Chapter 19

1 0 0
                                    

Drug's POV

"Susunduin kaba ni Rae?" Napatingin ako kay Mara na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Hinde." Sagot ko naman at inayos ang gamit ko. Tapos na ang working hours ko, kaya nagliligpit na.

"Bakit hindi? Nag away kayo?!"

"Ha? Bat naman kami magaaway?"

"LQ... Mga ganun."

Napataas ako ng kilay ng sabihin nya yun.

LQ? "Mukha ba kaming Lovers?"

"Hmm. Hindi ba? Hihi." Humagikhik pa sya at parang tuwang tuwa.

Tsss. Amo ko ba talaga sya?

"Sino na susundo sayo?"

Tumunog ang chimes pagbukas ko ng pinto. Sumunod naman sya sakin papunta sa labas.

"Susunduin ako ng kaibigan ko." Susunduin daw ako ni Jax.

"Ahh. Sige, hihintayin nalang kita na masundo."

"Ayos lang ako. Mauna kana, hinihintay kana ni Corliss." Sabi ko at tiningnan kung may message ba si Jax sa cellphone.

"Mamaya pa yun. Ano kaba. Marami syang inaasikaso eh."

Tiningnan ko sya ng seryoso at ngumiti naman sya. "Sige. Ikaw bahala."

Madaldal sya.

Marami syang kinwento sakin tungkol sa kanya. Nakinig naman ako dahil wala akong choice. Haha Ako naman ay hindi nag kikwento tungkol sa sarili ko. Ayokong pinaguusapan.

"Basta! Gwapong gwapo sya para sakin." Kinikilig pa sya nyan.

"Bakit mo sya nagustuhan?" Base kasi sa kwento nya. Snob ang crush nya at strikto.

"Gwapo nga kase, tapos redponsable."

"Pero snob. Hindi ka papansinin nun." I stated.

"Ang sama mo naman." She pouted.

Napairap na lang ako. Bakit ako nung nagka crush hindi naman ako ganyan? Tamang tingin lang at minsan kinakausap. Psh. Sabagay iba iba nga pala ang tao.

"Nagsasabi lang ako nang totoo." Plain kong sabi.

Pareho kaming naka upo sa bench sa gilid ng Café. Kalong ko ang bag ko at sya naman ay nakahalumbaba ang siko sa tuhod at pinatong ang mukha sa palad nya.

"Balang araw, matutulungan mo ako sa kanya." Napalingon ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Bakit? Diko naman kilala yang crush mo."

"Baaaastaaaaa." Sabi nya at sinagi pa ang balikat ko.

Takte.

"Tsk." Binalewala ko na lang sya at kinuha ang selpon ko sa bulsa.

New Message!

Cadmus: Where are you right now?

Tss.

Me: CdA

Cadmus: Wait me there, im picking you up.

Srysly?!

Nakakunot ang noo ko habang nag tatype sa selpon ko.

Me: Wag na nga! Papunta narin naman si Jax dito.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon