Chapter 4

1.1K 27 11
                                    

a/n: Dahil natuwa ako sa dedication nya sakin ng isang chapter nya dedicated ito kay Ate abo. Anyway, pakibasa po ang story nya "More than just a bet" dali promise magugustuhan nyo :) Pati other story nya ang ganda promise! Check her works :)

From: Best Tipaklong

Hi Babs! Goodmorning! Sabay tayo pasok ngayon ah? Papunta na ko dyan sa inyo :)

-end-


Nabasa ko ang text ni Zander pagkagising ko.. Ngayon ready na ko, inaayos ko na lang ang mga gamit ko sa school. And that's it! Im ready to go!

Maya maya lang ay dumating din naman kaagad si Xander my loves :D haha siguro asa pluto na si Jennie kaya andito naulit sya sa kin! Bwahahaha! :D

"Tara na! Kala ko, di na ulit kita makakasabay e. Nalulungkot tuloy ako, pero ngayon okay na!" simula ko kay Xander. Well, that's true.. Namiss ko pa nga sya e.

"Ang totoo nyan andito ko para magexplain ng tungkol kay Jennie.." seryosong sagot naman niya.. "Ang totoo nyan baka di ko na masyadong magawa ang mga bagay na laging ginagawa ko sayo, ang ginagawa natin. Pagkain ng magkasabay, pumasok ng sabay, ihatid ka sa inyo, gumawa ng assignment kasama ka, maggala at kung ano ano pa. Baka bihira na lang nating magawa yun.."

Natahimik ako sa sinabi nya, anong ibig nyang sabihin..

"Si Jennie, sya ang babaeng nililigawan ko.. Actually, magiisang taon ko na syang nililigawan. Classmate ko sya sa dating school na pinapasukan ko, dapat sabay kami papasok dito, pero nalate sya ng almost two  months dahil nagkasakit sya. Buti nga nakilala kita e, medyo naOP kase ako dito sa school e. Ngayon andito na sya itutuloy ko na ang naudlot kong panliligaw sakanya.. Pero wag ka magalala ikaw pa din ang bestfriend ko forever na yon. Susubukan ko pa ding magkaron ng oras sayo! Ikaw pa malakas ka sakin e." paliwanag nya sakin at ginulo pa ang buhok ko pagkasabi nya ng huling pangungusap.

"P-pero b-bat ngayon mo lang to sinabi? Di mo naman nabanggit sakin to dati e.." wala sa sariling sagot ko..

"Nikki akala ko kase hindi na sya tutuloy dito. Di na din sya nagparamdam sakin. Ayaw din nila akong padalawin sa hospital kung san naconfine noon si Jennie.. I'm sorry.."

Di ko alam kung anong irereact ko sa mga rebelasyon nya. Pero isa lang ang sigurado ako ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko paulit ulit na tinutusok ng karayom ang dibdib ko sa bawat paliwanag na binibitawan nya ngayon.. Wala na ba akong pag-asa bakit ba di ako magawang magustuhan ng mga taong nagugustuhan ko. Pakiramdam ko isang pikit ko lang babagsak na ang mga luhang pinipigilan ko. Kaya wala sa sariling napatakbo ako bigla..

Narinig kong tinatawag nya pa ako pero di ko na sya pinansin. Takbo Nikki! Takbo! Wag mo na syang lingunin wag mong ipakitang nasasaktan ka.

Ayokong malaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Baka mas lalo nya lang akong layuan...

-

Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Lutang ang isip ko dahil na rin siguro sa mga sinabi kanina ni Xander.  Alam kong magisa na naman akong uuwe neto ngayon alam nyo na tulad ng sinabi nya kanina, baka hindi na nya magawa ang mga bagay na ginagawa namin noon.. Masakit pero ano bang magagawa ko. Ayoko namang magalit sya sakin ng dahil lang sa pesteng nararamdan ko na to.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon