Nikki’s P.O.V
Puti...
Everything’s white, when the moment i opened my eyes..
Teka patay na ba ko? Nasan ako?
Napalingon ako sa gilid ko kung saan may nakatungong lalaki habang hawak ang kamay ko..
“E-evo?” agad naman syang nag-angat ng tingin at nagulat ako ng makitang maga at namumula ang mata nya pagkatapos ay bigla nya akong niyakap, teka ano bang nangyayare? Bat ako nasa ospital?
“Evo, anong nangyare? Bakit ako nandito? Hindi ka na ba galit sakin?” manghang kong tanong sakanya.
“Stupid. Hindi mo alam kung gano mo ako pinag-alala. I told you not to look for it, but you still did. You, stubbord kid. Feeling mo ba kasinlakas ka ng isang super hero sa mga movies?” panenermon nya sakin at maya maya kumalas na din sa pagkakayakap sakin.
“Sorry, ayoko lang namang magalit ka sakin. Saka kasalanan ko naman talaga kung bakit nawala yung kwintas e. Pero hindi ko talaga sinasadya.” dispensa ko sakanya.
“It’s okay, let’s not talk about it. Anyway, may dinala ang auntie mo kanina ditong pagkain, teka ihahanda ko para makakain ka na..” bigla syang tumayo at pumunta sa lamesa sa gilid ng kama ko. Starting to prepare something. “Sabi ng doctor okay ka naman na daw e, hinipo kita kanina sinat nalang naman. Thank God. Pero magpahinga ka muna. Andito lang ako.”
Buti nalang weekends ngayon, kung hindi ang laking abala ko para kay Evo. “Thank you Evo..”
Lumingon sya sakin at ngumiti.. “Para saan?”
“Sa lahat lahat..”
“You’re such a drama queen. Of course, for you i will do everything, anything.. Wag mo lang hihilinging sungkitin ko ang bituin ah? I can’t do that masyadong mataas.” Ngumiti pa ulit sya bago bumalik ulit sya sa tabi ko, inalalayan nya kong makaupo mula sa higaan. Pagkatapos ay kinuha ang bowl na hinanda nya kanina.
BINABASA MO ANG
BBI (with the Gangster)-[EDITING]
Teen FictionTHE WHO??? Sinetch itey na babaitang gandang ganda sa sarili. Self proclaimed na maganda. Pero malas naman sa buhay pag-ibig. Dahil lahat nalang ng magugustuhan nya ay ayaw sakanya. Pero totoo nga kaya ang lumang kasabihan na "The more you hate, the...