Drug's POV
"Pinapasabi ni Rae na may kakausapin lang daw sya saglit." Sabi nung isang lalaki na may pulang buhok.
"Diko naman sya tinanong."
"Eh pinapasabi eh!" *pout*
Hinayaan ko na lang sya don at nanonood ng videos sa cellphone ni Cadmus Rae na sosyal. Hiniram ko kasi diko matandaan ang akin. Naiwan ko ba sa bahay oh naiwala ko. Wag naman sanang mawala."Okay kana ba, You---Drug?"
Pinause ko muna bago sya tiningnan. "Okay naman na. Siguro. Tatlong araw nadin naman na ginagamot nyo ko." Saka maigagalaw ko naman na ang mga braso ko. "Eh sina Ashton ba?"
"Yung mga kasama mo, nasa opsital. Don ginamot. Stable naman na. Nagsapakan na nga yun kahapon eh." Nagsapakan?! Gago talaga ng mga yun! "Sabihin mo nalang kay Rae kung gusto mong dumaan don mamaya."
"Ano nga ulit yung pangalan mo?" Sinabi nya kahapon yung pangalan pero nakalimutan ko. ^_^
"Raven Jaive Santos :) "
"Ahh. Pwede ba'ng RJ?" Kinamot nya naman ang ulo nya. Ayaw nya ba sa RJ? "Okay lang kung ayaw mo, Santos nalang itatawag ko sayo. :) " Natigilan naman sya sa sinabi ko. Bakit ba parang ayaw nya parin? *Pout*
"Ehehe ^_^ Okay lang, Drug."
Okay, yun naman pala eh. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa cellphone ni Cadmus Rae.
"Drug, gusto mo?" Alok nya sa mansanas na kinakain nya.
Agad naman akong umayos ng upo at itpinatong sa hita ko ang cellphone. "Penge!" Nilahad ko pa ang kamay ko.
"HAHA Easy! Ikukuha kita." Pinag slice nya ako ng mansanas ng bilang bumukas yung pinto ng tree house ko.
"Santos, what are you doing?" Si Kuya'ng-Face-Mask!
"Uhhh. Pinagslice sya ng mansanas kasi gusto nya." Sagot nya habang subo yung mansanas.
"Really?"
"Oo naman, Boss!" Mabilis naman na sagot ni Santos. "Hehe ^_^ "
Bakit parang takot sya kay Kuya'ng-Face-Mask? Bakit Boss tawag nya?
"Matagal pa ba yan, Santos?" Kamot ulo kong tanong.
Paborito ko kasi ang mansanas eh.
"Eto na, oh, Drug." abot nya sakin ng plato na may hiwang masanas at may Honey.
Yeah! Bakit hindi man lang ako inalok ni Cadmus Rae kanina?
Naka nguso ko itong inabot at kumain naman ako. "Gusto mo, Kuya?"
Ngumiti si Kuya'ng-Face-Mask sakin nung inalok ko sya. Nakatingin parin ako sa kanya dahil hindi naman lang sya umiling at tumango.
Bakit pamilyar yung mata nya?
"Kamusta kana?" tanong nya habang umuupo sa tabi ko.
"Ayos naman na ako."
"Yung mga sugat mo?"
"Ayos na din naman. Nililinis nila."
"Hindi kaba ginugutom?"
"Oy! Grabe sya oh! Hindi ginugutom ni Rae yan!" Biglang sabat ni Santos kaya sinamaan namin sya ng tingin.
Tao'ng to, nakikisali sa usapan. Nailing nalang ako ng inilihis nya ang tingin nya at sumipol sipol.
"Hindi naman" Kumagat ako ng isa. "Pinapakain ako lagi ni Cadmus Rae."
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
Random"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...