Chapter 33

473 11 11
                                    

Nikki’s P.O.V

Nasan ako?

Anong nangyare?

Yan ang mga tanong na kanina pa paulit ulit sa utak ko, the moment i opened my eyes. Madilim pa din, gabi pa din base sa bintana ng kwartong kinakalagyan ko ngayon..

11:08pm, yan ang sabi sa orasan na nakasabit sa tapat ng kamang hinihigaan ko ngayon.. Malapit ng matapos ang araw na to, sana paggising ko bukas panaginip lang ang lahat. Sana bukas maayos na ulit ang lahat, sana magising na ko sa bangungot na ‘to..

Isa na ba akong rape victim?

Hindi ko mapigilang maluha ng makita ko ang sarili kong nakasuot ng malaking tshirt na panlalaki, iba na din ang underwear na suot ko. Hindi na ko nakatali, pero parang wala akong lakas na tumayo at alamin kung nasan na ako. Tulala lang ako, pilit na pinoproseso ang mga nangyayare, ang mga nangyare magmula pa kaninang umaga. Magmula sa cold treatment ni Evo, hanggang sa pagchecheat nya sakin, hanggang sa iwanan ko sya sa mall, hanggang sa may kumidnap sakin at hanggang sa ngayon...

Isa na ba akong rape victim? 

Pero bakit? At ano ba talagang nangyayare? Gulong gulo na ko. Paulit ulit lang ang mga tanong na yan sa utak ko.

Narinig kong bumukas ang pinto, pero hindi na ko nag-abalang lumingon pa.  Wala na kong pakialam..

“Pre gising na sya.” narinig kong sabi ng lalaki sa pinto.

“Sige pre, tara na.” sagot naman ng lalaki sa labas. Base sa boses nila sila pa din ang mga lalaking kasama ko sa van kanina.

Pumasok silang dalawa, nilagyan nila ako ng piring. Wala na kong nakikita ngayon. Wala na din akong lakas para magpumiglas. Bahala na, wala na kong pakialam. Parang yung mga luha ko, wala ding pakialam basta kusa nalang na tumutulo ng hindi ko alam ang eksaktong dahilan.

Naramdaman ko na tinulungan nila kong tumayo, “Maglakad na. Sumunod ka samin. Kumapit ka lang.” he commanded pero hindi ako sumunod. Hindi ako gumalaw.

“Oy miss, tara na. Humakbang ka na, wag kang matakot kumapit ka lang samin.” ulit nila sakin. Pero hindi pa din ako nagpatinag. Kaya naman nagulat ako ng bigla akong buhatin ng isa sa kanila na parang isang sako ng bigas.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon