Drug's POV
Nakaupo ang lahat, nakatutok sa kani-kaniyang laptop. Tahimik at nakikiramdam lamang sa paligid kung saan at sino ang magsisimula ng diskusyon.
"Ehem." Tikhim ni Bullet.
"Kelan kapa may ubo?" Tanong ni Calix. Tsk! Nilingon sya nito at sinamaan ng tingin.
"Do you know who's your enemy, Heroine Blaze?" Napatunghay ang ako at nagbuntong hininga.
"For now, si Lorcan pa lang." Nagtipa ako. "I have a list of names here but I can't clearly identify who are the enemies."
Agad naman nilang pinasok ang system ng laptop ko at tiningnan ang sinasabi ko.
Si Cadmus naman sa tabi ni ko ay may tahimik lang at nagtatype din.
Di naman siguro to naglalaro.
"Where did you get this?" Tanong ni Bullet sa'kin.
"Kasama yan sa maletang dala ko nong uumalis ako." Nagtype ako ulit at hinanap ang file kung saan naroon ang iba pang listahan. "At meron pang ibang listahan na iniwan si Lolo. Companies, businesses and such, na sa tingin ko ay kanyang iniwan sa mga taong pinagkakatiwalaan sya. At ang iba ay kailangang bawiin."
Napaisip ako, hindi ko pa kilala kung sino ang kalaban sa hindi. At dapat kong kilalanin ito sa lalong madaling panahon.
"Sa listahan ng mga pangalang ito, isa pa lang ang alam kong matatawag kong mapagkakatiwalaan." Napatingin ang lahat sa kanya. "Clarysxa Eden Prod... This name, I know she can help us."
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Calix. "I mean, that listed names are just names, no descriptions and such. Paano mo nalaman na pwede mo syang mapagkatiwalaan at makakatulong sya sayo?"
"That's true, hindi ka dapat na masyadong magtiwala lalo pa't hindi mo kilala ang mga kalaban mo." Sang-ayon ni Raven na nagkakamot ng kilay.
Lihim akong napailing. Pinasok ang website ng MA City, naghanap ako ng imoprmasyon tungkol sa pangalan na yun.
Clarysxa Eden Prod
'Shit!' Mura ko sa isip ng makita ang resulta.
"This girl, I know her." Turo ko sa files na lumabas sa screen ng laptop ko. Paano ba alo hindi maguhulat eh kilala ko ito at minsan ng nakausap. "Nakatira sya sa Eylougue at kapit bahay namin sya."
Nagkatinginan kami ni Cadmus ng makahulugan at hinarap nya ang laptop nya sakin.
"I did also look at her files and found some of your propreties in her." Sabi nya. "She also was the secretary of the Late Headmaster and Maximus' good friend." Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa laptop ko.
"At nasa kanya lahat ng kailangan ko pang malaman." Saad ko.
"Oo at sa kanya magsisimula ang lahat." Cadmus.
"Anong ibig nyong sabihin? Kayo lang atang dalawa ang nagkaintindihan jan eh." Kamot ulong reklamo ni Neron. "Baka naman."
"Right." Simula ko. "Sa listahan ng mga pangalan na iniwan ni Lolo, ang pangalan nya lang ang may location na naka lagay. Kaya naisip ko na baka gusto ni Lolo na hindi ako mahirapan kung ano ang una kong gagawin kaya naglagay sya ng hint."
"Paano kung kabaliktaran ang mangyari?" Napatingin ako kay Bullet ng seryoso. Sinalubong ko ang tingin nya at nagsalita.
"Pwedeng lagyan ni Lolo ng location lahat ng pangalan na ito base sa lugar na tinitirhan ng mga ito seven years ago." Ako.
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
Random"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...