Chapter 12: Unexpected

1 0 0
                                    

Cadmus Rae's POV

I wonder if she's already asleep. It's eight in the evening. Naka higa ako sa kama at nakatitig sa wall clock sa gilid. Hinihintay ko ang signal para umalis. May kailangan akong puntahan ngayong gabi.

Diko parin lubos maisip kung paano ko nagawa ang bagay na yun kanina, I entered Heroine Blaze's teritory at ngayon ay dito na ako titira. Sa isip ko ay napaka imposible ng bagay na yun. Knowing that she is Bullet's sister, baka nasa gate pa lang ako ay nasipa na ako palayo. But the opposite happened, andito ako at dito na ako titira. Kasama sya sa iisang bahay. Living like we own the world, living like married coup--Ehem!? What am I thinking? Tsk, lumalala na ako. Kailangan ko na atang mag pa check up sa puso at bumisita sa psychiatris. Psh

Tumayo na ako at nayos ang suot kong jacket, sinuot ang sombrero at kinuha ang selpon kong nag riring. It's time. Sana lang ay tulog na ang isang yun.

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumilip. Patay na ang ilaw sa kwarto nya. I slowly step out and close the door silently. Hindi nya dapat malaman na aalis ako ngayong gabi. Ang sabi pa naman ni Bullet ay mahilig syang sumama sa mga gantong lakad.

Nang mapansin kong tulog na talaga sya. Agad akong bumaba sa sala at lumabas ng bahay. Naka hinga ako ng maluwag at tahimik na inakyat ang bakod. Nasa unahan ang sasakyan ko, KO! Dahil akin yun. Ipinarada ko kanina sa malayo dahil kanina ko pa talaga planado itong bagay na to. Hindi naman pala gaano kahirap lusutan ang isang Heroine Loyola.

"You're a minute late." Napa talon ako ng may magsalita.

Nakita ko syang naka upo sa motor nya at nakatingin pa sa smart watch nya. Tsk Para one minute eh.

"Sinigurado ko pang sarado lahat ng parte ng bahay na pwedeng daanan." Pagsisinungaling ko. Nag sisinungaling din naman ang katulad ko.

"Tsk. Tara na. Baka wala na tayong abutan." Na una syang sumakay sa motor nya ako naman ay agad na sumakay sa sasakyan ko.

Bakit nga pala andito to? Dapat sy nandon na sya dahil sya ang nagpa tawag ng appointment na yun. Tsk

Napailing na lang ako. Magkapatid nga pala sila.

"Bakit andito ka?"

"Sinundo ka. Alam kong malelate ka na naman." Napa iismid ako. Ang sama nya namang kaibigan.

"Para one minute eh. Ikaw nga, dapat nandon ka pagsimula nun. Ikaw nag pa tawag ng appointment eh."

Hindi sya sumagot. Instead, tinaasan nya lang ako ng gitnang daliri nya. Baliw! Ano ba konek nun?

Binilisan ko ang pag drive ko at iniwan sya. Makakahabol din naman yun. Yun pa? Tsk

Nasa kalagitnaan ako ng pag dadrive nang mag ring ang aking selpon.

Cydhea...
Calling...

"Yes?" Pagsagot ko sa tawag.

[Baby, I missed you.]

"Im on my work Dhea." Malamig na sabi ko sa girlfirend ko. Yes, girlfriend ko.

[Work na naman Rae? Lagi kana lang nag tatrabaho. Hindi mo na nga ako nasusundo sa paaralan. Hindi mo na ako dinadalaw sa bahay. Hindi kana nag papakita sa akin Rae dahil sa pesteng trabaho mo'ng yan!]

[Alam mo? Nakakasawa na Rae! Lagi nalang trabaho! Can you atleast give me some of your time? Sawa na ako sa ganito Rae. Pagod na akong intindihin ka!]

Hinayaan ko syang magdada sa kabilang linya habang naiirita na ako sa boses nya. Tinawag nya ako sa pangalan ko bago ako sumagot.

"Tapos kana?"

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon