Someone's POV
"Bakit MO hinayaang makatakas sila?!" Bulyaw nya sakin na galit na galit dahil sa nangyari.
"I told you already about it! Hindi maganda ang kombinasyon ng dalawang yun! They are both smart and alert! Madali nilang nagagawan ng plano ang isang bagay na nakakapag ipit sa kanila!" Ganti ko naman ng bulyaw.
Aba'y hindi maganda kung ako na lang ang lagi nyang nasisigawan. Napagutusan lang ako sa bagay na to.Dapat makaganti rin ako kahit isang beses lang.
"Then kill Fortalejo!"
Napatawa ako. "HAHAHA" Ikinainis nya lalo ang pagtawa kong yun. "Akala mo ganun ka dali yun? Ganun kadali patayin ang Right Hand ng Headmaster ng LYLs?"
"Naduduwag ka lang!"
"Why don't you try it yourself so you can see if I am really just a coward?"
*Bog!*
Natahimik pagkatapos nyang ipalo ang palad nya sa mesa na nasa pagitan namin.
"Kill no matter what!" Sabi nya at nag walk out.
Tanga talaga. Opisina nya, sya pa nag walk out.
Tsk. Ayoko naman nitong boring nyang opisina kaya lumabas na rin ako.
Cadmus Rae's POV
"San ba kayo galing kanina at hindi kayo nakasunod?" Tanong ko kay Raven.
"Sinundan din kami kanina kaya tinapos muna namin kaso nakita namin kotse nyong pauwi na dito kaya umuwi narin lang kami." Di ako sumagot.
Sino kaya ang tiningnan ni Heroine kanina?
Sabi nya kasi pogi, hindi ako nagseselos ha. Im just curious. Naisip ko kasi, kung pogi ang nakita nya edi sana nagkikilig kilig sya. Pero hindi eh. It looks like she is confused based on her reaction.
Kanya kanya kaming upong anim sa sofa at sina Raven at Cruz naman ay kanya kanyang hilata.
"Pwede naba naming bisitahin si Drug sa bahay nyo?" Maya mayay tanong ni Cruz.
Napalingon ako sa kanya at tumango. "Pwede naman na. Magingat lang kayo sa kilos nyo at ipaalam nyo muna sakin kung dadalaw kayo."
"Sige. Salamat." Hindi maipagkakaila na madaling nagkasundo ang grupo ko at ang grupo ni Heroine. Maloko rin kasi sila pero pinapahalagahan nila si Heroine. And I don't think they can betray her.
"Edi pwede narin kaming pumunta don?" Raven.
"Sabi nino?"
"Ihhhhhhhh!" Maktol nya at nagsisipa sipa.
"Ano ba!!?!" Reklamo ni Lavi na syang nasa panan nito.
"Bakit sila pwede?!" Turo nya sa tatlo. "Bakit kami hindi?" Turo nya sa sarili. "Anper!"
"Tangina." Mura ko at tumayo. "Tumahimik ka jan. Sa apartment ako matutulog ngayon kaya isara mo yang matabil mong bibig."
Rinig ko pa syang nagrereklamo bago ako umakyat sa opisina ni Bullet.
"Report." Tangina talaga. Walang paligoy ligoy ay umupo at nagsimulang magkwento. Mula pag alis hanggang sa pagtapos namin sa ga kotse.
"Hindi ba sya nasaktan?"
"Hinde." Hindi ko na sinabi ang bagay na kamuntik nyang tamaan nga bala.
"Whos car are you using?"
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
Random"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...