Chapter 6

6 0 0
                                    

Ashton's POV

"Ang damot mo talagang kingina ka!"

"Madamot?! Ako?! Gago kaba? Haa? Wala nga ako'ng answer sa letcheng assignment na 'yun eh!"

>.< Kung sasabog lang yung tao sa irita siguro kanina pa ako sumabog. Kanina pa kasi ako naiirita sa dalawang to.

"Sus! Kung alam ko lang sana hindi na kita minahal." :'

"Ano'ng ka OA-han na naman yan, Cruz?" tanong ko ng umarteng paiyak.

"Eto kasi'ng bitwin nato, ayaw magpa kopya ng assignment sa Philosphy." Sagot naman niya.

"Wala nga ako'ng assignment na nagawa diba? Tigas rin ng bungo mo'ng gago ka." kunot noo namang sagot ni Jax.

Pareho silang gago. At masakit ang ulo ko palagi kapag sila ang kasama ko. Kinuha ko ang papel ko sa bag at binigay sa kanila yun.

"Oy! Ako na mauna, Jax Kieffer." halbot ni Neron sa papel ko.

"Ayusin mo yang papel ko'ng gago ka. Nakikikopya na nga lang." suway ko. "Kinginang to."

Natahimik naman ang dalawa. Tsk Bakit ko ba sila kaibigan? Nasa canteen lang naman kami naka tambay kasi wala pa nama'ng oras para sa unang subject sa hapon.

"Puntahan kaya natin si Drug?" napatingin kaming pareho ni Jax kay Neron ng sabihin nya yun. Kagat nya pa ang ballpen nya.

'Tanga talaga sya.'

"Gago kaba?"

"Ano na naman?" inosenteng sagot nya. "Nagsa-suggest lang yung tao eh!"

"Tao ka pala?" ani Jax na ikinatawa ko.

"Saksakin kita ng tinidor jan." napipikon namang saad nung isa. "Gago'ng to."

"Hindi muna sa ngayon. Masyado pa'ng dilekado ang panahon, hindi natin alam baka pati tayo ay pinaimbistigahan na ng Papa ni Drug."

"Kung sabagay." sang ayon niya. "Pero pwede naman siguro tayong makipagkita sa kanya diba?"

"Oo, pero patago nga lang."

Natahimik kaming tatlo at nang buntong hininga.

Kung alam ko lang sana ang lahat at hindi ako naguguluhan sa mga nagaganap ay malamang may matino na kaming nagawa para sa kaibigan naming yun. Na udlot ang plano namin ung nakaraan dahil sa katarantaduhang nagawa nitong si Jax. Tsk kelan pa kaya ulit namin magagawa yun? Ayos na sana yung plano eh. >.>

"Ano'ng tingin yan haa, Sandoval?" napansin pa talaga.

"Tingin ng gwapo ito Star."

"Tsk! Tumahimik nga kayo, nasusuka ako sa pagmumukha nyong dalawa." -.- Pareho kaming napatingin ni Jax kay Neron ng sabihin nya yun kaya ngumiti syang labas ngipin. Sinamaan lang namin ng tingin saka tumayo.

"Tara na nga lang! Nakakabobo to'ng isang to."

Natatawa kaming tumayo para sana bumalik na sa klase namin sa hapon ng harangin kami ng isa'ng lalaki'ng may malaking katawan.

"Sumunod kayo sakin at kakausapin kayo ni Mr. Lorcan." sabi nya.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagtanguan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa upang i message ang dalawa. Ng masend ay muli kaming nagtinginan at diretsong sumunod sa BG ng Papa ni Drug. Biglang ng vibrate ang cellphone ko at nagtaka... Isang unknown number.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon