tulong ng mga Kuya ko."
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
De Todo"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...