Chapter 14: Hired

1 0 0
                                    

Drug's POV

Nakakapanibago.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Tahimik, payapa tanging ingay lang mula sa mga motor sa labas ang naririnig ko. This is how I supposedly wanted to live. Just like normal teens. Oh well, I know I can't.

Nag buntong hininga ako at nag unat. This isn't the right time to feel that way. I should treasure this moment of my life where I can freely move and no one recognizes me as a Successor of the Notorious Mafia Organization.

Mataas na ang sikat ng araw ah? Bakit kaya hindi ako ginising ni Cadmus? Shit! Baka tulog pa yun at wala kaming makain nito. Nakakainis!

Bumangon na ako at naligo sa banyo ng kwarto. I can say that this house of Akira is really high valued. Sinabi nya lang na mura lang ito para hindi ko tanggihan. Sinabi ko kasi sa kanya na tulungan akong bumili ng bahay. And this happened. She gave me this.

Matapos mag bihis ay agad akong bumaba.

"Oh! Gigisingin na sana kita." nagkasalubong kami ni Cadmus sa hagdan. Paakyat sya. "Nakapagluto na ako, kain na."

Tumango ako sa kanya at sumunod. I can smell aroma from the kitchen.

"Good Morning." Natawa sya ng tingnan ko sya. Ano bang nakakatawa? "Ngayon lang kita na bati. Upo na."

Tahimik akong umupo sa upuan na hinila nya para sakin. The noise from the utinsils are all we can hear.

Nakakapanibago.

Ngayon lang ako natahimik ng ganto. Tsk! Kulang nga pala ako sa tulog. Nagtaka pa.

"Antahimik mo ata?"

"Kelan ba ako nag ingay?"

"Sabagay." Kibit-balikat nya. "Ano gagawin mo ngayong araw?"

"Ngayon?" Napaisip ako. Ano nga ba? "Mag hahanap ako ng trabaho malapit dito." Di kasi pwedeng umasa ba black card na iniwan nina Bullet at Calix. Baka kasi hindi na pala nila yun nilalagyan ng pera. Mahirap na baka paubos na pala ang pera nun.

"Anong trabaho naman?"

"Kahit ano. Pwedeng waitress, cashier, taga hugas ng plato sa karinderya, taga tinda ng fishball sa streets."

"You're kidding."

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sabi ko habang may pagkain pa ang bibig ko. Kahit anong trabaho ang papasukin ko basta ba magkakapera ako. Basta marangal lang.

"Wag kana lang kayang magtrabaho? Uhmm. Ganto nalang, ako ang bahala sa babayaran dito sa bahay. Kuryente, tubig o kahit ano pa." Napaisip ako. Magandang alok. Grab the oppurtunity.

"Sige. Tutal dito ka naman naka tira." Lumiwanag mukha nya. "Pero maghahanap parin ako ng trabaho, pang grocery lang."

"Ako na rin ang mag gogrocery!" Ano bang problema nya at ayaw nyang magtrabaho ako?

"Sige. Ikaw bahala." Napangiti uli sya. May something sa kanya.

"Samahan mo nalang ako mamaya, maghahanap ako ng trabaho pambili ng mga gusto ko." Siguro naman hindi na nya akuin yun.

"Ha?" Sabi na eh. May something sa kanya.

"Bakit ba parang ayaw mong mag trabaho ako?"

"Delikado kasi sayo."

"Kaya ko naman ang sarili ko." Totoo naman yun eh. I can manage myself. Sumubo ulit ako at nagsalita sya.

HEROINE: JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon