Drug's POV
Ano ba'ng ginagawa nya dito? Sapat na ang pag sulpot nya'ng bigla sa buhay ko. Inaasahan ko na huli na naming pagkikita kanina at ganun din kay Raven. Pero sa tingin ko ay nagkakamali ako. Heto sya ngayon sa bahay ko, sa sala to be exact. Prenteng naka upo sa sa sofa at naka de quatrong nanunuod ng TV.
Napa irap nalang ako sabay buntong hininga. He is acting like he owned my house. Damn this Cadmus Rae! Paano ako makakalabas ng bahay ng malaya kung andito sya para bantayan ako? Kung babantayan nya nga talaga ako. Pero ano pa nga ba ang rasong kung bat napa dito sya at may dala pang mga bagahe? Baliw na ata ang iisang to. How did he even know my address? Sinabi siguro ni Raven! Madaldal talaga ang isang yun!
"Hey! Can you atleast talk to me?" Binalingan ko sya at nasa akin na ang tingin nya. Sinalubong ko lang ang tingin nyang iyon at hindi ako nag salita.
"Atleast a word."
"A word."
"Psh... Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang to? Magkaugali talaga sila. Tangina." pabulong bulong. Rinig ko naman! Tangina nya.
"Ano ba ang ginagawa mo dito sa bahay ko?" Wala naman sigurong masama kung magpakatotoo ako sa kanila. I'll just try.
"I just want to be with you."
Parang nasamid ako sa sarili kong laway sa narinig ko. Aware ba sya sa sinasabi nya?
"Ano?"
"Wala." Bahagya syang umayos ng upo at sumulyap sakin. "Just go with the flow. Asahan mong hindi ako makakasama sayo."
"Siguraduhin mo lang." Tumayo ako at dumiretso sa kusina.
Kumuha ng tubig sa ref at ininom yun. Lumabas ulit ako sa sala at dumiretso sa labas ng bahay.
Kailangan kong alagaan ang bahay na ito ni Akira. Lalo na ang mga halaman nyang ito. Alas quatro pa lang at lilibangin ko na muna ang sarili ko sa pag lilinis dito. Mamaya nalang ako mag luluto.
Kailangan ko pa palang makipagsundo kay Cadmus tungkol sa mga gastusin sa bahay at sa trabaho. Ampangit naman kung ako lang yung nagtatrabaho. Tsk!
Umikot ako sa may likurang parte ng bahay upang mag hanap ng walis ting-ting at luckily may nakita naman ako. Tatlong walis ting-ting yun.
May maliit na kubo dito---mas maliit pa pala sa kubo. Mukhang storage room ng mga kagamitan. May mga farm tools, at iba pa. May nakita pa nga akong steel ladder.
Bumalik na ako sa harapan ng bahay na may mga tuyong dahon mula sa punong kahoy sa may gilid ng bakod. Dahan-dahan ko itong winalis.
Nakakapagtaka kung bakit sa harap mismo ng bahay gumawa ng garden yung si Akira. Kahit kailan ay magulo ang isip nya. May naririnig na akong ingay mula sa mga batang nag lalaro sa bakanteng lups sa harap ng bahay namin. May mga nagtitinda na naman. Katulad nung nakaraang araw. Natukso akong bumili kaya binilisan ko na ang ppag wawalis at agad isinauli ang walis at ang hose naman ang kinuha ko. Pinagdidiligan ko ang mga halaman. Alas qutro y media na pala mag aalas synco na, kung hindi ako napa tingin sa relo ko ay hindi ko na mamalayan ang oras. Nagpunas ako ng pawis sa aking noo at isinauli na rin ang hose at sinara ang gripo.
Parang gusto ko'ng kumain ng barbeque.
Nadatnan kong wala ng tao sa sala kaya binalewala ko ito at umakyat sa kwarto ko. Nagtagal pa ako ng ilang minuto dahil nanuod pa ako sa monitor, saka nag bihis ng simpleng damit at kumuha ng pera sa wallet at lumabas.
Nasaan kaya ang lalaking yun? Bahala nga sya kung nasaan sya at ano ang ginagawa nya. Tsk
Agad akong lumabas ng bahay at iniwang bukas ang maliit na gate.
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
Random"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...