Chapter 19

739 15 6
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!"

"Anlamig! Ano ba yan!"

"Waaaaa! Auntie tama na!"

"Grabe ka auntie baka pulmonyahin naman ako bakit ka ba nambubuhos ng isang pitsel ng tubig with yelo yelo pa!"

"Aba't sumasagot sagot ka pang bata ka! E ikaw tong napakamantika kung matulog! Kaninang kanina pa kaya kita ginigising walangya ka!" aba sabuyan ko kaya ng mainit na tubig to si auntie sya pa galit e sya na nga tong nanggigising sa araw ng sabado?

"Haler auntie sabado kaya ngayon! Ano ba yan inaantok pa ko e! Mamaya nalang po kasi!" pabalik na ko sa paghinga ng pigilan na naman nya ko.

"Hep! Di ka ba talaga babangon? Aba'y alas dyes na, yung bisita mo kanina pa alas syete andun sa baba!"

"Bisita??"

"Gaga ka! Yung pogi! Si bibo! Bumaba ka na nga feeling mo ang sexy mo para magpachics ka? Tatlong oras na yon don sa baba! Hala bangon!" bigla akong napatakbo pababa ng makita kong bubuhusan na naman ako ni auntie ng tubig.

Sino bang bibo yun? Kainis naman istorbo!

"Oy bibo! Bibo! Pababa na sya dyan nako pasensya na ha!? Huy Nikki bilisan mo na nga! Ako na ang magaayos nitong higaan mo." sigaw ni auntie mula sa kwarto ko.

"Oho na! Sino ba kasi si Bibo na-- E-evo?"

"Nagkamali ata ng dinig yung auntie mo, actually i introduced myself to her as Evo. Anyway, goodmorning lovely!" lalapit sya sakin syet noooo!

"Hep! D-dyan ka lang! Anong ginagawa mo dito?"

"Why?" takang tanong ni Evo. Napatingin naman ako sa sarili ko, gulo gulo ang buhok, muta muta, may panis pa ata akong laway e, tapos nakapantulog? Watdapak?! Nakakahiya!

"If it's about your morning looks. It's okay, no worries. You still look gorgeous for me." he said grinning. Napanganga naman ako sa sinabi nya. "Well, just to let you know, we're going on our first date. C'mon baby go fix yourself!"

"Date?" maang kong tanong.

"Yup yup yup." sabay tulak ulit sakin pataas ng hagdan.

Wala sa sarili namang nag-ayos ako. "Ano kayang naisip nitong jeje na to pabigla bigla, ni hindi ako tinawagan or tinext man lang. Di tuloy ako nakapaghanda ng isusuot. Sayang dapat pala hindi na ko nagpuyat kakabasa sa wattpad kagabi edi sana nakapagbeauty rest ako."

Sabay tingin ko sa salamin, "Anyway, okay lang dahil ang ganda ko pa din naman."

Asa sasakyan na kami ni Evo di ko pa din alam kung saan kami pupunta.

Aba infairness sa lalaking to ah, nagbabago na ang porma nya. Di na masyado jeje. At kumbaga sa babae blooming sya. He's wearing a simple red polo shirt na lacoste, then tinernuhan nya ng isang khaki shorts at topsider naman bilang sapatos. At nagugustuhan ko talaga ang ayos ng buhok nya ngayon, korean style ata ang tawag dito e, medyo brown din yung kulay pero hindi naman blonde. Improving ang lolo nyo!

"Pangit ba?" agad akong napapitlag ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, at sumulyap sakin.

"A-alin?"

"My new look, ayaw mo ba? Pede ko namang baguhin ulit." nakatingin pa din sya sa daan, pero hindi nya binibitawan ang kamay ko. Feeling ko nga namamawis na yung palad ko dahil sa kaba.

"Ha? Ah eh hindi ah, okay nga e! Atleast nabawasan pagiging jejemon mo hahaha!" dinaan ko nalang sa pangaasar para naman mabawasan ang pagkakaba ko kahit papano.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon