Ashton's POV
Nakakapanibago dahil ang tahimik ng tambayan namin. Andito kasi kaming tatlo sa tambayan eh, sa tree house.
"Anong oras na?" Tanong ni Jax habang nakahilata sa sahig.
"Oras nang bumili ka ng relo." kabaliwan naman ni Neron.
"Tanginamo." Tinawanan lang yun ni Neron. Mga abnormal. Ako lang ata normal sa amin eh.
"Nga pala Dre, ano na ang balita ni Akira tungkol kay Bullet?" Napalingon ako kay Jax nang itanong nya yun. Umayos ako ng upo at sumagot.
"Wala pa naman dawng sinabi na gagawin si Bullet. Saka, mas mabuting walang alam si Drug na nahanap na sya ng Kuya nya."
"Bakit naman ganun?" Tanong ni Neron na pinapatay sindi ang solar lamp.
"Lintek! Itigil mo nga yang gago ka!"
"Tumahimik ka nga ang ingay mo."
Haaay.
"Mas dodoble ang panganib ni Drug kapag malalapit sya kina Bullet."
Sabay kaming nagbuntong hininga. Akala namin ay hanggang don lang gagawin naming pagbabantay sa kanya dati kagaya ng bilin saamin ng Kuya nya pero mas mukhang titindi ang gagawing pagbabantay.
"We better stay like this." Sambit ni Jax.
"Alin?" Tanong ko naman.
"I mean, kung itatayo nya ang Notorious, sasali tayo. Habang nakikipag uugnayan tayo sa LYL." Paliwanag nya. "Bobo naman neto."
Tangina---ayos na sana eh!
"Ako pa bobo?!"
"Oo syempre. Di naman pwedeng ako dahil ang gwapo ko nalang para maging bobo." Nailing nalang ako sa sinabi ni Neron. Bat sila ganito? Tsk
"Tsk."
"Aminin mo na kasing gwapo ako Dre."
Nilingon ko si Neron na ganun parin yung ginagawa. Gago talaga neto. Kahit gaano ka seryoso yung usapan, isinisingit talaga ang ka gwapuhan nya. Hindi nya alam na ako ang dahilan kung bakit gwapo silang dalawa ni Jax. Tsk
"Oo nga. Gwapo kana, kaya nga mahal kita eh."
"Tangina mo Star!"
Hinayan ko na silang dalawang mag murahan. Mga tanga eh.
Iniisip ko parin hanggang ngayon ang pinagawa samin ni Drug nung nakaraang gabi. Kala ko mabibisto kami nun eh.
Flashback
"Sige, sige Bullet." Ininaba ko ang cellphone at nag lakad papuntang kusina.
"Anong sabi Dre?"
"Mamayang 8 daw dapat handa na tayo. Ipapagawa sya sa'tin." Kumuha ako ng tubig sa ref at nilagok yun. May gagawin daw silang transaction at back up kami. We offered ourselves to LYL. Nagkasundo kaming tatlo sa bagay na yun. Besides, si Drug naman ang usapan dito. She is very dear to us and we are willing to offer our safety for her.
"Oh? Ano pang hinihintay natin? Maghanda na tayo baka tayo paputukan nung highblood na Kuya ni Droga." Tumango kami ni Jax sa sinabi ni Neron.
Nagsikuha kami ng mga damit at nagsikuha rin ng mga baril. Ammunitions syempre. Kinarga namin lahat ng sinabi ni Bullet kanina. Mga baril at bala. Di naman ito ang first time na mapapasabak ako pero bakit parang iba ang feeling?
BINABASA MO ANG
HEROINE: Journey
Random"Isipin mo, mala anghel ang mukha ko pero Demonyo talaga ako. I am not Heroine Blaze Loyola for no reason." -Drug She could be a HEROINE to save anyone from danger, but she can also be a HEROIN to poison anyone's mind through anger. She is HEROINE B...