Chapter 10: MOVE

1 0 0
                                    

Drug's POV

"Bakit alam mo yung bahay ko?" Taka kong tanong ng diretso nyang tinahak ang daan ng bahay ko.

"Alam ko lang."

*sigh*

Kailangan kong mag ingat sa kanila. Bigla ko lang silang nakilala, kahit sa ganung sitwasyon ko sila nakilala ay hindi arin dapat ako mag tiwala ng buo.

Ika-ika akong bumaba sa kotse na ipinasok nya sa garahe. Sya naman ay sumunod dala ang mga gamit na pinamili namin.

"Ano nga pala yung favor mong hihilingin Master?"

"Uhhh." Binuksan ko ang maindoor at pinapasok sya. "Ipapakabit ko sana sayo ang mga wireless cameras sa mga poste ng ilaw sa daan papunta dito." Kung okay sana ako ngayon ay ako na ang kakabit, pero kasi ni hindi nga ako maka ayos ng lakad eh. "Kung Okay lang sayo."

"Aysus! Yung lang ba Master? Kaya ko na yun." sagot nya. "Ilang kilometrong layo mula dito ako magkakabit?"

"Tatlong kilometro North at tatlo ring South."

"Ariglado! Ako na rin ang aayos sa pag connect ng mga devices nato pagkatapos ko----"

"Tao po! CVL Delivery, para kay Mr. Raven Jaive Santos."

Pareho kaming napalingon sa may gate ng dumating na yung nag deliver ng computer set at monitor. Mautak rin tong si Santos, pangalan nya ang ginamit.

"Ako na po."

Tumango ako at palihim na sumilip sa maliit na bintana katabi ng pinto. Inihanda ko ang baril ko. For safety lang naman.

"Salamat ha? Ito tip ko na sayo."

"Salamat po, Sir. Baka gusto nyo po'ng ako na ang mag install ng set?"

"Ah. Hindi na, kaya ko na ito. Salamat na lang ulit."

"Sige po. Kayo ang bahala."

Nagtanguan silang dalawa at pabalik na si Santos dahil umalis na rin ang CVL Crew. Ibinalik ko sa safe mode ang baril at nakita yun ni Raven.

"Oy? Ano yun Master?"

"For safety lang." sabi ko at ibinalik yun sa gun pocket sa tagiliran ko. "Ako na ang mag iinstall nyan." Hinatid nya naman sa loob ng kwarto ko ang set. "Jan mo na lang ilagay." Turo ko sa kama.

"Sige po. Kukunin ko nalang yung mga Cameras at ikakabit ko na, tawag-tawag nalang tayo kung ayos ba."

"Sige. Mag ingat ka, Santos."

Tumango sya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Dumiretso sya sa sala at ako naman sa kusina. Magtatanghali na, magluluto na muna ako.

"Pagamit ng sasakyan Master!"

"Sige lang. Gamitin mo lang!"

Rinig ko amg bukas-sara ng pinto at kahit nahihirapan ay minabuti kong mapadali ang pagluto ko. Kinuha ko agad ang mga gulay na nasa ref. At iniready ito. Mag gugulay na muna ako since  gutom na ako at matatagalan ako sa pagluluto kung karne. Mahirap man ay binilisan ko ang kilos ko dahil may trabaho pang naghihintay sa kin.

Palaisipan parin sakin kung sino sina Raven sa buhay ko. Bakit sila sumupot nung panahon na yun? Anong purpose nila?

Nakakunot ang noo ko habang nag luluto. Trying to figure things out.

Madaling naluto ang mga gulay kaya. Iniwan ko muna ito sa kusina at umakyat sa kwarto ko.

Kailangan ko'ng mag ingat sa mga tao sa paligid ko. Sa kaso nina Raven, mapagkakatiwalaan naman sila. Si Cadmus lang ang parang may atittude problem at may dalawang misteryoso. Laging naka face mask, at pamilyar ang mga mata. Para bang nakita ko na ito dati at minsan na akong tiningnan ng mga mata na iyon.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon