Chapter 15: Day One

0 0 0
                                    

Drug's POV

"Susunduin kita mamaya Heroine."

"Pangatlong sabi mo na yan, Cadmus." Papunta na kasi kami sa Acosta Village. Hinatid nya ako, ayaw nya raw akong mag maneho. Tsk Saka mamaya daw ay susunduin.

He chuckles. Baliw talaga to!

"Gusto ko lang ulit ulitin para dimo mkalimutan."

"Sa ginagawa mo ay baka makalimutan ko yan."

"Don't you dare, Heroine Blaze!" Heroine Blaze. Ang ganda pala talaga ng pangalan ko. "Hintayin mong sunduin kita."

"Oo na!" Sagot ko para matahimik na.

Naging tahimik na ang byahe namin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas para maka bisado ko ang daan. Hindi naman kasi araw-araw akong ihatid-sundo ni Cadmus. Busy din kasi ang isang to.

Kagabi, pinakialaman ko ulit yung mga gamit sa loob ng mga maleta. Balak ko pa sanang ipakita yun kay Cadmus pero, hindi na muna. Baka sa susunod, ayoko namang sarilihin ang mga ganung bagay. Ano pa't may kasama naman ako sa bahay. Isa pa, aminin ko man o hindi. Alam kong buo ang pagtitiwala ko sa isang to kahit hindi ko pa sya lubusang kilala.

"Nga pala, Heroine." Binalingan ko syang seryosong nag dadrive. "Balak mo bang mag aral ulit?"

Oo nga!

"Hindi na muna siguro ngayon. Alam mo naman ata ang sitwasyon. Tsk " Inirapan ko sya.

"Oo nga. Pero may alam akong school na malayo sa kabihasnan. Yun bang hindi alam ng karamihan na may ganun palang school?"

Meron bang ganun?

"Talaga? San yun?"

"Mamaya nalang natin pag-usapan pag uwi mo sa bahay."

"Sige." Kung may ganun mang school ay interesado akong pumasok dun. Gusto kong pasukin ang school na yun.

Hininto nya ang kotse sa may puno at bumaba. "Tara."

"Gentleman." Tukso ko.

"Tsk. Lalabas kaba o ano?"

"Lalabas na! 'to naman!"

Malakas kong sinara ang pinto ng kotse saka umayos ng tayo. Pinasadahan naman nya ng tingin ang kabuuan ko.

"Ano?!"

"Sigurado kabang nag shorts ka?"

"Malamang Cadmus Rae!" Tinaas ko ang mini skirt ko para makita nya ang shorts kong kasing haba lang din ng suot ko. "Ayan oh!"

"Tsk! Naninigurado lang!" Tumalikod na sya at nag lakad. "Bakit ba ganyan ang uniform ni Mara dito?!" Maktol nya pa. Kala nya naman di ko narinig yun. Well, mini skirt lang naman ang uniform at blouse. Ang kyut ngang tingnan. Di naman gaanong maiksi. Two inches above the knee.

*Cling-cling-cling*

Tunog ng chimes pag pasok namin.

"Good morning to you Dear, Drug!" Kagaya kahapon ay hyper ulit sya.

"Good Morning din."

"Hello sayo, Rae."

"Ayoko ng uniform nya. Wag mo na nga syang pag uniformin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaya kinurot ko ang tagiliran nya pero hinawakan nya lang ang kamay ko.

"Oh? Ganun ba?" She sounds disappointed. "Sayang, bagay pa naman sana sa kanya. Sige, wag ka nalang mag uniform.". With that, umalis si Camuds at bumalik sa kotse.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon